12th Hate: What defines happiness?

Magsimula sa umpisa

"Gusto mo bang ihagis ko tong laptop sayo?" sarkastikong ngiti ko namang sagot din sa kanya.

"Eto naman, nagbibiro lang ako." Umupo sya sa paanan ng kama ko kaya magkatapat na kami. "Ano bang iniisip mo at tulalang tulala ka jan?" bigla syang mabilis na sumilip sa laptop ko. "Nanood ka ng porn kaya ka tulala no?"

"HOY!" nanlalaking mata at gulat na gulat ko syang tinuro. "Wag mo kong igaya sayo noh! May iniisip akong iba at hindi porn yon. Igaya mo pa ako sayo."

"Ano namang iniisip mo? Ako ba?" proud pa nyang tanong at turo sa sarili nya.

Ang kapal ng mukha talaga.

"As if. Bakit naman kita iisipin. Importante ka bang tao? Tungkol sa trabaho ang iniisip ko noh. Tungkol sa..." nag aalangan pa akong magtanong tungkol kay Fred at Angela.

"Tungkol saan? Tungkol sa Lolo't Lola ba ni Jack?" napatingala at napakunot noo ako ng mahulaan nya ang nasa isip ko. Napangiti sya, mukhang nabasa nya ang ekspresyon sa aking mukha.

"Pano mo nalaman?" tanong ko sa kanya.

"Pano kong hindi malalaman eh kung makatitig ka kanina dun sa dalawang matanda, parang diring diri ka." Sagot nya na komportableng komportable ang upo sa kama ko.

"Hoy, hindi naman ako nandidiri." Mabilis kong depensa. "Medyo, ano lang..." ano nga ba ang tamang salita para sa nasa isip ko tungkol sa dalawang yon,

"Ano? Naaawa?" tanong pa muli ni Asher ng hindi ako agad nakasagot.

Napabuntong hininga ako. Awa nga ba? Hindi ko rin alam eh.

"Sa tingin ko, hindi sila nakakaawa." Muling pagsasalita ni Asher bago pa man ako makareact. "Hindi ba parang ang swerte nga nila?" nag ttwinkle pa yung mata nya habang nakangiti sa tanong nyang yon.

"Alam mo wala ka talagang puso eh noh. Ganun na nga yung sitwasyon nung dalawa, sasabihin mo pang swerte? Baluktot ba yang utak mo?" inis kong react sa kabobohan nya.

"Tsk, tsk, tsk" napapailing nyang reaksyon, walang talab kahit sabihan ko ng kahit na anong masasakit na salita. Bato, walang talagang. "Nakatingin ka lang kasi sa labas Jessie. Kaya, hindi mo makita."

"Makita ang alin?" mabilis kong tanong.

"Makita na masaya sila. Hindi naman ibig sabihin na may tubo sa lalamunan si Lolo Fred ay hindi na sya masaya. Yung gumising sa umaga, makita na nandyan si Lola Angela sa tabi nya para alagaan sya, hindi ba definisyon na yun ng pagiging masaya?"

Natawa ako sa sinabi nya. "Masyado kang methaporical Asher. Maaaring masaya nga si Fred sa buhay nya kahit ganun sya pero, masaya ba si Angela? Sa tingin mo ba, kahit isang beses, hindi nya naisip na sana matuluyan nalang yung asawa nya? Nakatingin ka lang sa perspective ni Fred pero hindi kay Angela." Paliwanag ko sa kanya mula naman sa aking naiisip.

"Halata namang masaya si Lola Angela ah." Nawala na ang proud na ngiti nya kanina. Defensive na agad. "Nandito sya at inaalagaan si Lolo Fred. Panigurado namang---"

"What defines happiness? Paano mo nasabing masaya sya?"

"At paano mo naman nasabing malungkot?" mabilis nyang singit sa pananalita ko.

"Kaya nga kailangan natin ng interview di ba? Don't go around the house with a happy face na para bang alam na alam mo ang mga nangyayari sa bahay na to. They might look happy to you pero malay mo, hindi talaga masaya ang buhay nila." Paliwanag ko sa kanya. Para naman hindi stupido ang dating nya.

"Yan ang gusto mong paniwalaan. As always, wala naman akong magagawa. Bukas naman na ang interview natin. Basta ako, I believe in the power of love." Tang ina, ang korni.

"Love?" natatawa kong nabanggit ang salitang yon. "Oh, please." Nandidiri kong react.

**

Hello Man Haters!

Isang welcoming na update dahil matagal tagal akong hindi nakapag update sa story ko na ito.

Ilang araw palang ang nakakalipas ng mag take ako ng board exam. Ang hirap nya sobra. Pero wala pang result hanggang ngayon, baka sa monday pa. Kaya sana, ipagpray nyo ako. Kahit isingit nyo lang ako sa prayers nyo na ang author na nagsusulat ngayon nito ay makapasa sa kanyang board exam. Kailangan ko ang prayers nyo. :) Bukod naman dun, nagpapasalamat ako sa lahat ng nag cheer sa akin sa pag take ko ng board. Sa totoo lang, hindi ako nagbukas ng wattpad in the past weeks kaya hindi ko nakita agad ang mga comments nyo pero sobrang natuwa ako ng mabasa ko ang mga yon. maraming salamat.

Anyway, segway lang yun. balik muna tayo sa storya ng TUMH 2.0. As you have read, nasa Palawan parin sina Jess at Ash. Nagulat ba kayo sa estado ng lolo't lola ni Jack? Sino ang #TeamAsh na naniniwala sa power of love? At sino naman ang #TeamJess na "oh please" lang ang pandidiring reaction sa word na love?

I miss these characters. Akala ko, nakalimutan ko na mga ugali nila pero once na umupo na ako sa harap ng laptop, konting pagbabasa kung saan nagtapos ang storya, ayun, ratsada agad si Jess at Ash. Natutuwa ako sa mga sarcastic na usap nila. Kaloka lang. Haha!

As promised, eto na ang update para sa lahat! Sana nag enjoy kayo. At please, wag nyo ako kakalimutan ipagdasal bago kayo matulog ngayong gabi. I promise another update in maximum, two days. Kaya sana, abangan nyo!

Don't forget to leave your votes and comments. I will reply! :D

Love,

MsRedMonster. 

The Ultimate Man Hater 2.0 (Revising)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!