49 - play niyo yung song please lang para mas dama niyo yung feel. HAHAHA question: bakit ang gwapo ng asawa kong si min yoongi? sagot agad! haha basa na mwa



CARMILLE's POV


"Okay." sabi ko saka pasimpleng ngumiti sa may salamin.

Kasalukuyan akong lakad ng lakad sa harap ng salamin at tinitingnan kung okay lang ba ang suot ko or what. Suot ko ngayon ang isang kulay puting dress na may pink accent design. Wag na kayong ano diyan. Sapat na sakin na 'to. Ngayon lang ako magpapaka-girly ng masyado sa ngalan ng date namin ni gilagid.

Oo, date namin ni Keith.

May poreber na sabi eh. HAHAHA


First monthsary. Tangena ang daming alam! Eh hindi naman nasusukat ang isang relasyon sa tagal nito kundi sa tatag ng samahan niyo. Hindi naman nasusukat ang pagmamahal sa bawat "I Love You's" kundi sa mga simpleng bagay na nagpapasaya sainyong dalawa. Huwaw!

Tama na siguro 'tong pagpaganda ko. Sigurado naman ako na aasarin at aasarin ako ni Keith kaya wag na lang. Okay na 'to, natural beauty. Lol.

Lumabas na ako ng bahay saka pumunta dun sa address na nakalagay sa papel na binigay niya sakin nung isang araw. Sa totoo lang, habang bumabyahe hindi ko maiwasang hindi kabahan. Aba ganun talaga! Kahit na sabihing simpleng date lang 'to, para sakin isa 'to sa mga araw na kailangan kong itreasure.

Ilang pagsubok ang nakaabang sa amin pero heto kami, pa-date-date lang.

Hokage ang level. Lol.


Nang makarating ako sa venue, agad akong pumunta sa counter.

"Good morning, Ma'am. Any reservations po?" magalang na tanong sa akin ni ate.

"Uhh, reservation under Keith Alferez po." nakangiti kong tugon sakanya.

Ngumiti pabalik si Ate tapos kung ano-ano na ang tinype sa computer niya. Tahimik nalang akong nagmasid sa buong restaurant. Sobrang gara, I swear. Halatang mamahalin at high class.

"Excuse me, ma'am? Wala pong naka-reserve under the name you've mentioned. Sorry."

Literal na napanganga ako sa sinabi ni Ate. Ano naman ibig niyang sabihin? Alangan naman indianin ako ni Keith? ...o baka naman ginagageu lang ako nun?


Lumabas na ako ng restaurant saka kinuha ulit yung papel na binigay sa akin ni Keith saka binasa ulit ang nakasulat dun na address. Di ako nagkakamali, ito talaga yun eh. Pero bakit ganun yung nangyari? Nakalimutan kaya ni Keith? Hindi niya ba iniingatan ang relasyon naming dalawa kaya ganyan ang ginagawa niya—ang paasahin ako?

Pinag-crumple ko yung letter saka tinapon sa malapit na trash can. OO! GALIT AKO! Naluluha ako sa sobrang inis. Nag-effort pa man din ako, tapos mapupunta sa wala? Edi tangena, bumili pa kong damit leche siya. Edi sana nanuod nalang ako ng Season 2 ng Scorpion. Leshe talaga. Napapikit nalang ako then nagbilang sa utak ko para mapakalma ang sarili ko.


At para hindi masira lalo ang araw na 'to, magcocoffee nalang ako. Pumunta ako sa malapit na mall para doon magkape and at the same time mag-unwind. Baka kasi makasapak ako ng tao ngayon kapag may nanginis pa sakin. Papasok na sana ako ng coffee shop ng may tumawag sa akin.

Mr. Popular, You Are So Going Down! [BOOK 1]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!