Epilogue

8.5K 204 24


10 years later...

Milan, Italy

Elaine

"Cielo, stop running!" sigaw ko matapos niyang bumitaw sa kamay ko, naramdaman ko ang paghawak ni Sky doon, saka ako tumingin sa kanya saka ngumiti.

"Stop worrying, kasama naman niya ang Kuya at Ate niya..." Sky told me saka mas lalong hinigpitan ang hawak, napatingin ako kay Chloe na busy sa pagkuha ng pictures ng dalawa habang tuwang-tuwa si Cielo sa paghuli ng mga kalapati. Chloe gave her name at pumayag naman kami ni Sky, after all, tingin naman namin bagay na bagay sa kanya iyon.

We are here to have a family vacation, nag leave si Sky sa trabaho para magkaroon ng maraming oras sa bonding naming buong pamilya. Cielo is turning eight next month at sunod nun ang debut naman ni Chloe, lahat yun pinaghahandaan na namin.

Cloud is eleven years old, tahimik at seryoso siya unlike her sister na sobrang kulit. For Cloud, every word is a responsibility kaya bihira mo lang siyang marinig na magbigay ng opinion niya, I smiled thinking of that. At least alam ko na lalaki siyang responsible man.

Ten years had passed pero ito parin kami, masaya at buo, hindi ko masasabing perpekto ang pagsasama namin ni Sky pero walang gabi ang pinalampas namin na hindi nag-uusap at inaayos ang problema kung meron man.

Lagi kaming nasa likod ng mga anak namin, laging gumagabay, laging sumusuporta. Ganun din kami sa isa't-isa. Walang iwanan, walang sukuan.

"Bebs?" rinig kong tawag ni Sky sa akin na pabulong, tumingin ako saka ngumiti "Mahal kita...mahal na mahal..." dugtong niya "I'm so lucky to have you and our kids..."

"Mahal na mahal rin kita..." sagot ko saka ko naramdaman ang pagdampi ng mga labi niya sa mga labi ko.

"Ten years and counting Bebs. No more secrets, no more lies, no more waiting..." I said and I saw his smile, he took his deep breath and leaned his forehead on mine "At lagi mong tatandaan...I am your Elaine and you're my Sky..."


You're My Sky (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!