Chapter Eleven

32 1 0
                                        

(PAST)

Nag iimpake na ng gamit niya si Summer dahil bukas na ang alis niya patungong new york. Kahit isa sa kaniyang mga kaibigan ay wala pa siyang kinakausap tungkol kay Earl. Pero alam ng mga ito na aalis na siya bukas. Pupunta ang mga ito sa bahay nila maya maya lamang. Ang sabi niya sa mga ito ay wag ng sabihin kay Earl ang tungkol sa pag alis niya. Lagi naman siyang pinag tatakpan ng kaniyang mga kaibigan dito. Kapag naman pumupunta sa bahay nila si Earl ay sinasabi ng kaniyang kapatid na wala siya dito. Naka block naman sa kaniyang cellphone ang numero ni Earl. Hindi niya gusto na kausapin ito. Hahayaan nalamang niya na matapos ito ng ganoon. Ayaw niyang marinig ang anumang sasabihin nito dahil wala naman na itong dapat na ipaliwanag pa.

Tumulo nanaman ang kaniyang luha ng makita ang lanta ng lotus flower sakaniyang bedside table. Mahal na mahal niya si Earl ngunit hindi siya ang minahal nito kundi si Yvette.

"Ate Summer. Nandito sina Adrian at Via." Ani Dave sakaniya. Dali dali niyang pinunasan ang mga luha na masaganang dumadaloy parin sa kaniyang mga mata.

"Papasukin mo sila dito." Aniya sa kapatid. Pumasok naman ang dalawa sa kaniyang silid. Hindi niya tinignan ang dalawa dahil alam niya na sa oras na tumingin siya sa mga ito ay hindi na niya mapipigilan pa ang kaniyang sarili sa pag iyak.

Subalit lumapit sakaniya ang mga ito at mahigpit siyang niyakap.

Wala na siyang nagawa ng kumawala na ang mga luha niya sa kaniyang mga mata. Akala niya ay naubos na ito sa pag iyak niya tuwing gabi ngunit hindi pa pala. Dahil sa yakap ng mga kaibigan niya ay lalo lamang siyang umiyak. Tila nag susumbong ang kaniyang kalooban sa mga ito.

"Ano ba yan, Summer. Bakit naman nagka ganiyan ka?" Wika ni Adrian sakaniya na naiyak narin pala.

"Tumahan ka na Summer. Shh.." ani Via sakaniya. Huminga siya ng malalim ngunit lalo lamang siyang humikbi.

"Hindi ko na alam... Hindi ko na alam eh." Aniya habang pinupunasan ang luha sa mga mata. Pati ang kamay niya ay basang basa na ng kaniyang mga luha. Inaya niya ang mga ito na uminom sa living room nila.

"Wala ng ginawa yan kundi uminom. Patigilin niyo nga iyan. Ni hindi pa nga kumakain yan eh." Narinig niyang wika ni Dave sa mga ito na tila nagagalit sakaniya at pinipigil ang luha.

"Kami nang bahala sakaniya.." ani Via dito.

"Ano bang nagawa ko ha? Via, Adrian? Bakit naman ganito!" Aniya. Inabutan naman siya ng tissue box ni Via. Kinuwento niya ang mga nangyari sa dalawa kahit sobrang sakit nito para sakaniya.

"Alam mo, Summer. Nakita ko naman sa mga mata niya na mahal ka niya." Ani Via sakaniya

"Paano kung ang mga matang iyon ay hindi naman pala si Summer ang nakikita, kundi si Yvette?" Nakita niyang hinampas ito ni Via.

"Bakit kasi hindi mo siya kausapin at alamin mo sakaniya mismo ang totoo?" Ani Adrian sakaniya.

"Paano kapag sinabi niya na hindi talaga ako ang mahal niya." Aniya sa mga ito.

"Paano kapag ikaw talaga ang mahal niya?" Ani Via sakaniya.

"Summer, hindi mo malalaman hanggat hindi ka nag tatanong."

Nang gabing iyon ay pinapunta nina Via at Adrian si Earl para makapag usap na silang dalawa ng maayos. Nang may mag doorbell ay nakita niyang sumilip ang dalawa mula sa bintana ng living room upang makinig sa usapan nilang dalawa ni Earl. Pagka bukas niya ng gate ay hindi kaagad ito pumasok. Tinignan lamang siya nito sa blangkong ekspresiyon.

"Hello, Earl." Aniya dito habang pinipigil ang sarili na maiyak.

"Ano ba ang problema natin, Summer?" Anito sakaniya.

"No I'm not. I'm Yvette, right?" Tila nagulat ito sa sinabi niya. Kagat kagat niya ang ibabang labi upang pigilin ang mga luha niya na kanina pa gustong kumawala. Hindi ito nag salita kaya naman hindi na niya napigilan pa ang kaniyang mga luha sa pag buhos ng mga ito. Niyakap naman siya nito ng mahigpit at pinunasan ang luha niya sa kaniyang mga pisngi. Ngunit kumawala siya dito at umatras palayo.

"M-minahal mo ba ako bilang ako?"  Ito ang tanong ng kaniyang puso na gusto niyang masagot. Natatakot siya sa maaari nitong isagot ngunit kailangan niyang malaman ito.

Ngunit tila naglaho ang lahat ng liwanag sa kaniyang puso ng yumuko ito at umiling.

"I'm sorry, Summer. I.. I didn't love you. Kapag tinitignan kita ay iba ang nakikita ko. I... I'm sorry." Anito sakaniya. Para siyang sinakluban ng langit at lupa sa sinabi nito. Wala na yatang mas sasakit pa sa nararamdaman niya ngayon. Mahal na mahal niya ito ngunit hindi pala ito sakaniya. Umasa siya na sasabihin nito na mahal siya nito ngunit nabigo siya. Si Earl ang mundo niya. He is her perfect man.

"Okay.." aniya dito sabay abot ng singsing na ibinigay nito sakaniya.

"..dati hindi ako naniniwala na ganito kasakit kapag niloko ka ng taong mahal mo. Until it was me. I can't take it. You are my world, at ngayon sasabihin mo na hindi mo ako minahal. I believed you! The way you looked at me, your eyes tell me you love me..

Hindi niya mapigilan ang kaniyang pag hikbi. He really didn't love her. He said it himself. Ngayon lamang niya naramdaman ang matinding rejection sa sarili. Naaawa siya sa kaniyang sarili dahil ginawa lamang siya nitong panakip butas. Rebound.. Tinignan niya ito at nakita niya ang lungkot sa mga mata nito.

"...I feel it when you kissed me. Akala ko totoo iyon.. Paano mo nagawa iyon Earl? Paano mo nagawang iparamdam saakin na mahal mo ako kung hindi naman pala? You are a big liar, Earl. So please stop it. Stop acting. I believed in you pero niloko mo ako.
Bakit kailangang gamitin mo ako para lang makita ang ibang babae sakin? How dare you do this to me? Wala naman akong nagawang masama sayo. Minahal lang kita diba?
Minahal lang kita!"

" Don't worry, Earl. This is the last time na makikita mo ako." Aniya dito na nagpa angat ng tingin nito sakaniya ngunit umiwas lang siya ng tingin dito upang hindi na niya makita pa ang mga mata nito.

"What do you mean? Aalis ka?" Anito sakaniya. Naisip niya na kahit naman anong sisi ang sabihin niya dito ay hindi na niya mababago ang lahat. Kahit anong sabihin niya dito ay hindi parin siya mamahalin ni Earl. Kahit anong masasakit na salita pa ang sabihin niya ay siya parin ang talo. Siya lang naman kasi ang nag mahal. At ang umasa. Kaya't habang may pagkakataon pa siya ay gusto na niyang sabihin dito ang nararamdaman niya para dito. Dahil alam niya na ito na ang huling pagkakataon at hindi na niya ito kailanman makikita pa. Huminga siya ng malalim at pinigil ang pag iyak.

"Siguro ito na ang huling beses na masasabi ko ito sayo.. Mahal na mahal kita, Earl. Mahal na mahal kita. Salamat sa lahat ng pinag samahan natin. Pinasaya mo ako. I cherished every moment I spend with you. I thank you for loving me kahit sandali lang. Thanks for making me feel special and making my days wonderful. I know you don't deserve it but I can't lie to you. My love for you will not fade easily.
Thank you and I love you.
Goodbye, Earl.
..Until we meet again.."

Pagka sarang pagkasara niya ng gate ay tumakbo agad siya papunta sa loob ng bahay at pagkasara niya ng pinto ay napa upo nalamang siya habang umiiyak.. Hindi niya akalain na niloko siya nito. Na tuwing magkasama sila ay hindi siya ang nakikita nito kundi ang ibang tao. She thought she would have him forever dahil sa mga salitang binitiwan nito na hindi naman pala para sakaniya kundi para sa ibang babae. He just used her. Pero siya na yata ang pinaka tanga sa lahat dahil naniwala siya dito. His words seems real. Napakagaling nitong magsinungaling. She believed him, she trusted him. Pero sa isang iglap lang ay wala na ang lahat sa kaniya.Nakita niyang naglaho ang kaniyang mga pangarap kasabay ng pagka wasak ng kaniyang puso. Alam niyang hindi galit ang kaniyang nararamdaman kundi ang matinding rejection. He never loved her. And that's what hurts the most. She can't believe it! Dahil Mahal na mahal niya ito.

Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon