Chapter 48: Pageant

568K 17.2K 7.4K
                                    




"Okay ka lang ba, Trix?" Sambit ni Ailee sakin. "Kanina ka pa tulala dyan? Iniisip mo pa din ba si Kiro at si Anya? Wag kang mag-alala, kung may sikreto nga silang dalawa, malalaman din natin 'yon, okay?"

Sa totoo lang, hindi naman si Kiro at si Anya 'yong iniisip ko. Naiisip ko si Caleb. Mahirap din sakin na bumigay ng ganon, na lumambot ulit 'yong puso para sakanya pero ayoko naman lokohin 'yong sarili ko. Nagalit man ako sakanya, hindi pa din pala nawala 'yong pagmamahal ko para sakanya. Tama si Ashton, masyado akong kinakain ng galit ko.

Sa totoo lang, nawawalan na ako ng gana para ituloy 'tong paghihiganti na 'to. Kaso sa tuwing naaalala ko 'yong mga ginawa sakin ni Anya at ni Skie, bumabalik pa din lahat ng galit at sakit.

"Sorry, wala lang 'to." Sagot ko. "Malapit na magsimula 'yong pageant, magbibihis na ako."

"Me too, just text me when you're done. Susunduin ko kayo." Sagot ni Ashton.

Sinamahan ako ni Ailee sa room namin at duon ako nag bihis. Katulong namin 'yong iba kong classmates sa pag-aayos sakin. Mula sa buhok ko hanggang sa mga susuotin ko mamaya.

Kahit anong mangyari, kailangan kong manalo dito. Gusto kong makita 'yong mukha ni Anya habang tinatalo ko siya. Kahit duon man lang malabawi ako sa lahat ng pagpapahirap niya sakin.

"Never mo bang nagustuhan si Ashton? Halata naman na gusto ko niya, eh." Biglang singit ni Ailee sakin habang inaayusan niya ako. "Gwapo naman siya, mabait tska super yaman pa. Parang nasakanya na nga lahat, eh."

Well, attractive naman talaga si Ashton pero siguro dahil sa mahal ko pa din talaga si Caleb kaya hindi ako nagkagusto sakanya. Kung dati ko pa siguro siya nakilala, hindi imposible na magkagusto din ako sakanya.

"Teka, wag mong sabihin na mahal mo pa si Caleb or baka si Skie kaya hindi ka nagkagusto kay Ashton?"

Naguluhan lang ako kung bakit nabanggit pa ni Ailee si Skie, eh matagal na naman akong nakapag move-on sakanya.

"Trix, umamin ka sakin." Pangungulit pa niya. "Totoo ba?"

Wala na din naman rason para hindi ko sabihin kay Ailee ang totoo. Siya at si Ashton naman 'yong mga taong pinagkakatiwalaan ko dito.

"Okay, sasabihin ko na." Tumigil muna siya sa pag-aayos sakin. Nakatitig talaga siya sakin. Feeling ko pa nga kinakabahan siya sa sasabihin ko. "Ang totoo, mahal ko pa din pala si Caleb. Nag-usap na kami nung isang araw, sinabi ko na sakanya 'yong totoo pero hindi pa din naman kami nagkakabalikan. Kahit na alam ko na kung ano talagang nararamdaman ko ngayon, hindi pa din ganon kadaling ibalik ang lahat pero sabi niya maghihintay siya at gagawin niya lahat para bumalik 'yong tiwala ko sakanya, para bumalik kami sa dati."

Natulala si Ailee. Hindi niya pa siguro na proseso 'yong mga sinabi ko.

"Oh my.. seriously?" Napa-nganga siya ng literal. Hindi ko alam kung okay ba siya sa sinabi ko o hindi. "Well, kung mahal mo pa din talaga siya then go. Mahirap pigilin 'yong nararamdaman mo pero just make sure na totoo na talaga sayo si Caleb at hindi na 'to basta dahil sa plan nila. Ayokong makita ka ulit na nasasaktan."

Napangiti ako sa sinabi ni Ailee. She's really a good friend. Hindi ako nagkamali sakanya.

"Thank you, Ailee. I think, I've learned my lesson. Isa pa, mukha naman talagang seryoso si Caleb sa mga sinasabi niya. Action speaks louder than words sabi nila."

Ngumiti din siya sakin at duon ko nasabi na okay din naman siya sa mga sinabi ko. Ever since naman okay siya kay Caleb, actually close pa nga sila. Nagbago lang talaga lahat ng dahil sa plano nila ni Skie, ng lokohin nila ako.

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon