Chapter Twelve

42 1 0
                                        

(PRESENT)

Ibinalik niya dito ang sing sing. It was never hers. It was never for her..

"It's yours, Summer." Ani Earl sakaniya.

"Hindi, Earl. Alam nating hindi." Aniya sabay tayo. Tumungo siya sa kaniyang silid kahit na nahihilo pa siya dahil sa kaniyang nainom. Hindi niya inaasahan na sariwa pa sakaniya ang mga nangyari noong nakalipas na siyam na taon. Akala niya ay okay lang na magkita ulit sila dahil akala niya ay hindi na siya maapektuhan ng ala alang iyon. Ngunit hindi pala. Ngayong nakita niya ito ay wala na ang mga galit sa puso niya subalit mahal niya parin ito. Paano niya ito haharapin? Paano kung may pamilya na ito ngayon? 30 na ito ngayon at siya naman ay 27 na. Kailangan niyang patayin ang damdamin niyang unti unting bumabalik para dito.

Bubuksan na sana niya ang kaniyang pinto ngunit hinarang nito ang katawan nito sa kaniyang dadaanan. Isinandal siya nito sa ding ding at hinalikan siya!

Gulat na gulat siya sa ginawa nito dahil hindi niya inaasahan na gagawin nito iyon! Hinahalikan siya nito ng madiin.

"I missed you, baby" Wika nito na lalo lamang nagpa gulat sakaniya. Ngunit ng hawakan nito ang kaniyang baywang ay tila siya nanghina kaya naman ikinawit niya ang kaniyang braso sa batok nito at tinugon ang mga halik nito. Matinding kiliti ang kaniyang naramdaman ng bumaba ang mga halik nito sa kaniyang leeg. Kinilabutan siya sa ginawa nito. Bigla siya nitong binuhat papasok sa kaniyang silid at inihiga sa kaniyang kama.

Tinitigan siya nito na para bang siya na ang pinaka magandang babae sa buong mundo. Tila may hinahanap itong kasagutan sa kaniyang mga mata at ng makumpirma iyon ay nginitian siya nito ng sa palagay niya ay may pagmamahal. Unti unting lumapat ang kanilang mga labi na nag bigay ng mainit na sensasyon sa kaniyang sistema. Nag paubaya nalamang siya dito kahit alam na niya ang mangyayari. Ang mga sumunod na nangyari ay ang pinaka kakaibang ligaya na kaniyang naramdaman sa buong sistema niya na tumagos hanggang sa puso at kaniyang kaluluwa.

----------------

Nang umagang iyon ay nagising si Summer dahil sa aroma ng isang kapeng barako na naamoy niya na para bang sa mga commercial sa TV.

"Good morning, beautiful." Narinig niya ang boses ni Earl kayat napamulat kaagad siya. Nang tignan niya ito ay hindi nga siya nag kamali at nandoon nga si Earl!

"Earl!" Napa upo siya bigla at noon niya lang naalala ang mga nangyari kagabi dahil pagka upo niya ay nalaglag ang kumot na nakatakip sa kaniyang dibdib. Kinuha niya ulit iyon at dali daling ipinantakip sa katawan.

"I'm glad you've waited for me." Anito na hindi niya malaman ang tinutukoy. "Is it still sore?"

Nang makuha niya ang gustong sabihin nito ay hinampas niya ito ng unan. Dali dali siyang tumayo at kinuha ang kaniyang mga damit para makapag bihis sa banyo. Hindi siya makapaniwala na nangyari na ang mga nangyari. Pero hindi din naman siya nag sisisi na si Earl ang kauna unahang lalaki sa kaniyang buhay.. Pag labas niya ng banyo ay nakaupo na ito sa balkonahe ng kaniyang silid. Naupo din siya sa tabi nito kung saan tanaw nila ang dagat sa kanilang harapan.

"Masaya ako na nagkita tayo ulit, Summer." Anito sakaniya. Tumango lamang siya dito bilang pag sang-ayon. "Sana ay maayos natin kung ano man ang nangyari sa ating nakaraan."

"Matagal na panahon na iyon. Isa pa baka nga may asawa ka na." Aniya dito.

"Wala. Do you think I'll get over you? I mean, sinubukan ko pero hindi ko na talaga magawang mag mahal ng iba. Dahil kahit ano pa ang mangyari. Kahit bali baligtarin man ang mundo, hindi naman sila si Summer eh." Ani Earl sa kaniya.

"Anong ibig mong sabihin? You said that you never loved me." Desperado siyang malaman ang isasagot nito ngunit tinawag na sila ng kanilang mga kaibigan para sa umagahan.

Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon