Nauna ako sa higaan while Alex did his business in the bathroom. Nang tumabi siya sa akin, I smiled at him. Then he kissed my cheek and said a soft goodnight. Niyakap niya ako bago pumikit at hindi na kumibo. Ilang saglit pa, panatag na ang paghinga niya. Pagod siguro kaya nakatulog agad.

But why do I feel a little down? Was I expecting something from him tonight? I stopped myself from sighing. But deep inside, may naramdaman akong bigat.

Sinulyapan ko ang nakapikit kong katabi. I gently touched his face, careful not to wake him up.

Dapat ba, lasing siya?

Teka lang, ano ba itong naiisip ko? Sinaway ko na lang ang sarili ko at natulog na sa bisig ni Alex. Ilang saglit lang, napahimbing na ako. I felt a gentle kiss planted on my temple, but maybe, that was just a dream...

.

.

.

Sunday passed by happily. And sweetly. Although hindi na nga naulit ang nangyari sa amin ni Alex. Not that I feel bad about it or anything...

I totally forgot all about Michael. Kaya nang makita ko siya sa coffee shop Monday morning, nagulat ako. Ewan kung saan ako kinabahan, sa pagkagulat ba sa presensya niya? O sa pananabik na malaman ang katotohanan? O hindi naman kaya, natatakot lang talaga akong malaman ang katotohanan?

I smiled weakly when he sat down in front of me sa bilog na mesa doon sa paborito kong sulok. Inabala ko muna ang sarili ko sa ginagawa ko. Kung pwede nga lang na pumasok sa screen ng laptop, gagawin ko.

Still I want to know. Is this man the father of my child?

When I was finally done, sumulyap ako sa kaharap ko na newspaper naman ngayon ang binabasa. I gathered my courage, took a deep breath, and tried to calm down.

"Pwede mo bang ikwento ang nangyari five years ago?" Simula ko na gumulat na naman sa kanya. Now I'm wondering kung magugulatin ba talaga siyang tao.

"When we met at the bar?" Ngumiti na siya.

"Yes. Hindi ko kasi talaga matandaan. Sorry," napayuko ako, dreading what I'm about to hear.

"We just talked. We were both broken hearted. I was rejected, you were cheated. You ranted while slurring so I had fun listening to you."

Wow! I can't believe may mga tao talagang mababaw lang ang kaligayahan. Makarinig lang ng lasing na nabubulol, natutuwa na.

"I tried to throw in some advices pero ayaw mo kong pakinggan. You were really mad. You said gaganti ka sa kanya. The name's Jeff, right?" His memory is very commendable. Amazing!

Now my mind is in chaos. Did I really say gaganti ako kay Jeff? And to a stranger at that. Just how messy was I that night?

"I tried to stop you from drinking cause you were almost dozing off the table," he shrugged.

"How did I stop drinking? Hinila mo ba ako palabas ng bar?" Sinubukan kong magbiro para gumaan ang tension na lumalapa sa buo kong pagkatao.

"I did offer to take you home. You accepted kaso..." kumunot ang noo niya, waring inaalala ang buong detalye ng nakaraang pangyayari.

"Kaso?" I can feel my anxiety growing stronger at his words.

"Kaso, when we were near my car, this person stopped us."

"Person..? Who?" Medyo nagulat ako sa karugtong na 'yon ng kwento. Saglit akong nalito.

"Nagpakilala siyang boyfriend mo. Hindi ko naman ma-confirm sa 'yo kung siya nga ang boyfriend mo kasi para ka na lang naglalakad ng tulog. Kapag hindi ka nga maalalayan siguradong babagsak ka."

Boyfriend ko?

Malamang rumihistro sa mukha ko ang disbelief. Nagtaas siya ng dalawang kamay, waring pinapakalma ako.

"Believe me, I had my doubts. I had no clue kung ano ang itsura ng boyfriend mo. But he insisted on taking you home dahil nga raw meron kayong problema na dapat ayusin."

"Si Jeff?" Parang hindi pa rin ako makapaniwala.

"Hindi ko siya hiningan ng ID, that would have been comical. 'Yon lang talaga ang pinanghawakan ko... ang sinabi niyang may problema kayong dapat ayusin. So, iniwan na kita sa kanya."

Si Jeff... Si Jeff?

Teka lang... hindi ito kapani-paniwala...

"Hindi ba niya ikinuwento sa 'yo? Or 'yong mga tao sa bahay n'yo? Don't tell me, hindi na talaga kayo nagkaayos."

Walang magkukuwento sa akin! I used to live alone! Gusto kong sumigaw.

Sinapo ko ang ulo ko, dalawang palad. Bigla yata akong nahilo. Wait, paano kung ibang tao 'yon at hindi si Jeff? Paano kung siraulo 'yon na nakikinig lang sa mga pinagsasabi ko sa bar? Tapos sinundan kami at nagpanggap na boyfriend ko?

"Are you okay? You don't look fine." Nag-aalalang tinitigan niya ako ng mabuti.

"This man na nagpakilalang boyfriend ko... anong itsura niya?" Waring hindi ko narinig ang nag-aalalang tanong niya. Masyadong abala ang isipan ko para pansinin ang kung anumang maliliit na bagay sa paligid ko.

Nahulog siya sa malalim na paggunita. Samantalang ako naman ay kakaba-kaba. Ano ang gagawin ko kung si Jeff nga ang ama ni Ven?

I started to crumple the piece of paper which is an official receipt for the cappuccino I ordered. I feel so weak right now. Gusto kong yumakap kay Alex.

Si Alex... siguradong magagalit na naman siya kapag malaman niyang itinuloy ko ang aking munting imbistigasyon. I don't think I should tell him about this.

"Seriously, are you okay?" Worried na pala si Michael.

"Y-yeah! I'm fine. So, ano ulit ang description ng lalaking 'yon? Matangkad ba? Payat?" Binalikan ko ang pinag-uusapan namin.

He looked at me for a moment, then sighed...

"As I've said, hindi kami nagkakalayo sa height. He's fairer than me, tama lang ang pangangatawan, hindi mataba, hindi payat. Ang buhok niya, kagaya do'n sa nakadilaw teeshirt na lalaking 'yon," aniyang tumingin sa gawing kaliwa ko.

Sinundan ko ng tingin ang tinutukoy niya. There, three tables away from us, may lalaking nakasuot ng yellow shirt at nagte-text. Ang hairstyle nito ay kagaya ng paboritong hairstyle ni Jeff noon.

Confirmed...

Si Jeff nga ang lalaking 'yon.

What should I do?

.

THE NIGHT HE STOLE ITWhere stories live. Discover now