Chapter Four

22 1 0
                                        

Madilim na ng nagising si Summer. Tinignan niya ang oras mula sa suot niyang relo. Lagpas 9pm na ng sandaling iyon. Nakaramdam siya ng gutom pag upo niya. Nilingon niya ang paligid at nakakita siya ng isang tray ng pagkain at may sulat ito na kasama.

' Here's your food. Hindi ka na namin ginising dahil alam namin na napagod ka sa biyahe. Hinihintay kana namin dito sa gazebo. Hindi naman mahirap hanapin iyon dahil sa mga ilaw na nakapaligid. Enjoy, Summer!

- Zed.
( by the way, it's nice to see you again. Beautiful. ) '

Napangiti siya sa sulat na iyon dahil naalala niya noong niligawan siya nito. Kung natuturuan lang ang puso.. Kinuha na niya ang kaniyang pagkain at inubos iyon. Pagkatapos niya ay naligo na siya upang makasunod na siya sa gazebo.

She wear her best beach clothes. Bohemian ang style nito. Backless, fit ito hanggang sa kaniyang baywang pero loose na ang paibaba nito na hanggang talampakan ang haba. May slit din ito sa gilid na umaabot hanggang sa kaniyang hita. White ang kulay nito na bumagay sa kaniyang buhok na ombré ang style na sumusunod sa natural waves ng kaniyang buhok. Tumingin siya sa kaniyang sariling repleksiyon sa salamin. It's perfect. She's beautiful. Gorgeous and Sexy! Nag re touch lang siya ng konti and she's ready to go!

Papunta na siya sa gazebo at damang dama niya ang hangin na nag mumula sa dagat. Nag lalakad siya sa dalampasigan dahil nasa kabilang dulo ang gazebo. Hindi nga ito mahirap hanapin dahil sa mga kumikinang na ilaw na nanggagaling dito. Dama niya ang malakas na hangin kung kaya't tinatangay nito ang kanyang damit. Nakikita niyang sumisilip na ang kanyang mga hita dahil sa slit ng kanyang damit. Hinawi niya ang kanyang buhok at napatingin sa gazebo. Ang mga kaibigan niya na naroroon ay sakaniya nakatingin. Kumaway siya upang malaman nila na nakikita na niya ang mga ito. Sumenyas naman si Via na ang ganda niya. Ngumiti lamang siya rito..

Ngunit nahagip ng kaniyang mga mata ang isang pigura na pamilyar sakaniya. Animo nakatitig ito sakanya at pinag mamasdan siya. Kumikinang ang mga mata nito habang nakatingin sakanya.. tumingin ulit siya sa gazebo at binalik ang tingin sa pigurang iyon. Ngunit wala na ito roon. Marahil ay namalikmata lamang siya kanina. Naisip niyang imposibleng makita niya sa lugar na ito ang lalaki na iyon. Pagka dating niya sa gazebo ay namangha siya ng todo sa ganda niyon. Bakit ngayon lang sinabi ni Joel na mayroon siyang ganito kagandang rest house?!

"You look stunning, Summer!"  Iba't-ibang papuri ang kaniyang narinig sa mga kaibigan at nagpasalamat naman siya sa mga ito. Umupo siya sa tabi ni Via at Adrian. Ngunit parang tahimik ang lahat at lahat ng mga ito ay nakatingin sakanya. Ang iba ay nag iiwas ng tingin kapag sinasalubong niya ang tingin nito.

"May dumi ba ako sa mukha?"  Pabiro niyang turan. "Adrian?"

"Wala naman, sis.."   wika nito sabay inom ng beer. Nag kibit balikat nalang siya pero hindi talaga niya malaman kung ano ang problema ng mga ito. Kaya't inisa isa niya ang mga ito.

"Bakit ba?  Via, Joel, James, Adrian, Sam, Melisa, Marco, Chris, Terry, Angelo, Alyssa, Kynz, Mac, Jelly, Trisha, Jerome, Andrew, Noel, Vincent, Venus, Mary Anne, Janey, Mark? What's the matter?" Noon niya lamang napansin na wala pa doon si Zed.  "Nasan na si Zed?"

"Present!"  Napatingin ang lahat dito. Napansin din yata nito ang katahimikan. Nag taas ito bigla ng beer "Cheers to stress free vacation!"

Nagsi taasan nadin ng mga bote ang iba pa. At doon nagsimulang umingay na muli. Tumabi naman si Zed sakaniya dahil bakante naman iyon. Nakipag cheers ito sakanya kaya kinuha niyang muli ang kaniyang bote at itinaas dito. Sabay silang uminom pagkatapos ay sinama na sila sa usapan ng kanilang mga kaibigan.

"Balita ko si Zed na ang bagong kilabot ng kababaihan ngayon ah!" Ani Vincent at nag tawanan ang lahat sa pagkakasabi nito ng kilabot.

"Wala eh, iba ang datingan natin ngayon eh." Ani Zed

Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon