(PAST)
Um-attend si Summer sa graduation party ng mga grumaduate sa kursong engineering. Kasama na doon sina Earl, at ang iba pa nilang mga kaibigan. Natutuwa siya na makita ang saya sa mukha ng mga ito dahil alam niya na sa dami ng pinaghirapan ng mga ito para lang makatapos ay nag tagumpay sila na maka graduate. Tatlong taon ang agwat ng mga ito sa kanila kaya nauna grumaduate ang mga ito. Para siyang nagkaroon ng motivation na lalo pang mag aral upang makapag suot din siya ng toga.
"Nakakatuwa dahil nakapag tapos na sila ng pag aaral diba?" Wika ni Adrian sa kaniyang tabi.
"Oo nga eh. Ang galing nila dahil mahirap ang engineering ." Aniya dito at natawa naman ang dalawa niyang kaibigan.
"Stress rin ang Architecture no." Ani Via.
"Hayaan mo, Bru. Pag butihan lang natin ay makaka graduate din tayo. Dalawang taon nalang ang bubunuin natin. Third year na tayo sa pasukan." Aniya dito. Hindi din siya nagtagal sa selebrasiyon na iyon dahil tinawagan siya ng kaniyang mama at pinauwi na rin siya. Pag dating niya sa bahay ay nadatnan niya ang kapatid na natutulog sa sofa nila. Ginigising niya iyon ngunit hindi ito gumising at sinungitan lang siya. Napansin niya na may tao sa kusina kaya bigla siyang natakot na baka kung sino ito. Unti-unti niya itong sinilip at nakita niya na isa itong babae.
"Sino ka?" Tanong niya dito. Nang lumingon naman ito sakaniya ay halatang nagulat din ito sa biglaan niyang pag sasalita.
"A-ako po si Rachel. G-girlfriend po ni Dave." Anito sakaniya. Nakita niya ang tangan nitong palanggana na may towel.
"Ganoon ba. Ate ako ni Dave. I'm Summer. Nice to meet you. Pero saan mo gagamitin iyan?" Tanong niya dito.
"Lasing po kasi si Dave." Naintindihan naman niya ang ibig sabihin nito. Tumango lamang siya at pumunta na siya sa kaniyang kuwarto. Wala siya sa mood makipag usap kung kaya hindi na niya inusisa pa ito. Nahiga siya agad sa kaniyang kama dahil sa pagod. Papatulog na sana siya ng biglang mag vibrate ang kaniyang cellphone. Hinanap pa niya sa kaniyang bag ito dahil patuloy itong nag vibrate na ibig sabihin ay may tumatawag sakaniya. Nang mahanap niya ito ay nakita niya ang pangalan ng tumatawag. Ang mama niya iyon.
"Hello, Summer?!" Kapipindot palamang niya ng answer ay bumungad na agad ito ng galit sakaniya.
"Po?" Aniya dito.
"Anong nababalitaan ko na may boyfriend ka na?" Anito sakaniya. Napa sapo naman siya sa kaniyang noo dahil doon. Bilin kasi nito na hindi muna siya mag bo boyfriend hanggat hindi pa siya tapos ng pag aaral lalong lalo na dahil wala ito sa pilipinas. Dahil kung nagkataon at sinuway niya ito ay papupuntahin agad siya ng kaniyang mama sa NY.
"Saan niyo naman narinig iyan?" Pag mamaang maangan niya. Hindi naman ito sasabihin ng kaniyang kapatid sa kanilang mama dahil ito rin mismo ay bawal mag girlfriend.
"Hindi na mahalaga pa iyon! Alam mo naman na siguro ang mangyayari kapag sinuway mo ako. Susunod ka saakin ora mismo." Anito sakaniya. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ng kaniyang mama. Hindi siya puwedeng umalis. Hindi, ayaw niyang umalis. Hindi niya kakayanin na malayo kay Earl!
"Ma, hindi po ako aalis dito. Dito ko sa pilipinas gustong makapag tapos." Aniya sa kaniyang mama.
"Hindi. Napagkasunduan na natin ito, Summer. Makabubuti ito para saiyo." Anito.
"Hindi ako aalis dito, Ma. I know you're working on your citizenship. You can't be here to take me with you." Pinatay niya ang tawag ng kaniyang Mama. Hindi niya iiwan si Earl. Isa pa ay hindi naman nakakaapekto sakaniyang pag aaral ang pag mamahal niya para dito. She didn't want to blackmail her mother but she had no choice. Nag vibrate ulit ang kaniyang cellphone. Pinatay nalang niya iyon upang wag nang maka tawag pa ito. Nahiga siyang muli at pumikit. Hindi niya susundin ang kaniyang Mama sa pagkakataon na ito. Nangako siya kay Earl na hindi niya ito iiwan kailanman..
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again
RomanceThis is a story of true love, patience, sacrifice and right time. But... After 9 years, Do you still feel the same way? Do you still love the person like you do on day one? And, knowing that he didn't loved you at all, Do you wish for him to com...
