"You are power tripping and you can't do this to me!" I shrieked at him. 

"I just did." Mahinahon ng sabi niya. Hindi ko na natagalan ang sitwasyon. Gusto ko siyang saktan pero injured ako. Kaya tumayo ako sa inuupuan ko at padabog na naglakad palabas ng kwartong yun at ibinagsak ang pinto. Napalingon ang mga kasamahan namin na naghahanda na sa pag alis. Agad ko ding kinuha ang mga gamit ko sa upuan at nauna ng lumabas sa hideout at sumakay sa sasakyan namin papabalik ng Maynila. Mabuti na lang at magkaiba ang sasakyan namin kaya naiwasan namin ang awkward sa sitwasyon. Pagkarating namin sa bureau, kinausap ko kaagad si Chief at sinabi niyang kakausapin niya si Jhudiel.

Hindi ako umuwi sa condo pagkalabas ko ng bureau. Nakitulog ako sa apartment namin ni Gretchen. Mabuti naman at wala ang boarder niya kaya walang istorbo.

Ilang araw kaming di nag uusap. He tried to talk to me pero ayaw ko siyang kausapin. Pero siguro kahit anong iwas ang gawin ko hindi ko yun magawa dahil pinatawag ako sa bureau for another assignment. Hindi ko alam kung napag usapan na ni Chief at ni Jhudiel ang pagpapower trip ng huli pero wala na akong pakialam. Ang importante pinatawag ako ulit which means hindi pa ako pinapalayas sa bureau.

Pagkatapos ng briefing namin aalis na sana ako pero tinawag ako ng isang kasamahan ko. Pinapatawag daw ako ng OIC. Ayaw ko pa sana siyang kausapin pero wala akong magagawa. Isa pa baka trabaho naman ang pag uusapan namin dahil nasa bureau kami.

Mabigat ang loob ko nung pumunta sa opisina niya. Nagulat pa ako nung makita ko siyang nakasandal sa mesa niya. Parang pumayat siya sa ialng araw na hindi ko siya nakikita at hindi ko mapigilan ang pagbilis ng heartbeat ko. Aaminin kong namiss ko siya pero pinigilan ko ang sarili kong takbuhin siya at yakapin.

"Jamie Xiara, don't accept the assignment." Mariing sabi niya. Naningkit ulit ang mga mata ko.

"Pinapunta mo lang ba ako dito para sabihin yan? Dahil kung oo, aalis na ako." Matigas ko ding sabi.

"Delikado ang operasyon na yun Jamie Xiara. I can't allow you to..." I cut him off.

"I am not asking your permission so you don't have any say on the matter." Ilang beses niyang kinalma ang sarili niya but it seems that he didn't succeed.

"O sige. Sabihin na nating wala akong karapatan sa mga bagay bagay tungkol sa'yo. Sabihin na nating hindi ako ang asawa mo. Pero sabihin mo sa akin, paano ko sasabihin sa parents mo kapag may mangyaring masama sayo? Ni wala silang idea na ito ang trabaho mo at front mo lang sa kanila ang boutique mo. Ano ang isasagot ko sa kanila kapag tinanong nila kung bakit may tama ka ng bala? Siguro naman may karapatan silang magtanong di ba? Ilang beses na kitang pinagtakpan tuwing nalelate ka sa appointment niyo." Naririnig ko ang hinanakit sa boses niya nung sinabi niya yun.

"I am not asking you to lie for me!"

"What what do you want me to do? Tell them your work? Sasabihin ko ba sa kanila ang bagay na tinago mo ng ilang taon?" Napatigil ako. Oo hindi ko sinabi sa parents ko kasi kapag ginawa ko yun paniguradong patitigilin nila ako. Kung kailangang italo nila ako sa bahay para lang tumigil ako gagawin nila.

"Okay then. Fine! Hindi ako sasama sa operasyon mamaya. I will quit the bureau katulad ng sinabi mo." Nakita kong biglang nagliwanang ang mukha niya.

"But you have to quit too."  Napanganga siya. Nagsukatan ulit kami ng tingin. I raised my chin up.

"We have an entriely different situation Jamie Xiara."

"Bakit iba? Bakit hindi ka ba tinatablan ng bala? Hindi ka ba mamamatay? Anong difference? Bakit hindi mo kaya?" I challenged him.

"That's absurd Jamie Xiara." Naguguluhang sabi niya.

"If you can't quit this job Jhudiel, then wag mo din hingin sa akin ang pag quit." At tinalikuran  ko na siya at lumabas ng opisina niya. 

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!