Chapter 1

31 2 0
                                    


Papunta ako ngayon sa registrar's office para ipasa ang form ko. Dapat kasi noong isang araw pa.

Pero hindi umabot dahil may ginawa pa akong trabaho. Bakit pa kasi nawala yung scholarship ko sa dati kung school.

Lumipat ako dito sa bagong school dahil mas maganda dito at kumpleto lahat.

Kasi yung dati kung school kulang lahat. Parang Pre-Private School lang.

"Good Morning, Ma'am! I'm Ghelsie Salcedo po. Ako po yung transferee na galing sa San Isidro University. Ito po yung form ko." Sabi ko kay Ma'am registrar. Binigyan niya ako ng ngiti tsaka niya kinuha ang form ko at pinirmahan.

"Okay. I hope na magustuhan mo dito. But be a good student, okay? Here's your schedule for the rest of the school year. You can now proceed to your classroom." Ngumiti ako bilang sagot at tumango nalang tsaka umalis na.

Tiningnan ko iyong bagong schedule ko at okay naman. Ang swerte ko kasi hindi siya abala sa schedule ng pinapasukan kong trabaho sa Cremeary Cupcake.

Isa akong cashier at the same time waitress. Matatawag ko na talaga ang sarili ko na 'working student'. Simula nung namatay ang parents ko, nagtrabaho ako ng mabuti para sa kinabukasan ko.

Yung company naman namin ay na Bankrupt. Napabayaan na dahil hindi pa naman ako marunong asikasuhin ang klase ng business namin .

Yun ay isang Wood Industry Corporations. Maraming kumukuha sa product namin dahil maganda at matibay.

Pinakulong naman ang ang gumawa sa parents ko nun. Parang gumuho ang mundo ko at sobrang lugmok ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko dahil isa pa lamang akong 15 years old. Pero hindi naman ako tanga para hindi malaman ang gawaing bahat at ano pa.

Ang business lang ng parents ko ang hindi ko kayang asikasuhin.

Si mommy ay housewife pero tumutulong siya ng paperworks ni Dad sa bahay. Ang tanging alaala at ari-arian na natira sa akin ay yung bahay namin dahil hindi ako pumayag na pati 'yun ibenta.

Maraming memories ng family namin sa bahay a iyon. Meron namang natirang pera na inilaan nila mommy at daddy para sa akin pero naubos din yun agad dahil iyon ang ginamit kong pantustos sa mga kailangan ko at ang pagpapalibing ng parents ko.

Tumulong naman ang mga relatives namin sa mga gastusin pero hindi parin yun sapat para sa lahat ng gastusin.

Meron pang pera dapat sa pag-aaral ko. Kaya naubos talaga. Nagsikap akong mabuti upang mamuhay ng mag-isa.

Ang mga relatives kasi namin ay nasa ibang bansa nakatira. Dito kami sa Pilipinas dahil hindi pumayag si Daddy na sa ibang bansa kami tumira. Dahil dito daw siya isinilang kaya dapat dito raw dapat kami tumira.

Napabalik ako sa realidad nang muntik akong matumba dahil nakatingin pala ako sa ibaba. Muntik akong madapa dahil meron palang nakaharang na bakal. Mabuti nalang at walang nakakita.

Nakita ko na ang pinto ng classroom namin.

Room 405

Pagpasok ko wala pang teacher kaya umupo nalang ako sa dulo para hindi masyadong papansin kung sino man papasok na studyante.

Marami-rami narin ang nasa loob at masyadong maingay pero okay lang naman. Siguro magkaklase sila nuon kaya sobrang close nila.

Kaya nga umupo ako dito sa pinakadulo para hindi ang ma out of place. Sa dulo lang din kase ang may bakanteng upuan.

Nakatingin lang ako sa ibaba ng may magsalita sa harapan. Parang teacher yata to base sa suot nito. Tumayo sila kaya tumayo din ako.

"Good Morning class! I'm Jenny Rodriguez, your adviser and also your Science Coordinator. You may now take your seat." She said and her gaze met mine.

"Oh! We have a transferee. What's your name hija?" She said while looking intently at me. Makatitig to wagas ah.

Pero parang mabait naman to. Siguro ganito siya makatitig kung transferee ka. Natawa nalang ako sa isip ko.

"I'm Ghelsie Anikka Salcedo po." I said to her.

"Okay. I hope you will be one of the best students." Mabait yata to no. Hindi lang halata.

Wala naman masyadong nangyari sa araw na ito. Typical first day of school. Walng ginawa.

Nagpapakilala lang. Akala ko mauubos na ang laway ko eh. Mababait naman ang estudyante dito pero meron namang iba na sobrang arte.

Akala mo naman sobrang ganda. Meron pang damit na parang nakahubad na dahil sa kaiksihan ng suot. Sana hindi lang siya nagsuot ng damit.

Nakakainis kasi ang mga ganyang mga babae at ang sobrang kapal pa talaga ng make-up. Dapat simple ka lang kasi kung ganyan ginagawa mo sa sarili mo, baka may mambastos sayo.

Malapit ng dismissal at makakauwi narin ako para magbihis ng uniform para sa trabaho ko mamayang 6pm to 10pm.

Sunday lang ang rest day namin. Pag saturday ay 9am to 9pm kami. Nag shi-shift naman kami nang schedule. Depende din kasi iyon sa schedule mo.

I swear nakakapagod nang umupo dito sa bench. Nababagot na ako kakaintay ng bell.

Nagulat ako ng may umupong lalaki sa gilid ko. Nakatitig lang siya sa akin at ako din ay titig na titig sa kanya.

Merong magandang mukha, matangos na ilong at basta napakaganda ng kanyang mukha parang babae dahil sa kaputian. Ang gwapo niya at tsaka ang ganda ng hugis ng katawan niya.

"Done checking me out, lady?" Mas lalo akong nagulat sa boses niya. Pati boses niya napaganda. He has a baritone voice. Pero parang kinocomfort ka niya.

"N-No. Nagulat lang ako sayo" Buti nalang hindi ako gaano nautal sa pagkakasabi ko nun.

"I'm sorry. I saw you earlier walking like a zombie dahil nakatingin ka lang ng diretso. So, ngayon nakita na kita, kung okay lang sa'yo na maging magkaibigan tayo. i'm a transferee too. So, I hope we'll get a long." Oh! What a friendly guy. Ngayon lang ako nakakita ng ganito ka gwapo at kabait. Walang pinipili na kaibigan.

"Of C-Course. No problem. Friends." Pagkasabi ko nun yun din ang pag ring ng bell. Hay salamat naman. Pero nakakabitin dahil uuwi na ako.

Nahihiya pa naman ako dito. Nagulat ako ng kunin niya yung phone ko sa table. Parang may dinial at sinave.

Pagkakuha ko nun ay number niya pala ang sinave niya. Wow ha! Kinuha niya lang agad ang phone ko. Pero feeling ko mabait tong taong to.

"I just save my number and i'll call you tomorrow. Para magkasama tayong pumasok. Classmate pala tayo pero parang hindi mo yata ako napansin. Nasa kabilang column ng upuan pala ako.

Pinili ko nalang na manahimik keysa sumagot. Hindi ko namalayan na classmate pala kami. Pero mabuti naman at may kakilala na ako dito sa bago kog school.

Hindi na ako mag-isa kapag kumakain ako ng lunch at recess. Pati na rin siguro sa break time may kasama na ako.

Tumayo na ako at tumayo din siya. I wave my hand ang I said bye to him. Nagsimula na akong mag lakad ng tinawag niya ulit ako.

"Miss, ano nga pala pangalan mo?" He said. Oo nga pala hindi niya alam pangalan ko at hindi ko din alam pangalan niya.

"I'm Ghelsie. Ghelsie Anikka Salcedo" I said to him with a smile on my face.

"Oh! What a beautiful name. Uhm, I'm Martin. Martin Feliciano." Maganda din yung pangalan niya.

"Ah sige. Una na ako." Tumalikod na ako at nagsimula na ulit maglakad.

Pero nagulat ako ng sumigaw siya ng...

"By the way, you're so beautiful!"  

For All of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon