Chapter Seven

18 1 0
                                        

Dumating na si Summer sa venue kung nasaan ang birthday party ng kapatid ni Vincent na si James. Hindi naman ito engrande ngunit hindi rin ito ordinaryo lang. It's simple yet elegant. Mayroong live band sa gilid at napansin niyang marami ang beer na naroon. Natural lamang iyon dahil lalaki ang may kaarawan. Napansin niya na huli na siya dahil nagkakasayahan na ang mga bisita. 9:30 pm naman na kasi. Hinanap niya ang kaniyang mga kaibigan na si Via at Adrian. Kasama nito sa mesa ang iba pa nilang kaibigan kasama na si Zed, Joel, Andrew, Vincent, at si Earl. Bigla siyang natigil dahil sa kaba. Nuon niya lamang nakita si Earl na hindi uniporme ang suot. Nag uumapaw ito sa sex appeal. Napapansin din niya ang mga kababaihan na ang mga tingin ay nakay Earl. Naka pants lamang ito, simpleng t-shirt, adidas ang rubber shoes nito, may sports watch din ito na bumagay sa kutis nito at may suot na cap na nagpa dagdag sa kaguwapuhan nito. Napatingin tuloy siya sa kaniyang sariling suot.  Naka jeans siya ngunit backless ang kaniyang top. Ipinusod niya rin ang kaniyang alon alon na buhok na may kaunting naiiwan sa gilid ng kaniyang mukha upang mabigyang pansin ang kaniyang likod. Dala din niya ang kaniyang white and gold na clutch. She knew to herself that she looks nice. Nag lakad na siya patungo sa mga kaibigan at napansin na niya ang mga tingin sa kanya ng ibang bisita na nag bigay sakanya ng confidence sa sarili. Noon lamang niya napansin na ang bakanteng silya nalamang ay ang sa tabi ni Earl.

"Summer! Nakapunta ka!" Bati sakaniya ni Vincent at bigla itong nag beso sakanya na ngayon lamang nito ginawa at naramdaman niya ang paghagod nito sa kaniyang likod. Hindi nalamang niya pinansin iyon.

"Sorry na late ako. Hinintay ko pa kasi na unang makaalis si Dave."  Aniya sa mga ito na tinanguan lamang nila.

"By the way, Summer. Ito nga pala ang kapatid ko na si James birthday boy." Pakilala nito sakanila.

"Happy birthday, James. Nice to meet you!" Nakipag kamay siya dito.

"So, you're Summer. I've heard so much about you."  Nginitian siya nito kaya gumanti din siya ng ngiti. Ngunit napansin niya na tumingin ito kay Via kaya't napatingin din siya dito. Nagtaka siya kung bakit biglang nag iwas ito ng tingin kay James at animo namula ang pisngi.

"I see." Sabi na lamang niya at nginisihan ang dalawa. Buti pa si Via ay pumapag ibig na. May itsura si James at nahinuna niya na bagay sila ni Via. Wala naman nababanggit si Via tungkol dito. Naisip niya na mamaya ay uusisain niya ito.

"James, bro!"  Mula sa isang table ng mga bisita ay may tumawag kay James kayat nagpaalam na ito sakanila. Umupo na siya sa tabi ni Earl at lalo lamang bumilis ang tibok ng kaniyang puso sa lapit ng distansiya nila at sa nasasamyo niya ito. ' He smells so manly and sexy! ' sigaw ni Summer sa isip niya.

"So, The Summer Del Pierre has just arrived,"  Wika ni Zed. Ngumiti lamang siya rito.

"You're so beautiful, Summer." Wika naman ni Andrew na mababanaag sa mukha ang pag hanga.

"Thanks! You look cool tonight, guys!" Aniya na nagpangiti sa mga ito. Umingay nanaman sa kanilang mesa maya maya at binigyan din siya ni Adrian ng San Mig Apple.

"Alam mo namang hindi ako umiinom. Pero sige na nga! Because, why am I here, right?"   Aniya dito na naging sanhi upang magsi hiyawan ang mga ito.

"Now you're talking! That's it girl, ngayong gabi lang naman."   Ani Via. Uminom siya ng beer niya at nangalahati agad ito.

"Hinay hinay lang. Baka malasing ka agad."  Wika ni Zed.

"Ayos lang, Zed. Nasa mood naman ako ngayon." Nginitian niya ito at wala na itong nagawa kaya nag taas nalamang ito ng beer sakaniya at ininom nito iyon. Napansin naman niya na palinga linga si Via sa kabilang table.

"Bru, sabihin mo nga sakin. Is there something going on between you and James?"  Aniya. Napatingin ang lahat kay Via at hinihintay ang sagot nito.

"Bruha ka talaga! Wag ka na nga uminom ng matahimik ulit iyang kadaldalan mo. It's supposed to be a secret, you know?" Ani Via na nagpa tawa sa lahat. Pati si Via ay tumatawa kahit na ito ang sentro ng usapan. Uminom ulit siya ng kaniyang beer.

"Kamusta na kayo ng boyfriend mo?" Nagulat pa siya ng bigla siyang binalingan ni Earl. Nangingiti naman si Adrian at Via sa katanungang iyon ni Earl.

"Anong boyfriend? Sino?" Dahil narin siguro sa impluwensya ng ininom niya ay nag ka lakas siya ng loob na kausapin si Earl ng komportable.

"You're boyfriend. Yung kasama mo kanina. Yung nakaakbay pa saiyo." Hindi niya mawari subalit parang may halong inis ang tinig nito.

"Wala akong boyfriend.." hindi pa man niya natatapos ang kaniyang sasabihin ay sumingit na sa usapan si Joel.

"Dude. Si Dave ba? Kapatid ni Summer iyon." 

"Really?"  Anito sa kaniya.

"Yes. Nakababatang kapatid ko iyon at isa pa, wala akong boyfriend." Aniya dito. Nakita niya ang pagka mangha sa mga mata nito.

"Earl, are you jealous?" Tanong ni Adrian dito.

"Bakit naman siya magseselos? Ni hindi pa nga kami nakakapag usap ng maayos. Ni hindi niya nga ako gusto. So anong dahilan diba?"  Aniya na hindi na naisip ang mga sinabi.

"You mean, hindi ka pa din niya inaaya mag date?" Ani Via na parang naguguluhan dito. Umiling lamang siya at bumaling kay Earl.

"You said you like me. Pero ngayon na nalaman ko na ay binabalewala mo ako. Tell me, why don't you ask me to have a date with you?"  Aniya.

"Kapag ba inaya kita makipag date saakin papayag ka?"

"Of course!" Nagulat ang lahat sa naisagot niya. Pati siya ay nagulat sa sarili niyang sinabi! She's being too fast!

"Woah! Bro. The Summer Del Pierre said yes!"

"Uh, thats..." bago paman niya ituloy ang sasabihin ay naunahan na siya nito.

"You really should have a date with me, Lady." Anito sakaniya na naging dahilan upang tuksuhin sila ng mga kasama nila sa isat isa. Ngunit mayroong natitirang tanong sa kaniyang isip na gusto niyang sagutin nito..

"Pero.. bakit nga ba kapag tinitignan kita ay parang may nagawa akong masama? You never talked to me. You just.. Stare.."   Aniya dito. Napansin niyang lihim na nakikinig sa kanilang usapan ang mga kaibigan nila.

"To tell you the truth.. Nakita ko kung gaano kadami ang humahanga sayo. Pakiramdam ko ay wala kang panahon na makilala ako. But then I saw that you liked the flowers I always send you. Naisip ko na may chance ako. Tapos kanina naman, I was about to ask you out nang makita kita na may kasamang iba. Then I thought it's over. Pero ngayon nga nalaman ko na kapatid mo pala iyon.."  tumigil ito at tumitig sakaniya..
"Ngayon ang gusto ko lang ay... Summer, Please have a date with me"

Iyon lamang ang hinihintay ng kanilang mga kaibigan at nag hiyawan na ang mga ito. Ngayon niya lang naramdaman na sobra pala ang kanyang ngiti. Tumango siya dito bilang pag sang ayon.

"Is that really a yes? Hindi ka lang napilitan?" Tanong nito sakaniya.

"Alam mo. Matagal ko nang gustong malaman kung sino ang secret admirer ko. Ordinaryong estudyante palang ako ay natatanggap ko na ang mga iyon. At ngayon nalaman ko na ikaw pala ang secret admirer ko kaya.. Oo makikipag date ako sayo. E.R."

Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon