Chapter Nine

23 1 0
                                        

(PAST)

Pag uwi ni Summer ng gabing iyon ay nag uumapaw sa kasiyahan ang kaniyang puso. Hindi siya makapaniwala na sila na nga ni Earl! Alas tres na ng madaling araw ay gising parin siya. Hindi siya makatulog dahil excited na siya na ibalita ito kay Adrian at Via. Pinilit niyang pumikit at pigilin ang kaniyang ngiti, ngunit para siyang baliw na lalo lamang ngumingiti kapag pinipigil niya. Bumaba siya at pumunta sa balkonahe upang magpahangin at makapag isip isip. Para sakaniya ay may ibang liwanag ang buwan at mga bituin. It seems to be more romantic.

"Hey, Sis." Napatalon siya sa gulat ng biglang nagsalita si Dave sa kaniyang likuran.

"Dave!"

"Bakit gising ka pa?" Wika nito.

"Hindi pa ako dinadalaw ng antok kaya nagpapahangin lang ako dito. Ikaw bakit gising ka pa?"  Aniya sa kapatid.

"Tinapos ko lang ang report ko." Wika nito. Hindi na siya sumagot kaya nagpatuloy ito. "...pwede mag tanong?"

"Oo naman."  Kinabahan siya bigla sa pagiging seryoso nito.

"Hindi kayo ni Earl?"  Anito. Hindi naman niya malaman ang tamang sagot dito dahil kanina lamang naging sila ni Earl. Ngunit naisip niya na para sa ikabubuti ng lahat ay sasabihin niya na matagal nang sila ni Earl.
"Bakit hindi niya ako masagot kanina nung tinanong ko kung boyfriend mo siya?"

"Kami na." Aniya dito.

"Ahh.." anito. Parang magsasalita pa ito kaya hinintay niya ang sasabihin nito. "Paano kapag nalaman mo na.. hindi talaga ikaw ang mahal niya?"

"Anong ibig mong sabihin?" Nagulat siya sa sinabi nito.

"Ahh.. kasi yung kaibigan ko, niloko ng girlfriend nya. Kung ako iyon ay siguradong masasaktan ako. Kaya tinatanong ko lang kung ano ang mararamdaman mo."  Hindi ito nakatingin sakaniya habang nag sasalita. Nakahinga naman siya ng maluwag sa sinabi ni Dave.

"Akala ko naman kung ano na. Siyempre masasaktan ako. Lalo na kung mahal na mahal ko siya. Masakit ang maloko. Siguro hindi ko na siya papansinin pa at mag mo move-on na ako. Isa pa bakit niligawan nya pa ako kung lolokohin nya lang pala ako, diba? That's nonsense. Kaya ayun, siguro ang gagawin ko." Aniya sa kapatid.

"Ahh.."

"May problema ka ba, Dave?" Aniya dahil noon lang ito nawalan ng sasabihin sakaniya. Pakiwari niya ay may bumabagabag dito.

"Meron." Anito. Nag alala siya para sa kapatid dahil kahit anong naging problema nito ay inaayos nitong mag isa ayaw nitong magpatulong sakaniya o kahit kanino man.

"Nagugutom ako pero tinatamad ako pumunta sa kusina eh. Patulong naman?"

Bumunghalit ito ng tawa dahil sa sinabi. Bwisit talaga ito!

"Akala ko naman kung ano na! Umiral nanaman yang katamaran mo. Go get yourself something!"  Hinampas niya ito sa braso subalit natawa pa ito lalo. Nahawa na rin siya sa pag tawa nito.

"Pilyo!"

----------------

Maya maya ay nag gayak na ng almusal si Summer para sakanilang dalawa ni Dave. Hindi sila kumukuha ng kasambahay dahil sila lang naman dalawa ang naroon at kaya naman na nila ang kanilang sarili. Maaga ang pasok niya ngayong biyernes at wala namang pasok si Dave kaya sigurado siya na mamaya pa ang gising nito. Pagkatapos kumain ay naligo na si Summer. Naalala nanaman niya ang mga kaganapan ng gabing iyon. Napa ngiti nanaman siya ng alaalang iyon. Pagkatapos niyang maligo ay gumayak na siya papunta ng eskuwelahan. Tumunog ang kanyang cellphone kaya sinagot niya iyon.

"Hello?"  Aniya sa nasa kabilang linya.

"Good morning, Baby." Nabosesan niya kaagad si Earl. Uminit bigla ang kaniyang pisngi sa pagbati nito.

Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon