Simula ng gabing iyon ay lumabas na sina Summer at Earl. Bawat umaga ay sinusundo siya nito sa kanilang bahay upang ihatid sa eskuwelahan. Bawat araw din ay nakaka tanggap siya ng lotus flower galing dito. She can't help but feel special around him. Bawat araw ay nililigawan siya nito. Tuwing mag lalakad sila sa corridor ay pinag titinginan sila dahil sa compatibility nilang dalawa. They say that they are perfect together. Lagi siyang masaya kapag kasama ito at sa tingin niya ay ganoon din ito sakaniya.
Bawat araw ay lumalalim ang pagtingin niya dito. Dahil bawat araw ay maituturing niyang adventure kapag ito ang kasama niya. Ngunit hindi niya alam kung ano ang estado ng kanilang relasyon dahil hindi pa niya ito sinasagot dahil wala naman siyang sasagutin. Hindi pa ito nag tatanong sakaniya kung gusto siya nitong maging girlfriend. They stayed that way. Hindi na niya masyadong inaalala pa iyon dahil ang mahalaga lang sakaniya ngayon ay ang masaya sila at importante ito para sa kaniya.
"Are you ready, Summer?" Alam niyang si Earl ang kumatok sa kaniyang pinto dahil pupunta sila sa concert ng paborito nilang banda ang parokya ni edgar band. Binuksan niya ang pinto at pinatuloy ito.
"Sandali lang. Hindi naman mag sisimula agad iyon." Aniya kay Earl. Pinatutuyo niya pa ang kaniyang buhok sa blower. Umupo ito sa kaniyang bed at ipinakita sakaniya ang mga ticket. "Bakit apat?"
"Naisip ko lang na isama si Dave dahil narinig ko na kinakanta niya dati ang isa sa mga kanta ng PNE. Tapos ang isa pa ay ibibigay ko nalang sakaniya kung gusto niya magsama" Nagkibit balikat ito.
"Matutuwa iyon, Earl. Pero may lakad yata siya ngayon eh?" Aniya dito.
"Sinong may lakad ngayon?" Napatingin sila sa pinto nang biglang sumulpot doon si Dave. Todo ngiti ito habang nakatingin kay Earl.
"Is that for me?" Anito na ang tinutukoy ay ang ticket.
"Oo. May isa pa kung sakaling may gusto kang isama." Ani Earl dito. Tila lalong lumiwanag ang mukha nito sa sinabi ni Earl.
"Exactly! Naubusan na kami ng ticket eh. Thanks bayaw!" Anito kay Earl. Pinag taasan naman niya ng kilay ang kapatid dahil sa tinuran nito. Tumawa lamang si Earl sa kanya.
"Sino naman ang isasama mo?" Pag iiba niya ng usapan.
"Si Rachel. Natatandaan mo? Yung sinasabi ko saiyo dati?" Naalala naman niya ang tinutukoy nito. Ito ang kapatid ng kaibigan ni Dave.
"Kayo na?" Usisa pa niya dito.
"May hindi ba ako alam?" Tanong ni Earl sakanila.
"Yung girlfriend ko kasi ay kapatid ng kaibigan ko. Sinabi ko kay ate na papayag lang ang kaibigan ko na ligawan ang kapatid niya kapag pumayag din si ate na ligawan siya nito." Ani Dave.
"Edi girlfriend mo na nga." Aniya sabay ngisi sa kapatid.
"Ako pa." Hinawi naman nito ang buhok nito at mistulang nag pa cute sakaniya. Tinawanan niya lang ito.
"Nanligaw sayo ang kaibigan ni Dave?" Ani Earl sakaniya.
"No. Ang sabi ko sakaniya ay may boyfriend na si Ate Summer. Diba boyfriend ka niya?" Sabat naman ni Dave. Natigilan siya sa sinabi nito. Tinignan niya si Earl upang makita kung ano ang reaksiyon nito. Pero wala siyang nakita dahil blangko lang ang reaksiyon nito. Palihim na hinintay niya rin ang isasagot nito. Ngunit dumaan pa ang ilang minuto ay hindi parin ito nag sasalita.
"Sasabay ka ba sa amin, Dave?" Tanong nalamang niya sa kapatid. Aaminin niya na nasaktan siya sa hindi pag sagot ni Earl. Nahihiya siya sa kapatid niya na akala ay sila ni Earl subalit hindi nito napatunayan iyon.
"Ah, hindi na. Magbibihis pa si Rachel, ate. Kita kita nalang tayo doon. Bihis lang ako." Umalis na ito. Alam niyang mamaya pag uwi nila ay tatanungin siya nito ngunit hindi niya alam ang kaniyang isasagot sa kapatid..
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again
RomanceThis is a story of true love, patience, sacrifice and right time. But... After 9 years, Do you still feel the same way? Do you still love the person like you do on day one? And, knowing that he didn't loved you at all, Do you wish for him to com...
