Hindi parin makatulog ng gabing iyon si Summer. Hindi niya akalain na ang secret admirer nya at ang love at first sight niya ay iisa. Hindi pa niya iyon nakuha ng inihiyaw ni Joel ang buong pangalan ni Earl. Subalit naisip niya na bakit sa dinami dami ng mag hahatid sakaniya ay si Earl pa ang naisip nitong sabihin. Until she realized.
Si E.R. at si Earl Rodriguez ay iisa!
Tinanong narin niya ang kaibigang si Via dito. At nalaman niya na pinsan pala nito si Earl. Kaya nag tataka siya kung bakit hindi ito ipinakilala ni Joel kay Earl. She never told her na may pinsan siya na ganoon ka gwapo. Sabi pa ni Via ay mixed blood ito kung kayat perfect ang kinalabasan.
"Bakit ba iniisip ko pa iyon?" Tanong niya sa sarili. Napalingon siya sa bed side table kung saan naroon sa vase ang mga bulaklak na bigay nito. She never thought that he would give such a beautiful flower to her. Hindi lamang niya maintindihan kung bakit ganoon nalang ang nararamdaman niya. Hindi niya alam kung ano ang itatawag dito dahil hindi pa niya ito naramdaman dati. Hanggang sa dinalaw na siya ng antok ay ganoon parin ang iniisip niya.
Kinaumagahan ay nagmamadali siyang bumangon upang mag luto ng umagahan nila ng kaniyang kapatid. Pag dating niya sa kusina ay nakahanda na ang lahat. Nagulat siya dahil noon lamang nagyari na si Dave ang nag handa ng umagahan.
"Good morning, Ate Summer! Masarap ba ang tulog mo?" Nangiti siya ng mapag tanto na naka apron pa pala ang kaniyang kapatid. Na kahit kailan ay hindi nito ginawa dahil pang babae daw ang pag luluto.
"Good morning, Dave! Anong sumanib saiyo at naghanda ka ng agahan?" Nakangiti niyang tanong sa kapatid. Sabi nito ay maaga itong nagising kaya naman ito na ang nag luto ng kanilang umagahan. Dagdag pa nito na once in a while lamang daw iyon at hindi na mauulit pa.
"Dapat lang hindi na maulit ito." Iniangat niya ang sunog na bacon na luto nito. Mayroon ding hindi pa gaanong luto. Natawa lamang silang dalawa at masayang kumain. Araw araw ay masaya sa bahay na iyon dahil sila na lamang dalawa ang nakatira doon. Ang mama nila ay nasa New York upang mag trabaho. Pilit silang pinasusunod doon ng kanilang mama subalit mas gusto nilang dalawa ang manatili nalamang dito. Pangako nila sakanilang mama na oras na matapos silang dalawa ay susunod agad sa ibang bansa upang hindi na sila nito kulitin at pasunurin doon. Ang kanilang papa naman ay hindi na nila nakita bata palamang sila. Kungkayat mag isa silang itinataguyod ng kanilang mama. Sa kagandahang palad ay naging maswerte ang kanilang mama dahil nag ta trabaho ito sa isang malaking kumpanya roon kaya masasabing maganda rin ang buhay nilang tatlo.
Pagkatapos kumain ay gumayak na sila para sa pagpasok. Hindi sila sabay na pumasok dahil magkaiba ang daan ng kanilang eskuwelahan. Maaga ang pasok ni Summer ngayon kungkayat nauna siyang umalis sa kaniyang kapatid.
Pag dating niya sa eskuwelahan ay saktong time na. Alam niyang laging nauuna ng limang minuto ang kanilang istriktong propesor sa pagpasok. Nung minsang may nahuling pumasok sa klase nito ay pinaalis nito iyon. Nagmamadali siyang pumasok sa gate at dali daling nag lakad sa hall way. Nasa pangatlong palapag pa ang kaniyang classroom. Nawawalan na siya ng pag asa dahil mataas ang bawat hagdan ng bawat floor. Madadaanan niya pa ang Engineering building bago siya makapasok sa kanilang sariling building. Nakaayos na ang mga estudyante sa bawat room na nadadaanan niya. Tinignan niyang muli ang wrist watch niya upang malaman na limang minuto na siyang late! Bakit ba naman kasi napakalayo mula sa gate ng kaniyang building!
"Ouch!" Daing niya ng mabunggo niya ang isang matipunong dibdib. He smells so manly! Pag angat niya ng mga mata ay nakita niya si Earl!
Si Earl!?
"Hey, watch where you're going!" Singhal nito sakanya. Nagulat siya sa sinabi nito.
"Pasensiya na. Hindi kita napansin." Hinging paumanhin niya rito. Ngunit binigyan lamang siya nito ng blangkong ekspresiyon at umalis na. What's that about? Siya ba talaga si Earl?
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again
RomanceThis is a story of true love, patience, sacrifice and right time. But... After 9 years, Do you still feel the same way? Do you still love the person like you do on day one? And, knowing that he didn't loved you at all, Do you wish for him to com...
