TAL. 11.2 -- Another Gift

"Mga gago sila, yam!" angal ko ng naglalakad na kami palapit sa mga kasabwat ni Daryl sa nangyari.

Naramdaman ko na humigpit ang yakap ni Daryl sa bewang ko. "Sssh.. Stop cursing." saway naman kaagad nito. My ever good husband. "Ako ang may ideya nito, okay?" hinalikan nya ang gilid ng noo ko.

Mas lumakas ang kantiyawan ng tuluyan na kaming makalapit sa kanila.

"Speechless ang peg ni Cassy kanina! Did you see that, guys?" malakas na sabi ni Gino. Kumalas ako sa yakap ni Daryl at nilapitan si Gino. Mariin ko syang kinurot sa tagiliran. "Awww! My precious skin, Cassy! You're putting a disgusting mark on it! How could you!!" maarte na pagsaway nito na umiilag sa aktong pagkurot ko uli sa kanya.

Natawa naman kami sa kanya. Huminga ako ng malalim at hinarap sila. I even took a step backward para makita ko silang lahat. "You know what, akala ko ang birthday ko ngayon makakatulad lang din sa mga past birthdays ko. Nandun sina Gino, Yuan, Lola, masaya, pero hindi masasabi na sobrang saya. Kanina sa bahay, natutuwa ako na kasama ko ulit kayo," tiningnan ko sina Gino at Yuan, "tapos iniisip ko pa na dapat masaya ako dahil nandito na si Chanel. Birthday naming dalawa, kaunahang birthday namin together." napangiti ako ng tipid. "Kaso kahit sabihin ko pa na masaya ako, nandun parin yung emptiness. Kasi ito din dapat yung unang birthday celebration ko with Daryl." tinapunan ko ng mabilis na sulyap si Daryl na matiim na nakatingin sa akin.

"I felt like nothing has changed. I am still trying to smile and hide the disappointments." sabi ko pa. Totoo naman ang sinasabi ko sa kanila. Dati-dati kasi ngumingiti ako dahil kaarawan ko noon at ayokong mabigo sina Lola sa pakay nila na pasayahin ako sa araw na 'yun. But deep inside, umiiyak ako dahil wala na naman ang mga magulang ko para samahan ako sa importanteng araw na ito. Ilang beses na ba na nangyari pero hindi pa rin ako nasanay. Ano ba pinagkaiba ng birthday ko sa Christmas, New Year, family day, school fair na inindyan nila dahil wala silang oras para makasama ako? Dahil nasa ibang lugar sila dealing with a lot of people, building businesses, opeining a new branch, and so on and so forth na napapagod na akong isa-isahin. 'Coz the truth is, they never ran out of exuses.

"But I am very wrong. Nothing is really permanent except changes. At ngayong gabing ito, nagbago ang lahat ng inaasahan ko." unti-unting nanumbalik ang totoong ngiti sa labi ko, "Dahil hindi pala ako kayang tiisin ng asawa ko." I jokingly added.

"Kapal ni Cassy!" hiyaw ni Yuan na tatawa-tawa but I knew better. Alam ko na masaya sya dahil masaya ako.

Lumakad si Daryl palapit sa akin na may ngiti sa kanya. Ngiting simpatiko na nakakapag pabilis ng tibok ng puso ko. It is really true na ang taong mahal mo lang ang makakapag paramdam sa'yo ng ganitong klase ng pagkabog ng dibdib.

Tumigil sya sa harapan ko. Halos wala ng pagitan sa aming dalawa. He touched my face and lift it up. "That's true. Hindi kita kailanman matitiis." bulong nya sa akin. "Ikaw lang naman ang nakakatiis sa akin." tipong nagtatampo pa na dagdag nya.

"Hoy, ha!" protesta ko. Kinurot ko ang pisngi nya. "Hindi din kita matiis kaso babae ako, kaya dapat suyuin mo ako."

"Aww! Yam! Ang sakit mo nga kumurot!" kunwaring nasaktan na sabi nya. Hinawakan nya ang palad ko para hindi na ako makapangurot muli. "Cut this short, okay?" sabi nya na nakatingin sa mga kuko ko na medyo mahaba at polished.

"Bakit? Ang ganda nga ng nails ko, Yam." nakalabi na sabi ko.

"Ayoko lang ng mahaba ang kuko mo." bahagya syang tumungo sa may tainga ko, "Lalo na mamaya, baka sugat-sugat ang likod ko."

Hindi ko alam pero nakaramdam ako bigla ng kilabot sa buong katawan ko. Hindi kilabot na nakakatakot, kundi kilabot na masarap sa pakiramdam. I gently tapped his cheek, "Really?" hinaluan ko ng bahagyang landi ang boses ko para lang asarin sya.

Taming a LionessBasahin ang storyang ito ng LIBRE!