"You raped me! You deceived me! You took advantage of me while I was stoned drunk! You are a scheming bitch!" Russo sounded betrayed.

"Pananagutan kita. Promise. I'll be a good wife. Just give me a chance. And I didn't deceive you. At isa pa ikaw ang unang humalik—" Tinalikuran na ni Russo si Stephanie saka tumakbo paakyat ng hagdan. Humabol naman agad si Stephanie kay Russo.

"You have to marry me whether you like it or not! I taped what we did last night at ipapakita ko 'yon sa parents natin." Stephanie kept on talking while jogging up stairs as Russo kept on shouting at her. Reghie and Matthew looked at one another in rapturous amazement, at kapagkuwa'y sabay na natawa. Mukhang sasakit ang ulo niya sa dalawang 'yon. Hindi na talaga hihiwalay pa si Stephanie kay Russo panigurado siya doon.

PROBLEMADO ang lahat sa De Silva Ad Agency dahil sa matinding pinagdadaanang suliranin ng kompanya. Some of investors pulled their money out from DSAA. At napag-alaman nilang nagsilipat ang mga ito sa Malcolm Company sa kadahilanang natatakot daw ang mga ito sa paunti nang paunti na ang kliyente ng DSAA. Pero nakakatiyak si Reghie na si Lady Camellia ang nasa likod ng lahat ng ito. Pati ang mga empleyedo ay apektado na rin. Some employees could be laid off if the crisis persists. Sa loob lang ng isang buwan mula nang pagdating ng Malcolm ay sumadsad na nang husto ang kompanya nila. Kung magpapatuloy ang ganito baka tuluyan nang magsara ang DSAA.

"Dad, ano po ba talaga ang kaugnayan mo kay Lady Camellia? Bakit parang galit siya sa 'yo? Narinig ko kayong nag-usap sa party noon at may binanggit siya tungkol sa anak niyang pinatay mo raw." Naitukod ni Enrique ang siko sa ibabaw ng armrest at humawak sa noo.

Umiling-iling ito saka umayos ng pagkakasandal.

"Camellia and I are used to be lovers," simula ni Enrique. Napatuwid siya ng upo. She didn't expect this.

"She was only sixteen when I met her. Fresman siya ako naman senior sa kolehiyo. She was taking up Tourism while me was taking up Business Administration. She wants to be a flight attendant. She dreamed to travel around the world." Makikita ang paguhit ng munting ngiti sa labi ng ama na para bang may magandang alaalang gumitaw sa isip nito..

"Parang ako.." usal niya. Pangarap rin niya ang gan'ong trabaho pero hindi niya naman pinursue dahil na rin sa kagustuhan niyang makatulong sa negosyo nila. At alam niya ring hindi papayag ang mommy niya. Noong bata pa siya. Sa tuwing maglalaro siya at mag-pe-pretend na flight attendant ay nagagalit ang mommy niya.

"Yeah. Parang ikaw.. Natatandaan mo noong sinabi ko sa 'yo that you remind me someone? Siya 'yon. Sweet and very kind, laging inuuna ang kapakanan ng iba bago ang sarili. Kaya nga na-in-love ako sa kanya ng gan'on kabilis. Naniniwala ka ba sa isang linggong pag-ibig? Gan'on kasi namin kabilis minahal ang isa't isa." Marahang natawa si Enrique pero hindi iyon umabot sa mata nito. Punong-puno ng kalungkutan ang mababanaag sa mga mata ng ginoo.

"Ano po ang nangyari sainyo?"

"Nakaplano na ang pagpunta ko ng ibang bansa para doon kumuha ng MBA, hindi ko pa man nakikilala si Camellia noon. Nagbago ang isip ko n'ong makilala ko siya at maging kasintahan. Pero siya na mismo ang nagsabing dapat kong gawin kung ano ang makakabuti sa 'kin. Nagkasakit ang mama at kinailangan niyang magpagamot sa Amerika noon. Kaya wala na rin akong nagawa kundi ang sumama at kumuha na rin ng MBA doon."

My Bastard Ex  (Published Under LIB BARE)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!