Ang saklap dahil wala akong ka-close sa mga kaklase ko mamaya. Sina Dyosa, Diwata at Angel mga mang-iiwan. Bakit kasi bukod tanging ako lang sa barkada namin ang Benitez? Nangunguna tuloy ako sa klase.

"Be my heart beating on my chest you're the only prayer I need to make me feel blessed"

Napatigil ako sa pagsusuklay ng buhok, sino 'yung kumakanta? Nagmadali ako sa pag-aayos. Boses ni Jewel ang narinig ko kung hindi ako nagkakamali.

Paglabas ko ng kwarto, siya na nga ang bumungad sa'kin, nakatayo siya malapit sa kusina at nakanta. "Hoy, anong sadya mo sa bahay?"

"Good morning din, kaibigan. Si Mamsi?"

Sa pagkakatanda ko no'ng isang araw lang nagdadrama ang lalaki na 'to kasi nawalan siya ng wallet ngayon naman hanggang batok ang pag ngiti. "Naka alis na si Mama. Paano ka pala nakapasok dito e nakasara ang gate?"

"Have you ever heard the word 'spare key?' May ganun ako" pinakita niya pa sa'kin ang susi na pinagmamalaki niya. "Naks! Anong dictionary ang nilunok mo kagabi?"

"Kay Mareng Webster. Kumain ka na?"

"Kanina pa, paalis na nga ako. Si kuya? Ano palang kailangan mo kay Mama?"

"Nasa apartment ko. Papasok na rin 'yon mamaya lang, hihingi sana akong baon kay Mamsi"

Nakangiti siya sa'kin ngayon, "Ang saya! Nanay mo?"

"Joke lang, sinundo lang kita, ako na raw maghatid sa'yo sa school mo sabi ni Kenn"

Hanggang ngayon ba naman may taga hatid pa rin ako? "Bakit ikaw? Gusto ko si kuya"

"Aba. Sa duguan pa ang puso ng kapatid mo. Siraulo 'yon e!"

"Sasabihin ko 'yan kay kuya"

"Okay lang, ilang beses ko na siyang namura kagabi. Ang sarap ngang bangasan ng mukha. Nahihibang na talaga 'yon"

Halata kay Jewel na inis siya. Sa tono palang ng pananalita niya makakasapak siya ng tang* ngayon. "Alam mo na ang buong kwento? Walang nabanggit si Aica sa'kin"

"Ikukuwento ko sa'yo lahat. Pero bago 'yon, painom muna ng tubig. Nakakauhaw maghintay sa'yo ang tagal mong magbihis"

Kakaiba rin ang isang 'to. Nagreklamo pa sa'kin na kung hindi raw siya kumanta hindi pa ako lalabas sa lungga ko. Sa nagpapaganda pa ako e, mahirap na baka makasalubong ko si Mr. Right sa kanto tapos ang dungis kong tingnan, isang malaking turn off.

"May bago akong idol"

Nakasakay ako ngayon sa pinagmamalaki niyang kotse na bagong linis daw. "Sino?"

"Si Ellie Goulding" pagmamalaki niya, "Type rin ako nun e, kagabi kasi sabi niya sa'kin 'I need your love' sinabi ko na nga sakanya na pagmamahal ng iba ang kailangan ko pero ang kulit niya"

Pigilan ang sarili, Leslie alam mong may kausap kang wala sa tamang katinuan. "Agang aga ang dami mong alam. Mas maganda 'yung Army."

Napatingin siya sa'kin, "Type mo rin si Ellie?"

"Kanta ni Ellie, hindi siya, iba ang gusto ko" ''yung gusto ko kasi may gusto rin sa Leslie. Leche!

"Sabi na, type mo rin ako kahit na mas gwapo sa'kin ng isang paligo si Kobe Paras at mas gwapo ako kay Jeff Chan ng labing limang beses. Kinikilig ako, Leslie"

Mr. Know it All [EDITING]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang