Chapter 2: Humiliated, 2nd time around

380K 4.9K 230

Chapter 2: “Humiliated, 2nd time around



”Are you ok, Sairyl?” 

Takte! Yung ex ko ba talaga yun?


”Hey SAi?” biglang humarang sa unahan ko si Kyla.

”H-ha? A-ah! Nice meeting you Brian.” sabi ko at inabot ang kamay nung Brian habang palinga-linga sa paligid, hinahanap si Cedric. Pero hindi ko na sya makita, nagmalik mata lang ba ako? It has been years ng huli ko syang makita.

”oh-kay.. Sai. Ano yan? Pausong handshake?”  

”eh?” nginuso nya yung kamay ko at ni Brian na magkahandshake pa rin, parehas na kanan. Tinanggal ko kaagad ang kamay ko, “hehe. Sorry.” nataranta siguro ako ng mamalikmata ko si Cedric kanina.

”hehe. Ok lang yun.” 

”O sya, mag-getting to know each other na kayo.” 

”e-eh?” tinulak na kami ni kyla palayo dun sa kumpol.

--

”pasensya ka na dun sa pinsan ko ha, may pagka-pushy.” 

 ”I know.” I rolled my eyes then he laughs, napatigil ako at napatingin kay Brian.

Napatigil din sya ng makitang  nakatitig ako, ”Uh… may dumi ba ako?” 

Natauhan naman agad ako, ”w-wala naman. Your laugh just reminds me of someone’s.” 

”really? Sino?” 

Napailing ako habang nagtutungo kami sa stool, ”my.. my… an old friend of mine.” 

My stupid stinking ex.

”oh. That friend of yours must be dear to you, any drink?” 

”Pano mo naman nasabi? Just juice please.” 

”2 mikasaki juice." pag-order nya sa bartender sabay harap ulit sakin, "Hmm.. napansin ko lang sa mga mata mo.” uupo sana ako sa stool ng sumabit yung kanang paa ko sa kaliwa ko dahilan para masubsob ako sa counter pero nahagip agad ako ni Brian sa beywang ko kaya hindi ako nasubsob.

”Are you ok?” 

”hehe. Yeah. Ganto talaga ako, may pagka-clumsy.” strike 1. Pag umabot ng strike 3, I know I’m out. Ako kasi ang pinaka-clumsy na tao sa mundong ibabaw, sobrang lampa ko 10x a day ata ako nadadapa. At isang tao lang naman ang nakakatagal sakin and unfortunately eh iniwan nya na ako. *sighs*


Umayos na ako at umupo na kami at iniinom na ang inorder na juice. Nagkwentuhan kami , nagkasundo naman kami sa mga bagay-bagay. He’s nice.


”Cedric!” nabigla ako ng sumigaw yung isang lalaki sa tabi ko, sinubukan kong silipin yung tinawag ng lalaki at…


Pusang shinopao!!! Hindi ako nagkakamali! Palapit sa lalaking katabi ko ang gwapo kong ex! Tumalikod agad ako, kinakabahan ako. Hindi nya ako dapat makita, pagkatapos ng isang humiliating na break-up eh wala na akong mukhang maihaharap pa!

”Are you all right?” 

”h-ha? Oo naman.” 

”Bakit parang bigla kang namutla?” 

”o john! Kamusta?” my gosh! Nasa tabi ko na sya, ang bilis ng tibok ng puso ko! Wala pa ring pinagbago ang boses nya. I miss him! d@mn!



Yumuko ako para matabing ng buhok ko ang mukha ko, ”h-ha? Hindi ah. Maputla na talaga ako. Inborn.” 

Bigla bigla eh naramdaman kong dumanggil ang siko ni Cedric sa siko ko, my goodness! Ganto ba kaliit at kainit dito sa bar?

”I think something is really bothering you.” 

”n-naku! Wala talaga Brian, don’t worry.” habang naririnig ko ang boses ni Cedric sa likod ko eh lalo akong natataranta kaya bigla bigla kong natabing ang baso ng juice ko dahilan para matapon kay Brian, napatayo ito sa bigla at tatayo rin sana ako ng sumabit yung paa ko sa stool dahilan para matumba ako sa upuan ko.


”ARAY!”

”sairyl, ayos ka lang?” 









”Sairyl?”


I’m doomed! Antanga ko talaga! I humiliated myself again and Cedric has to see me in an embarrassing state AGAIN! Wala na bang mas ca-careless sakin? 

---

My Ex-boyfriend and I [Original]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!