Chapter Five

22 1 0
                                        


(PAST)

Pagkatapos matanghal ni Summer bilang Miss Architecture ay madami nang nagpahayag ng paghanga sakaniya. Isa na doon si Zed Morgan na bagamat half-pinoy half-german ay laging nagiging escort niya tuwing nagiging muse siya at nakakasama niya bilang escort sa paglakad niya ng kaniyang evening gown. She likes to join beauty contests dahil lagi siyang pinapasali ng mga kaibigan niyang si Adrian at Via. Subalit nararamdaman niya na hindi si Zed ang para sakanya. Dahil kung noon paman ay totoong gusto na ni Zed si Summer ay dapat noon palang ay sinabi na nito iyon sakanya hindi lang dahil siya ang Miss Architecture. Alam niyang ang titulo naito lamang ang gusto sakaniya ng mga ito. Pakiramdam niya na para lamang siyang isang trophy.

"Friend, wag mo naman dedmahin ang mga flowers at chocolates mo. Sayang naman ang mga ito."   Ani Adrian sakanya..

"Itong mga sulat din ang dami. Basahin mo kaya. Malay mo isa na sakanila ang hinahanap mo."  Nagtawanan ang dalawa at kinantyawan ni Adrian na corny si Via. Natawa narin siya sakanila. Ngunit sa lahat ng mga flowers na ito ay isa lang ang hinahanap nya. Na isang ordinaryong estudyante palang siya ay natatanggap na niya. Hindi ito isang ordinaryong bulaklak na sa tuwing may magandang nangyayari sa kanya ay natatanggap niya iyon at kahit na nalulungkot siya ay tila bigla na lamang iyong sumusulpot. Alam niyang mahirap hanapin ang Lotus flower na iyon.

"Uy, hinahanap mo nanaman yung lotus flower? Ang dami daming bonggang bouquet dito oh."   Wika ni Adrian.

"Alam mo naman ang friend natin, hindi nabibighani sa mga ganitong bagay. Once she notice something she want, she'll want it forever."  Ani Via.

"Haayy, Via. Nagiging makata kana talaga ah? Yan ba ang natututunan mo sa tutor mong gusto mo? Ni hindi mo nga kailangan ng tutor eh."  Aniya. Natawa naman si Adrian sa sinabi niya.

"Ang gwapo nya no! Ang magagawa ko nalang para makita ko sya lagi ay ang mag tanga tangahan sa Philippine Institution no! Minsan kasi pumunta kayo pag nandoon siya." Giit naman ni Via.

"You're hopeless, Via!"  Maarteng sabi ni Adrian.

"I'll text you two!"  Excited na wika ni Via. Tinalikuran na niya ang dalawa upang kuhanin ang kaniyang mga gamit. But she saw the violet flower she always wanted to see. Napangiti agad siya ng makita ito. Isang bouquet din ito ngayon at mas espesyal hindi katulad dati na isang piraso lang. Lumapad ang kaniyang ngiti ng may makita siyang sulat kasama ng mga bulaklak sa unang pagkakataon. Her secret admirer finally wrote to her!

' Congratulations, Lady. I always know that you will be what you are now. You are the most beautiful woman I've seen. I always give you this flower because you're so beautiful like them.

Some people are like water, ordinary and plain. You stand out beautifully above them and let your unique beauty shine like a lotus flower.

And I guess you already know that...
.. I like you.. a lot.

-E.R. '

Nagulat siya ng biglang sumigaw ang dalawa niyang kaibigan sa kaniyang likuran. Tila kinukurot ang mga ito ng pino kung maka tili.

"Oh my God, Summer! He's so romantic! Sana may magsabi rin saakin niyan! Yiiii"  kinikilig na wika ni Adrian

"Osige na. Kayo na ang unang nag react."  Biro niya sa mga ito. Ngunit hindi niya maitatanggi ang labis na pag hangga niya sa lalaking nagsulat niyon. Ito na yata ang pinaka romantic na papuring natanggap niya. It means so much to her that it made her happy instantly.

"Who's E.R.?"   Biglang sabi ni Via kaya naman natuon muli ang kaniyang mga mata sa sulat at nakita nga niya na nandoon ang initials ng nagsulat sakaniya. Naisip niya na ang cool ng pangalan nito dahil lamang sa initials. Napangiti siya lalo dahil habang tumatagal ay nagkakaroon ng chance na makilala niya ito.

Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon