61 "He's Gone"

59.5K 994 265
                                          

61

"He's Gone"


CLIFF'S POV

Hindi dumating si Tonsi. Dapat ba akong matuwa? Dapat akong malungkot?

Hindi ko alam. Pero habang tinitingnan ko si Torrence nasasaktan ako.

Nagulat ako ng sumigaw si Torrence at ibinato ang bouquet at hinubad ang belo nya.

Nagtatakbo lang sya. Hindi ko alam kung saan sya pupunta pero sinundan ko sya.

Torrence, alam kong nasasaktan ka ngayon pero sana wag ka munang sumuko.

Nasan ka ba Tonsi? Patay ka sa'kin kapag nalaman kong sinadya mo 'tong gawin kay Torrence.

Sh*t Nakita kong nadapa si Torrence. Pero hindi ko sya magawang lapitan.

Bwisit umulan pa. Tama na Torrence. Wag ka ng tumayo. Dyan ka na lang umiyak please. Tawagin mo lang ako lalapitan kita.

Pero habang pinagmamasdan ko sya parang imposibleng tawagin nya ako.

Hinubad nya yung sandals nya at ibinato kung saan tsaka sya ulit nanakbo.

Tama na Torrence, please.

"Torrence!" sigaw ko ng Makita kong may paparating na sasakyan. I was 3 meters away so hindi ako agad nakalapit.

"Hoy! Magpapakamatay ka ba?" sigaw ng isang lalaki.

Pagtingin ko nakatayo pa din si Torrence at parang disappointed na hindi pa sya nabangga. Bigla na naman syang umiyak. Bakit gusto mong magpakamatay?

Tumakbo sya ulit. Hindi ba sya napapagod.

Hinabol ko sya. Madadapa na naman sya mabuti na lang nasalo ko sya.

"I'm here. I won't leave you."

TORRENCE'S POV

Akala ko madadapa na naman ako pero may sumalo sa'kin.

"I'm here. I won't leave you." Sabi nung sumalo sa'kin.

Pagtingin ko si Cliff.

Bigla na namang pumatak yung mga luha ko. Niyakap ko sya ng mahigpit at umiyak ako ng umiyak na parang bata.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh. Sana pinatay nya na lang ako! Galit ako! Galit ako sa'yo Tonsi!" pinagsusuntok ko si Cliff. Hindi naman nya ako pinipigilan o inaawat. Hinahayaan nya lang na suntukin ko sya.

"Sige lang. Ilabas mo lang lahat yan." Habang hinihimas nya ako sa likuran.

Pagod na pagod ako at para akong nanghihina.

"Mahal kita, Torrence. Ikaw lang." sabi ni Tonsi. Habang papalayo sya ng papalayo.

"Tonsi!" napaupo ako. Tumingin ako sa paligid.

Nandito na pala ako sa kwarto ko. Si Tonsi? Nandito kaya sya? Narinig ko syang magsalita. Panaginip lang ba 'yon?

Bumangon ako agad para pumunta sa kwarto nya.

Pagbukas ko ng pinto. "TOnsi!" pero ganun pa din ang ayos ng kwarto nya tulad ng nakita ko nung umaga.

Bumaba ako baka kasi nagluluto sya. Pagtingin ko lahat sila nasa baba. Umiiyak si tita. May kausap silang lalaki at mga pulis.

"A – anong nangyayari?" parang may hindi magandang nangyayari.

Nakita nila akong pababa. Agad naman akong niyakap ni tita.

LOVE Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon