Chapter One

98 1 0
                                        




Nakahanda na ang mga gamit ni Summer para sa isang linggo na bakasyon sa rest house ng kaniyang kaibigan na si Joel. Inimbitahan sila nito upang makapag unwind naman daw sila dahil nitong mga nakaraang buwan ay naging abala sila sa pag gawa ng project para sa pinaka malaking client na nahawakan nila. Isa siyang Architect at si Joel naman ay isang Engineer. Naging mahirap ito at naging sanhi ng stress nila kaya naman nag imbita si Joel. Balita niya ay sa Ilocos ang rest house nito na pinamana daw dito ng lola nito. Nagulat siya ng biglang tumunog ang kanyang cellphone..

"Hello,"  iyon pa lamang ang nasasabi niya ay bigla ng nagsalita ang nasa kabilang linya.

"Summer ready ka na ba? Ikaw nalang ang kulang bru!"   ani Via. Ang best friend niya simula pa nung elementary.

"Oo. Ganun ba, sige sunduin mo nalang ako para tipid sa gas."  aniya.

"Naku halika na dito dahil makiki-ride lang din ako sa boyfriend ko."   Ang tinutukoy nito ay ang boyfriend nito na si James.

"Okay sabi ko nga papunta na ako. Bye."   Wika niya upang hindi na tumagal pa ang usapan. Tumingin ulit siya sa salamin upang sulyapan ang sarili. Hindi maitatanggi ang kagandahan niya na dahilan upang marami ang mahumaling sakanya. Ngunit hanggang ngayon sa edad na bente siyete ay wala parin siyang boyfriend na halos siyam na taon na dahil sa huling lalaki na minahal niya ng sobra.

Inayos niya ang kanyang mga gamit upang mabaling sa iba ang kanyang isip. Kung bakit ba naman kasi nabanggit pa ng kaibigan niya ang salitang 'boyfriend'. Huling sulyap pa at handa na siyang umalis.

Bumaba na siya ng hagdan at pumunta sa ref upang kumuha ng snacks doon. Pagkatapos ay dumiretsiyo na sya sa kaniyang sasakyan. Na start na niya iyon ng may kumatok sa bintana niya.

"Hey, Sis. Where are you going this time?"   Nakita niya ang kanyang nakababatang kapatid.

"Dave!"  Napalabas agad siya ng kanyang sasakyan upang yakapin ito. Limang taon na itong hindi umuuwi ng Pilipinas at ngayon nga ay nandito na ito.   "Kelan ka pa nakauwi? Bakit hindi mo sinabi para nasalubong kita? Kamusta ka na?!"

"Easy there.."  wika nito na natatawa.  "Kakauwi ko lang. What's a surprise if you know it, right?"

"Naku na miss talaga kita! Ang laki mo na talaga!"   Patuloy niya parin itong niyakap dahil sa pangungulila niya dito ng limang taon.

"Ikaw din Ate, ang tanda mo na."  Bumitiw sya bigla dito upang hampasin ito sa patuloy na pagtawa nito.

"Ikaw talaga! Pilyo!"  Nagkunyari siyang naiinis dito at lalo lamang itong natawa. Hindi nya mapigilan ang sarili at natawa narin siya. It's such a great feeling for her.

"Kidding aside, ang ganda mo parin. You look healthy and so beautiful now. The last time I saw you, you look miserable."   Wika nito.

"I was, pero iniwan mo parin ako dito no!"  Aniya upang mabaling ulit dito ang usapan.   "At saka, what made you come back here?"

"Right. About that, I... a... I'm goin' to be married. I came here to invite you."    Nanlaki ang mga mata niya sa tinuran nito.

"What?! Are you kidding me again?" 

"No, I'm serious. Do I look like I'm kidding?"    Hindi siya makapaniwala sa kapatid niyang ito. She never met the girl! Tapos ngayon ay biglang susulpot ito at sasabihing magpapakasal na ito.

"What do you mean? Ni hindi mo nga binanggit saakin na may girlfriend ka."

"Are you disapproving this?"  Naguguluhang tanong ng kanyang kapatid.

"No of course."   Parang bulong na sabi niya sa kapatid.   "So, makikilala ko lang sya kapag pumunta ako sa kasal niyo?"

"Yes. At sa New York ang kasal namin. I know na kuripot ka kaya sagot ko na ang pamasahe mo. Okay?"   Natawa siya sa tinuran nito.

"Grabe ka. Kasal mo yon kaya talagang pupunta ako. Pero sagot mo na pala ang transpo ko kaya lalong okay."  Biro niya rin dito.  "Wait. Hanggang kailan ka dito sa pilipinas?"

"About a week or so?"

"That fast? Ni hindi manlang tayo makakapag bonding!"   Aniya.

"Come on. Busy ako pero isiningit ko sa schedule ko ang pag punta dito. At isa pa, isang linggo naman akong nandito. Where are you going by the way?"   Sabi nito.

"Yun na nga. I was about to leave when you came. Pupunta kami sa rest house ng kaibigan namin sa Ilocos. But I can cancel that para makapag hangout tayo." 

"No you can't. Alam kong minsan ka lang mag bakasyon. Kaya sumama ka na sakanila. And besides, pupunta ka naman ng NY kaya dun nalang tayo mag bonding."   Ani Dave.

Ilang beses pa siya nitong kinulit na sumama na siya subalit mas gusto niyang makasama ang kapatid niya. Hindi naman ito pumayag kaya't napilitan siyang umalis na. Sabi nito ay makikipag kita din naman daw ito sa iba niyang kaibigan upang makipag kamustahan.

Kahit noon pa man ay napaka bait na sakanya ng kaniyang kapatid. At alam niyang kaya lamang ito pumunta ng amerika ay dahil naroon ang kanilang ina na sa panahon na iyon ay bilang na ang oras ng buhay. She never visited her mother. She never said anything to her. At iyon ang araw na pinag sisisihan niya sa buong buhay niya. Dahil kahit ano pang ikot ng mundo ay ito parin ang kanyang ina. Sarili lamang niya ang kaniyang iniisip dahil sa pagiging broken hearted niya ay napabayaan niya ito. Nang malaman niya na wala na ito ay doon siya nagsisi ng husto. She was even more miserable. Sinisi nya ang sarili nya sa pagkamatay ng kanyang ina. She hated herself. Lagi siyang gustong makausap ng kanyang ina ngunit hindi nya ito pinag bigayan.

At dahil ang kapatid nya ang nag alaga sa kanyang ina sa amerika ay nakita ni Dave kung paano mawala ito. But he never hated her. Hindi siya nito sinisi. Napakabait ng kapatid niya sakanya at pinalalakas nito lagi ang loob niya. Sinabi nito na ipag patuloy nila ang kanilang buhay at wag mabuhay sa nakaraan. And they did. Her brother is her savior.


Naramdaman niya ang luha na kanina pa pala umaagos sa kanyang pisngi. Ang sakit na dulot ng kahapon ay namumutawi parin sa kaniya hanggang ngayon. It was a total disaster. She was and still is miserable. Dahil hanggang ngayon ay patuloy parin siyang nabubuhay sa nakaraan.

Hinahanap niya ang tissue sa kanyang bag ngunit hindi nya ito makita. Tumingin nalang ulit siya sa daan. Naalala niya ang puno't dulo ng lahat ng kanyang hinanakit. It was a man. A man she loved so much.. Maalala pa lamang niya ang pangalan nito ay nakakaramdam na siya ng matinding lungkot.

Hinanap niya ulit ang tissue sa bag niya. Hindi dapat ganito ang maramdaman nya dahil pupunta siya sa isang bakasyon. Nang matagpuan niya ang hinahanap ay bigla namang nakarinig siya ng salpok ng mga sasakyan.

Nabangga siya!

Hinipo niya ang kanyang noo at nakita ang dugo na dumaloy doon. Nagsimulang dumilim ang kaniyang paningin...

Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon