Chapter 51: [Death threat]

131K 4.2K 842
                                    

LINZY VALDEZ

Maingay na classroom ang dinatnan namin. At kabaligtaran namin sila dahil tahimik lang kaming pumasok dito at nagsiupo sa sari-sarili naming upuan ng walang imikan.

May mangilan-ngilan na napapansin ang katahimikan namin. Pero meron din namang walang pakialam.

Matapos ang eksena sa Elevator kanina. Wala na akong narinig na salita sa mga rulers. Lahat kami ay napatingin lang sa isa't-isa na para bang hinihintay ang magiging reaksyon nang biglang bumalik si Blaise sa pwesto namin na akala mo ay walang pakiramdam o kahit na anong pakialam dahil sa walang buhay nitong mata at pagkilos.

Ang bigat ng pakiramdam ng ganito. Ang bigat bigat sa pakiramdam ng may taong mahalaga sayo na ramdam mong unti-unti nang lumalakad papalayo sayo. Sa inyo..

Hindi ko maintindihan. Wala akong maintindihan kung ano ba talagang problema ni Myrttle. Kung ang nagawa lang ba ni Blaise sa kanya ang problema nito o may iba pa.

Hindi ko maiwasang magulat sa soot na uniform ni Myrttle kanina. Hindi lang ako, lahat kami ay nagulat dahil sa inasta ni Myrttle.

At tila ba ang simpleng bagay na ito ay naging dahilan upang masaktan ako. Parang kahapon lang noong pilitin pa naming magsoot si Myrttle ng Uniform. We are hopeless that time, ayaw talaga nitong isoot ang Uniform ng rulers. Pero ngayong iba nang uniform ang soot niya. Ang sakit nitong tignan. Because this time, pinakita na talaga nito na ayaw na niyang maging isa saamin.

Kanina habang papaakyat ang elevator ay hindi ko maisang mapatingin kay Blaise. Nagaalala ako dito. Kung ako ngang kaibigan lang ni Myrttle ay ganito na kabigat ang nararamdaman. Gaano pa kaya kabigat ang nararamdaman niya? Gaano kaya kasakit ito para kay Blaise?

Sinulyapan kong muli si Blaise at sa pagkakataong ito ay nakatingin lang sa kawalan sa labas ng bintana. Walang emosyon, tila walang naririnig at nasasaktan ako sa mga mata niya ngayon. Mga mata niyang sumasalamin sa kanyang kalungkutan...

A deep sigh came out to me.

I don't know what to do now. I wanted to help pero ramdam kong may iba pang problema. At wala akong karapatang makialam dahil hindi ko alam ang nangyayari.

Napatingin ako sa orasan at pasado alas Otso na ng umaga.

Nasaan na si Myrttle? Nauna siya saming umakyat pero bakit wala parin siya...

Gulat akong napalingon sa tabi ng bintana....Sa upuan ni Blaise. At napahawak ako sa braso ni Landon ng mahigpit ng makita ko ang namumulang kamao ni Blaise dahil sa paghampas nito ng kamao niya sa arm desk. At ito ay naging dahilan upang tumahimik ang maingay na silid namin.

Nakakatakot. Ibang-iba ang aura ni Blaise ngayon. Hindi ko maiwasang higpitan pa ang hawak sa braso ni Landon dahil sa takot na nararamdaman ko.

Naka'y Blaise na ang atensyon naming lahat maging ang ibang estudyante. Nakakunot ang noo nito at hindi mo mawawari kung anong nararamdaman niya.

Ngunit sa gitna ng aking pagkatakot ay isang mainit na palad ang mahigpit na humawak sa kamay ko. And it was Landon. Nagtama ang paningin namin at nginitian niya ako.

Isang ngiting alam kong hindi totoo.

Hindi siya nagsasalita. Pero ang mga mata niya'y nangungusap na parang nagsasabing. Magiging ayus din ang lahat. So I also gave him my weak smile.

"Everything will going to be fine."

Bulong ko, sapat na para marinig nito.

Alam kong nagaalala din si Landon. At kitang-kita ko iyun sa mata niya. Kaya naman hinigpitan ko rin ang hawak ko sa kamay nito.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon