58 "Intimate moments"

39.6K 601 15
                                          

58

"Intimate moments"



Habang naglalakad ako pabalik sa kwarto ni Tonsi naiisip ko pa din si Cliff. Is he really happy for us? Or he's just pretending to be happy.

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa kakaisip. Akala ko talaga I'm the ugliest and weirdest girl ever. Pero dalawang hot and rich guys ang nagaagawan sa'kin.

I smirked.

Ano ba 'tong iniisip ko? Nakayuko ako papasok ng kwarto ng mabungo ako sa pader.

"Ouch!" sabay hawak sa ulo ko. Pagtingin ko hindi pala pader. Dibdib pala ni Tonsi yung nabangga ko.

"Bakit ka ba paharang-harang dyan ha?" sigaw ko sa kanya.

"Bakit ang tagal mo? Pinagtataksilan nyo ba ako ni kuya? Anong ginawa nyo habang nandito ako?" nasigaw sya na parang isang mabagsik na monster.

"What are you talking about?" nahihiya na ako dahil pinagtitinginan kami ng mga tao.

Hinigit nya ako papasok sa loob. "Let go of me!" nagpupumiglas ako.

"Oh oh. Renz, I'm hungry. Samahan mo muna ako sa labas." Hinigit ni tita Leticia si papa.

Nakatingin lang sa'kin si papa. "Pe – pero – "

Siniko sya ni tita at binigyan ng give-them-a-privacy look habang nakanguso sa pintuan.

"Ah – oo nga gutom na gutom na nga pala ako. Ha – ha – ha." Sabi ni papa.

Kahit kelan talaga hindi sya marunong magsinungaling. Hindi sya magaling umarte. Halatang-halata.

"Dyan muna kayong dalawa. Magde-date muna kami." Hawak-hawak ni tita ang kamay ni papa.

Nilock din nila ang pintuan bago lumabas.

"So this was all your plan?" nakapamewang kong sabi sa kanya.

Pero hindi sya nagsasalita. Iba yung aura nya. Nakatitig lang sya sa'kin na parang may gagawing hindi maganda.

"Stop staring at me or else I'll kill you!" paninindak ko sa kanya.

Dahan-dahan syang lumapit sa'kin.

"Tonsi – " dahan-dahan din akong naatras. " – wag kang lalapit sa'kin. Kundi sisigaw ako."

No! Not a good idea. Sound proof nga pala 'tong hospital na 'to. Bakit kasi dito pa sya dinala. Sila papa? Alam ba nilang ganito ang gagawin sa'kin ng lalaking 'to? Pumayag si papa? Ano ba namang klase syang tatay.

Kinapa ko agad yung phone ko. Magda-dial n asana ako ng bigla nyang inagaw at inihagis sa likuran nya.

*Tugsh! Nalaglag sa sahig ang phone ko at naghiwa-hiwalay.

"Look what you've done!" Pero parang wala syang naririnig. Nalapit pa din sya sa'kin.

Atras ako ng atras hanggang napaupo ako sa may sofa. Natumba ako at napahiga.

"Humanda ka." Then he smirked.

Anong humanda? Saan? Inikot ko agad yung mata ko para hanapin yung emergency button.

Masyado syang malayo. Tatayo na sana ako ng bigla nanakbo si Tonsi papalapit sa'kin. Pero dahil mabilis ako natalon agad ako sa likod ng sofa.

"Wala ka ng lusot." Bulong nya habang nakatingin sa'kin.

Napasandal ako sa pader. Oh no! Corner na ako. Ano ng gagawin ko.

Nakatingin ako sa kanya at nakangiti lang sya. Tinitingnan nya ako mula ulo hanggang paa.

LOVE Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon