Love Letter Straight From Your Heart (part 18)

24 0 0

LOVE LETTERS versus
TEXT MESSAGES, oo, mas indemand na ang txt txt na 'yan. Maaari ka na rin manligaw sa pamamagitan ng pagte- text anytime, anywhere you are...
Mas napadali pa ang pagka- basted mo. Este pag- sagot sayo "kung" papalarin ka man kidding aside, parang flower's vs zombie's.

Text messages:

Sa text o txt kahit tulog na tulog sya pupuwede mo'ng gisingin at bulabugin sa pagkakatulog at bitinin sa papasimula pa lang na wet dreams, at agawin ang ilang sandali ng kanya'ng pag-papahinga para lang sabihin na...

(2:19am)
"Hi, Gud morning:)

Piso sa bawat txt, pero aalalahanin mo, kumporme sa txt at kumporme sa network, dahil lagi mo'ng tatandaan na may mga network's na buwaya o matakaw sa pera---------Quits lang
dahil minsa'y may mga sim- users na 'di marunong mag- load.

Sa txt madadaan mo sa biro ang lahat, habang lumuluha sya ng naka-talikod, sya nama'y tumatawa ng naka-talikod. Puwedeng seryosohin, puwedeng mag-panggap at ipaasa'ng inlove- babo puwedeng pag-tapatan at maging- kunwa totoo, higit sa lahat lalo puwede ka'ng mag-sinungaling, puwede mo'ng sabihin.... " I think I'm inlove". Kahit ang totoo flirting lang pala dahil may mas nakikita pa ako'ng respeto at tunay na pag-ibig kung sa pamamagitan ng love letters idadaan ang lahat, dahil andun ang lihim na kilig at tuwa at ang nararamdamang hindi kayang ipaliwanag nang text love messages, unlike sa love letters..

Love letters:

Samantala sa love letters lahat ng niloloob-ng-kaloob-looban-ng-damdamin mo'y kailangan ilahad ipadama mo. Kung ayaw mo'ng ma- reject ka kaagad.
Pero 'wag naman yung tipo na... Malakas ang kumpiyansa sa sarili ni ng nasobrahan ng tiwala sa sarili, dahil sa katapusan mag-mumukha ka naman hambog presko at mayabang.
Yung tama lang, sakto! Walang lalabis yung sapat pero 'di ka mawawalan.
Hindi palipad- hangin pero...dapat may pakpak ang mga sinasabi mo, upang dumapo sa PUSO nya.
Yung kaya mo'ng paninidigan ang mga sinasabi mo, kung sakali at mag-kaalaman...

"Te--teka... Sin.. Sino senyo dyan siiii.. Ay hindi, sinong may gawa ng love letters na'to".

--dahil hindi kinakabisado o isinasaulo man ang mga dapat mo'ng isulat ni sabihin. Kundi'y nauunawaan mo at dapat maunawaan mo rin na...

pag-sinabi nyang...

"Sorry, may mahal na'kong iba"

Enough! (Hingang malalim)

I'm done! (Hingang malalim with
walk-out...)

Hu....hu....hu...huwaahhhh.....
Bahhkkkeettttt..........................

Madaling mag- mahal sa text love messages dahil sa maka-bagong teknolohiya at mga maka-bagong istilong panliligaw. Kung panliligaw nga'ng matatawag at pag-mamahal na masasabi
dahil ang katumbas ng mahirap-hirap na panliligaw o panunuyo ay syang kabaligtaran ng LAHAT na madali ka'ng....masaktan dahil ang kanginang kasasabi mo pa lang na...

"Hi! Gud am, msta kna? Kumaen knb? Asn u? Cnu kxma u? Nong gngwa mo? K, Ingatz bye... At anu pla-- wen ult d8 ntin, I Luv U!!"

(Message sent Ok!)

(phone_ Beeping, received 1 message)

Binasa...then, replied:

"Hu U?"

Dahil yun ang mas literal na masakit.. "WHO YOU?"
"Sino ka nga ba, sa kanya? Ano, ka naman sa kanya? Maliban... Kaibigan, umaasa o taga-asa na pasasaan na nga ba ang lahat? Hanggang kailan ka mag-aantay? Hanggang saan ang pag-aantay mo? O alam mo'ba ang salitang paghihimagod?"
Dahil kung hindi mag-aantay ka nga ng walang katiyakan at mag-aantay ka sa wala.. Unlike sa love letters hayagan mo'ng maririnig ika nga'y-- WHEN I SEE WITH MY OWN EYES.. Maririnig mo ang sagot nya sa idinudulog mo'ng masidhing, pag-ibig na maaari mo'ng ikalundag pa.

"Sige na nga, oo, OO! Tayo na!
OO! Sinasagot na kita!"

Ang sayang nararamdaman mo tila baga limot mo'na ang lahat ng klaseng problema.
Na maaari mo'ng salungain o masalunga sa daan
habang lumulutang ka'pa sa tuwa't saya. Na may expiration within' 24 hours then, after that.. E' mag-dyowa na kayo at minsan mag-karoon lang ng konting-konting problema ang masasabi mo na lang..

"SANA, 'DI KO NA LANG SYA MINAHAL...."

Sa isang banda at kung hindi ka naman sinagot o hindi Kayo ang nag-katuluyan. At wala nga'ng kayo, sa huli ang masasabi mo na lang e' NOTHING'S GONNA CHANGE MY LOVE FOR YOU, at HINDI MAG-BABAGO ang TIBOK NG PUSO KO DAHIL AKO'Y ALIPIN MO KAHIT HINDI BATID AT IKAW ANG HINAHANAP NG PUSO BAKIT NGA BA GANYAN may KABA ka'ng 'di mo mawari.

At patuloy-tuloy ka lang din nito, kukulitin sa isip at puso. Lalagi na lang na parang walang alisan at akala mo'ng sya na nga.
At, wala ng puwedeng humigit ni pumantay sa kanya sa pag-mamahal mo sa kanya.
Dahil lagi ka na lang lumuluha habang, naliligayahan naman ang puso mo sa kakaisip pa sa kanya.
"
Oks, lang paasahin, ayos lang mag-antay, ayos lang ako walang problema kung hindi na maging Kayo".

Yun ay kung nasabi mo'na sa kanya na..

"Alam mo'ba, mahal kita."

InloveBasahin ang storyang ito ng LIBRE!