Napamura si Earl sa nangyari sa bagong bili niyang sasakyan. It was so brand new! It's the latest model! Kahapon lamang niya ito nailabas. Buti na lamang at naka seat belt siya. Kung hindi ay baka kung ano na ang nangyari sakanya.
Mabilis ang hakbang na nagpunta siya sa nakabangga sakanya upang makaharap ito. Kinatok niya ito sa bintana ngunit hindi nito iyon binubuksan. Tinted ang salamin kungkayat hirap siyang makita ang salarin.
"Shit! Get out of there! Harapin mo ako," Tinignan niya muli ang wasak na bahagi ng kanyang sasakyan at tinignan din niya ang harapan ng sasakyan ng bumangga sakanya. Kung tutuusin ay mas grabe ang pagka wasak ng nakabangga sakanya. Pero wala siyang pakialam. Kasalanan iyon ng nakabangga sakanya. Hindi na siya nakapagtimpi at sinilip na niya ang tao sa driver's seat. Noon niya nalaman na naka sandal ang ulo nito sa manibela at walang malay!
At isa pa..
hindi ito isang lalaki! It's a woman!
"Oh God!" Naibulalas niya. Bumalik siya sa kaniyang sasakyan upang kunin ang base ball bat na gagamitin sana ng kaibigan niya sa practise nito.
Binasag niya ang bintana ng sasakyan ng babae at binuksan ang pagkaka lock. Madami nang tao ang naka paligid sakanila at nag uusyoso.
Tinignan niya kung may pulso pa ang babae at mabuti nalang at buhay pa ito. Binuhat niya ang babae papunta sa kanyang sasakyan upang dalhin ito sa ospital. Kaya pa naman siguro tumakbo ng kanyang sasakyan dahil likod lang naman ang nasira dito. Nang maihiga niya ang babae sa backseat ay pupunta na sana siya sa harap upang mag drive ngunit umungol ang babae..
Isang boses na kahit kailan ay hinding hindi niya malilimutan..
Hinawi niya ang buhok sa mukha nito at gulat na gulat siya ng makilala ang babae...
Si Summer Del Pierre!
Tila biglang tumigil ang oras ng makita niya ito.
"It's her..." Iyon lang ang kanyang nasabi sa sandaling iyon. Natauhan lamang siya ng biglang may nagsalita sa kanyang likuran.
"Dalin mo na sya sa ospital!"
--------------------------
Nagising si Summer dahil sa naramdaman niyang sakit sa kanyang noo. Ano ba ang nangyari at bigla nalang sumakit iyon?
"Ate! Thank God you're awake!" Nalingunan niya ang kanyang kapatid na alalang alala. Unti-unting nagbalik sakanya ang mga pangyayari. Nabangga siya!
"Nabangga ako!" Napatayo siya bigla sa pagkakahiga. Nagulat naman si Dave sa kaniyang reaksiyon.
"Are you okay? Calm down. Just sit down. Goodness!" Natatarantang sabi nito. Natawa siya dito dahil doon. "Why are you laughing?"
"Okay lang naman ako. Ikaw ang kumalma diyan." Nakangisi pa niyang sabi. Bukod naman kasi sa kanyang ulo ay wala na siyang ibang nararamdamang masakit. Nag laho lang ang ngiti niya ng maisip kung paano nitong nalaman at kung paano siya nakapunta doon. Mukhang nabasa naman ng kanyang kapatid ang iniisip niya kaya sumagot na ito.
"Someone called me through your phone. Sinabi niya ang nangyari sayo. He said that you're here. Kaya nagmadali agad akong pumunta dito. I think siya yung nabangga mo dahil sabi niya we don't need to worry about the accident. He said that it's fine with him. Sabi niya hindi nadaw natin siya kailangang bayaran tutal naman daw outdated na ang sasakyan niya at papalitan na niya. I insisted to pay him pero sabi nya pag nagpumilit pa ako na bayaran siya ay mag dedemanda siya. You know what? He's nice. Siya rin ang nagdala sayo dito sa ospital." Wika nito. Nakahinga naman siya ng maluwag sa kanyang naring.
"Talaga.." Iyon na lamang ang naisatinig niya dahil parang may imahe ng isang lalaki ang pumasok sa kanyang ala-ala.
Imposible iyon.
Hindi siya yon. Isip ni Summer.
"And his voice is so familiar. I think I've heard it somewhere before." Nagtaka siya sa itinuran nito at hinintay niya na maalala nito kung sino ang tinutukoy nito.
"By the way, you're fine, right? Sabi ng doktor pwede ka na daw lumabas dahil minor lang daw iyang sugat mo. You just passed out because of your shock. I'm glad you used your seat belt."
"How about my car?" Aniya.
"Ako na ang bahala doon. Ako narin ang pupunta sa prisinto upang mag bigay ng ilang ditalye. But don't worry. Hindi naman nag sampa ng kaso ang nabangga mo. You're lucky, Sis."
"Wait. Nasaan na yung nakabangga ko? Anong pangalan niya? Gusto kong humingi ng paumanhin sakanya. Sobra akong nahihiya sa kapabayaan ko.." ani Summer.
"Hindi ko nakuha ang pangalan niya eh. Pero sasabihin ko saiyo sa oras na malaman ko pag punta ko ng prisinto. You just need to relax because I'll take care of everything." Ngumiti ito sa kanya kaya ginantihan nya ito ng ngiti. Natutuwa siya dahil nandito na ang kanyang kapatid.
"Buti nalang nandito ka na. I've been living alone for the past five years you know."
"Yeah right. Bakit kasi hindi ka mag boyfriend? Eh yung mga kaibigan ko nga dati puro may gusto sayo nagpapatulong pa sakin." Wika nito. Hindi na siya sumagot dahil hindi rin naman niya alam ang sasabihin niya dito. "You're still into him? It's been nine years! Come on, old maid!"
"Hey, stop right there, Dave!" Nagtaas naman ito ng dalawang kamay bilang tanda ng pagsuko. "Don't you ever call me that! I'm just twenty-seven! And for your information wala na akong nararamdaman sakanya. At wag mo nang babanggitin saakin ang taong iyon ulit. Okay?! So would you just shut up? Please?"
Tuluy-tuloy na wika ni Summer. Ito ang kauna unahang pagkakataon na binanggit ng kanyang kapatid sakanya ang lalaking iyon. Alam niyang hindi dahil sa binanggit nito ang lalaki naiyon kaya't naluluha siya. Iyon ay dahil sa sinabihan siya nitong
"Old-maid!" Tumalikod na siya para umalis ngunit narinig niya ang kaniyang kapatid sa pabulong na turan nito..
"I know you're still into him. You can't hide anything from me. I know you too damn well! Why are you acting this way. I didn't even say his name and you burst out like this? It's been 9 years. I'm so worried about you."
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again
RomanceThis is a story of true love, patience, sacrifice and right time. But... After 9 years, Do you still feel the same way? Do you still love the person like you do on day one? And, knowing that he didn't loved you at all, Do you wish for him to com...
