Chapter 1: Brian at si... ex?

494K 5.7K 211

Denny's note: this story is a bit immature, medyo clichè at korni kasi 2years ago (I was 14 ata when I wrote this! Haha!) ko pa sya sinulat at korni pa akong magsulat ng love story nun. (kahit ngayon din naman, walang pinagbago XD) Actually, ito yung original plot ng 11ways to forget your ex-boyfriend (kung nabasa nyo sya, mapapansin nyo similarities) yung 11ways yung parang revised version nito. :)

CHAPTER 01:"Brian at si... ex? 0_0"


"Sairyl! Sairyl!"

"Ano?! hindi ako bingi! Wag kang sumigaw sa may tenga ko,mababasag eardrums ko sayo e!"

"ehehe. peace." at nagpeace sign naman si Kyla, ang newest bestfriend ko. Napulot ko lang yang babaeng yan sa kanto, hehe. joke lang. New classmate ko sa new school na pinapasukan ko, mabait yan pag... pag.. kelan ba? XD


"Oh eh anong kelangan mo?"

"Wala naman. Na-miss lang kita Sai," pagpapakyut na sabi nito. Well, cute naman talaga ang loka. Mestisahin, bilog na bilog ang mga mata,matangkad tapos may bangs sa unahan, para syang manyika.

"Ang ganda mo ata ngayon, Sairyl."

"hindi ko ata gusto ang tabas ng dila mo ah Kyla, ano ba talaga ang pakay mo?"  

She giggles, "May dinner date kasi ako."

"and i have to cover you up sa parents mo? Ganun ba?"

"Yup. That's part of it."

"Ano? meron pa?"

"Yeah. you see, first dinner date ko yun." maganda man si Kyla e hindi naman sya kaladkarin at nacurious naman tuloy ako at finally e pumayag na ang loka makipagdate, "And i dont know what to do, samahan mo naman ako. Sort of double date?"

Tinaasan ko sya ng kilay, "Yeah right, i'll bring my doggy along. Shut up kyla! wala akong boyfriend noh! magdate ka mag-isa mo!"

"Geez. I could find you one. Dali na Sairyl. please? Pumayag ka na." at nagpilitan chuva ek-ek pa kami, at sa kinahaba haba man daw ng prusisyon eh talo pa din ako. Meaning napapayag nya ako. =_=


---

"So what are we doing here?" dinala ako ni Kate sa isang bar.

"Eh di ipakikilala ko ide-date mo." 


"Remind me na singilin ka after this."  =.=

"Ihh... wag ng kj, Sai." at dinala nya ako sa tumpukan ng mga lalaki, "Hi guys!"


"Ui kyla!" sabay-sabay nilang sabi.

"You know them?" bumulong ako sa kanya.

"yah, they are my cousin's friends."

"yoh couz!" may biglang umakbay na matangkad na lalaki kay Kyla. May pagkachinito. Gwapo... pero hindi ko type kasi lahat ng gwapo salot! hmp! Hindi ako bitter, slight lang. >_>  

"And speaking of. Kuya Brian, Sairyl. Sairyl, kuya Brian."

Ngumiti sakin yung Brian. Ito siguro ang irereto ni kyla. "hi Sairyl, nice meeting you." 



"Nice mee-- takte!" nabigla ako ng mahagip ng paningin ko sa di-kalayuan si Cedric... ang ex ko. Been so long since I last saw him... namamalikmata lang siguro ako noh? It can't be na we're inside the same place right now, a big no!

My Ex-boyfriend and I [Original]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!