Simula

261 12 2

"Divina" isang malalim na boses ang nagpabilis ng tibok ng kanyang puso, kung dati'y pagmamahal ang rason ngayon ay dahil na sa takot.

"m-manuel" napa-atras  sya at madiin napakapit sa crib ng kanyang anak.. Nasa loob sya ng kwarto nito para patulugin nang biglang pumasok ang kanyang asawa..

Tuluyan na syang kinabahan ng paraan ng pagtitig nito sakanya. Kung dati'y puno ng pagmamahal ngayo'y hindi  nya na mawari. Hindi nya na mabasa ang takbo ng pag-iisip nito at iyon ang ikinakatakot nya.

"divina" muling sambid nito sa pangalan nya at tuluyan ng nakalapit sakanya

pula at malalim ang mga mata ganyan palagi ang nakikita nya..

hinaplos sya nito sa braso dahilan para tumaas ang balahibo nya sa batok.

ito na naman sya...aangkinin at bababuyin.

"manuel ayoko" mahinang bulong nya

napapikit sya ng humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang braso, masakit pero natitiis nya wag lang matuloy ang pinaplano nito. 

"kailan ka pa natutong humindi sa akin?" bulong nito sa punong tainga nya.

"please--ma-masakit pa ang katawan ko pag-pagpahingahin mo muna ako" nauutal nyang sambid habang nakatungo.

napasinghap sya ng hawakan sya nito sa baba nya ipaharap sya nito.

"kailan.ka.pa.natutong.humindi?!" may diin sa mga salita nito.

'manuel" nanginginig na sya sa takot pero wala syang lakas para lumaban

"KAILAN PA!" sigaw nito sa mukha nya magsasalita sana sya nang isang malakas na iyak ng bata ang nagpatigil sa kanilang dalawa.


no please, dasal nya. 

"WAG" napasigaw sya ng itulak sya nito sa sahig at walang awang sinakal ang sanggol na nasa crib.

"ang ingay mo! fuck! shut-up!!!! shut-up!!!" 

dali-dali nya itong tinungo at pinaghahampas sa likod

"tama na! manuel maawa ka sa anak ko!!" napa-iyak sya 

naggpasalamat naman sya sa Dyos nang binitawan naman nito ang anak nya. Walang sabi-sabi nya itong kinarga at niyakap

iyak parin ito ng iyak 

"shhhh" alo nya sa anak

"LUMAYAS KAYO SA PAMAMAHAY KO MGA WALANG SILBI" napa-igik sya sa sigaw nito at marahas syang hinawakan sa braso at walang awang ikinaladkad  at walang sere-seremonyang itunulak palabas ng bahay.

magsisisigaw man sya ngunit para na itong bingi. 

*****

"Manuel! Parang awa mo na!B-buksan mo ang pinto!" nagmamakaawang hagulgol nya habang yakap-yakap ang anin na buwang sanggol na nakabalot sa punting kumot.

Ang anak nya. Ang kanyang munting anak

"Manuel!!" sigaw sya ng sigaw ng pangalan ng kanyang asawa na walang emosyong nakatingin lamang sakanila mula sa veranda.

"Manuel! Utang na loob. K-kahit ang anak ko lang! Ang anak lang natin Manuel!"

Lumuhod na sya habang nakadungaw sa walang puso nyang asawa. Basang-basa na sila ng ulan. Ito rin ang dahilan ng pagmamakaawa nya. Kahit gusto nya mang umalis sa lugar na yon ay wala rin silang mapupuntahan. Wala na syang ibang pamilya bukod rito. Gabing-gabi narin. Wala syang ibang mahingan ng tulong dahil malayo sila sa mga kabahayaan.

Palakas ng palakas ang ulan gayon rin ang iyak ng kanyang sanggol.

Niyakap nya ito ng mahigpit. Nanginginig na sila sa lamig.

"Manuel" mahina nyang sambid sa pangalan nito. Wala na. Wala na syang lakas.

Wala syang nagawa kung hindi ang sumilong sa puno ng acacia na hindi kalayuan sa kanilang bahay. Umupo sya roon at hinele ang kanina pang umiiyak na anak,,tila walang kwneta ang pagsilong nila dahil nababasa pa rin sila ngunit hindi nya alintana ang lamig basta ang mahalaga sa kanya ang kaligtasan ng kanyang anak.

Napasulyap sya sa impyernong bahay na iyon. Pinalayas sila ng kanyang asawa sa hindi nya alam na rason. Basta na lamang sya nitong kinaladkad palabas Hinala nya ay nasa ilalim na naman ito ng droga.
Isang pinagbabawal na gamot ang sumira sa kanilang dating perpektong pamilya. Hindi nya alam kung kailan nagsimula,nagulat na lamang sya na madalas ay wala ito sa sarili at mapupula ang mga mata. Madalas na sya nitong ikama at saktan kaya minsan hindi na sya lumalaban para hindi madamay ang kanyang anak. Pero kanina tila ay wrong move ang pagtanggi nya rito dahil doon ay narito sila sa sitwasyon nila ngayon.

Nabaling ang atensyon nya sa anak ng tumigil na ito sa pag-iyak, ganon na lamang ang kabog ng kanyang dibdib ng makitang maputla ito at sobrang init.
Inaapoy ito ng lagnat. Muli ay napa-iyak sya at nanakbo patungo sa kanilang tirahan.

"MANUEL! MANUEL! TULUNGAN MO KAMI! MANUEL SI BABY!!! MANUEL!!!"
wala ito sa veranda marahil ay nasa kwarto ito at humihithit na naman ng droga. Nilason na ng tuluyan ang isip nito.

Wala na rin sya sa kanyang isip. Natataranta na sya!

Tumakbo sya. Wala syang pake-alam kung madilim at walang ka-tao tao ang daan ang nasa-isip nya lang matakbo nya ang anak sa ospital.

"Tulong! Tulong!" sigaw sya ng sigaw sa madilim at napakalamig na lugar na iyon.

Diyos ko tulungan mo kami. 

"Tulungan nyo kami ng baby ko!!!! Ang anak ko"

Takbo sya ng takbo. Walang direksyon. 

Hindi nya alam kung nasaan na sila. Nablangko na ang kanyang pag-iisip.

"B-baby....baby ko' Walang tigil nyang tawag sa anak.

"Baby pupunta na tayo ng hospital ni mommy ah?" Yakap yakap nito

tahimik, mas gusto nya pang umiiyak ito indikasyong buhay ito, Hindi ganito walang tinig..napakatahimik.

"Tulong please!" napapaos nyang sambid mas malakas ang buhos ng ulan kaysa sa sigaw nya.

Ngunit tila walang nakakarinig sa hinaing nya.

"Baby ...w-wag susuko...baby ko wag mong iwan si mommy" nanghihina syang napa-upo sa gitna ng kalsada. 

wag sumuko? pero siya, waring sumusuko na.

Nawalan na sya ng pag-asa.
Kasabay ng pagtigil ng tibok ng puso ng kanyang munting kayaman

"Sorry!sorry anak!patawarin mo ako..patawarin mo si mommy"

patawarin mo sana kung naging mahina ako anak..patawarin mo ako.

hagulgol na lamang ng isang ina ang maririnig sa wala katao-taong kalsadang iyon sa gabing malakas ang ulan habang hinahaplos ang maputlang mukha ng kanyang anak

na walang nang buhay.

AN.
It's a NO TO DRUGS SHORT STORY. Sana suportahan nyo.

He regrettedBasahin ang storyang ito ng LIBRE!