An: Here's my update. Sorry kung sobrang tagal, ang daming ginawa, nagsabay-sabay yung final exams, ang daming kailangang ipasa sa school :3 Btw. Thank you so much, sobrang nakakatuwa naman yung mga comments niyo :) Keep on supporting POTMK. Love you guys. :*

Vote && Comment :)

*****

King Arnold's POV

Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya sa mga oras na ito. May posibilidad talaga na si Caela nga ang nawawala naming anak. At hindi na ako makapaghintay na malaman ang totoo.

"Gusto kong maiwan muna dito sa kwarto ni Jazz, mahal." Pakiusap ng asawa ko, habang nakatingin kay Caela na natutulog. Nawalan kasi siya ng malay kanina, habang dumadaing ng pananakit ng balikat. And there, we found out that 'birth mark'.

Napabuntong-hininga na lamang ako bago lumapit sa asawa ko.

"Sige mahal. Titingnan ko din kung ano ang naging resulta ng ginawang blood testing kanina, siguradong tapos na iyon." Tugon ko sa asawa ko. Nagpagawa kami ng blood testing kanina para matukoy kung anak nga ba namin si Caela. Umaasa ako na sana siya na nga. Unang kita ko pa lamang sa kanya alam kong may iba na. Nakaramdam ako ng lukso ng dugo, lalo na ng makita kong marami kaming pagkakatulad. Napapangiti na lamang ako kapag naaalala kong, halos iisa lamang ang mga ekspresyon namin kanina. Kuhang-kuha niya ang mga bagay na madalas kong gawin, at kahit na nga ba yung paborito kong pagkain. Masyado ding magaan ang loob ko sa kanya, kaya nga kanina noong nakikita ko siyang nahihirapan hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng awa sa kanya at hinihiling na sana ako na lamang ang nakakaranas noon.

"Balitaan mo agad ako kung ano ang naging resulta. Umaasa ako mahal, na sana siya na nga. Sana siya na ang Jazz natin." Naiiyak na namang sabi ng asawa ko habang hawak ang kamay ng dalaga. Maski ako, iyon din naman ang gustong maging resulta.

"Sige mahal, aalis na muna ako." Tumango lamang ito sa akin bilang tugon. Humalik muna ako sa noo ng asawa ko at ganoon din sa natutulog na si Caela bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Kinakabahan ako sa maaaring maging resulta pero iisa lamang naman ang gusto kong makuhang sagot, sana siya na nga ang nawawalang anak namin.

* * * * *

Caela's POV

Nasaan ako?

Anong ginagawa ko dito?

Ilan lamang yan sa mga tanong na pumapasok sa isip ko ngayon. Nagising ako na nandito na sa tapat ng isang palasyo. Inilibot ko ang aking paningin para tingnan ang buong paligid.

"Anong ginagawa ko dito sa labas ng Mystique Kingdom?" Mahinang sabi ko sa sarili ng mapagtanto ang lahat.

Oo. Nandito nga ako sa labas ng palasyo :3

Ang naaalala ko nasa loob ako at kumakain kami, tapos magigising na lamang akong nandito na sa labas? Inihagis ba nila ako palabas dito? Masyado bang marami ang kinain kong menudo, kaya nila ako pinatapon ? Huhuhu.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!