Chapter 52 (September 29, 2011)

887K 10.7K 865
                                    

DATE POSTED: September 29, 2011


Chapter 52

"Halika na bilis halika na!!!"

"Ehhh!!! Kinakabahan pa ako!!! Wait!!! Hoooohooohooo!" nakakapit si Phoebe sa isang poste habang hinihila siya ni Jhone paputang auditorium. Nandoon kasi ginaganap ang audition para sa school play.

"Kanina ka pa nagiinhale exhale dyan! Tara na kasi gurl!! Lahat na ng preparations sa mundo ginawa na natin. Nagyoga-yoga na tayo kanina... " hila pa rin ni Jhone "... nilaklak mo na lahat ng mineral water na dala mo, namaga na ang pisngi ko kaka-kurot mo at higit sa lahat tinignan mo na yung picture ni Kent ng paulit-ulit na halos natunaw na!"

-______-

"Di pa kasi siya tumatawag!"

"Oh??"

"OO!! Buti pa si manang nakakausap niya. Natataon yun tawag niya may klase. Nagtetext naman siya kaya okay lang. Busy daw eh. Ang tagal ng two weeks!!!"

"Ganun? Naku!!!!" sigaw ni Jhone

"BAKET??"

"Baka....baka nagchorvahan na sila ni Elisa!!!!"

Binatukan ni Phoebe si Jhone.

"Aray ko naman!"

"Anong nagchorvahan? Sapakin kaya kita??"

"Eh bakit naiiyak ka?"

"HINDI AH!"

"Tara na nga kasi at mag-audition na! Bago ka pa isumbong nni Harley kay Kent. Baka lalong chorvahin nun si Elisa sige ka!"

Naikwento na rin kasi agad ni Phoebe sa bestfriend ang mga pangyayari nung isang araw: tingkol sa sorority orientation, pagtawag ni Alex at sa pamba-blackmail ni Harley.

"Sige na nga! Pero hwag ka nang manuod!!!" ani Phoebe sa kaibigan.

"Susuntukin kita haha. Syempre manunuod ako, cheer nga kita from my seat eh!! Go Go Phoebe!!!! WOOOOOO!!!!"

"Loka ka talaga! Wag mo akong pagtatawanan ah!!!"

"Oo naman basta gawin mo lang yung pinractice natin sa CR!! Hwag mo nang kagatin yang kuko mo! Kadiri kaya!!!"

Pumasok na silang dalawa sa auditorium.

"Gurl!! Kasama na agad si Harley sa pag-arte?? Akala ko parang monologue lang?"

Nasa stage kasi ang nago-audition at nagtataka sila na pati si Harley ay nandoon din at umaarte.

"Nakakapagod naman ginagawa niya! So lahat ng nago-audition sinasabayan niya?"

"Baka nga!! Ang galing at ang sipag talaga ni fafa Harley!! Magnificent!! Excellent Bravaaaa! Haha" pumalakpak pa si Jhone kaya napatingin sa kanila ang ibang staff and crew.

"Ayy haha hello!! Si Fibboy!! Este si Phoebe!!" turo nito sa kanya. "Mago-audition! Haha! Siya na sunod diba? Siya na?"

"hanu ka ba! Ang haba kaya ng nakapila pa! tska mamaya na ako kinakabahan pa ako eh..." bulong niya kay Jhone.

Di nakikinig si Jhone.

"Paunahin niyo na!!" nilakihan pa ni Jhone ng mata ang mga nakaupo sa pila ng mago-audition. "Ayaw niyo bang makita ang acting skills ng asawa ni Kent!!?? Este jowa pala ni Kent Fuentabella???!!!"

"parang tanga toh!" kulang na lang, takpan na ni Phoebe ang bibig ni Jhone dahil sa kaingayan nito sa tahimik na auditorium. Mabuti na lang at tapos na ang nago-audition. Pababa na ng stage si Harley.

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon