For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Chapter 53 (FINALE)

6.7K 144 4


Elaine

"MAMILI KA ELAINE! MAMILI KA KUNG SINO SA DALAWA!" sigaw niya sa akin na parang nasasaniban na na kung anong demonyo, napakasama niya... napakasama niya!

"A-Ako! Ako na lang ang kunin mo! Ako na lang ang patayin mo!" matapang kong sagot sa kanya saka marahan na binitawan si Sky.

"E-Elaine... A-Anong si-" siniil ko ng halik si Sky dahilan para di matapos ang sinasabi niya, narinig ko ang pagtawa ni Tita Elise.

"S-Sky..." sagot ko saka hinaplos ang mukha niya "S-Sky ito lang ang paraan para matapos na ito... ako lang naman ang kailangan niya eh... ako lang...T-Tandaan mo na mahal na mahal kita... T-Tandaan mo na kahit wala ako sa t-tabi mo...l-lagi akong nasa p-paligid... pinag-mamasdan ka... binabantayan..." tumulo ang luha ko diretso sa mukha ni Sky, hinaplos ko ang labi niya... ang ilong niya...ang pisngi niya... Kung ito ang kabayaran sa pagkawala ko, kung ang buhay mo ang kapalit para patuloy kang mabuhay, papayag ako Sky! Papayag ako!

Masigurado ko lang na ligtas kayo...masigurado ko lang na patuloy kang mabubuhay...patuloy kang ngingiti... hihinga...at patuloy na magmamahal... Sky... Sky papayag akong ibigay ang buhay ko!

"TAMA NA ANG DRAMA ELAINE!" napatingin ako sa kanya habang maga na ang mga mata "NASABI MO NA BA ANG PAALAM MO? ANG HULING HABILIN MO?"

"M-MANGAKO KA! M-MANGAKO KA NAPAPALAYAIN MO SILA!" sigaw ko

"Ikaw lang ang kailangan ko, buhay mo lang ang kailangang mawala Elaine..." sagot niya sa akin saka ako pumikit

"S-Sige... Sige! GAWIN MO NA ANG GUSTO MO!" saka ko niyakap si Sky ng mahigpit "PATAYIN MO NA AKO!" narinig ko ang pagtawa niya, sabay nun ang pagpikit ko ng mahigpit, kasunod noon ang isang malakas na putok ng baril!

Mahal kita Sky... Mahal kita... Kung ito man ang huling pagkakataong mayakap kita... mahagkan... nagpapasalamat ako dahil binigyan pa ako ng pagkakataong maramdaman iyon, alam ng Diyos kung na ikaw lang! Ikaw lang ang minahal ko... ang naging laman ng puso ko... ng isipan ko... kahit sa loob ng labing tatlong taon... ikaw lang... ikaw lang at wala ng iba...

Alam kong marami akong pagkakamali... alam kong marami akong nagawang kasalanan... pero sana... pero sana mapatawad mo ako at sa tuwing maalala mo ang ngiti ko... ang boses ko... ang mukha ko... sana... sana maalala mo ang Elaine na naging tapat sa iyo...at Hebe na nagmahal sa iyo ng totoo...

Sky... Sky mahal na mahal kita...

"KIRO!" naidilat ko agad ang mata ko matapos kong marinig ang sigaw ni Tita Elise, agad akong napatigil sa paghinga ng makita ko ang pabagsak na si Kiro.

"KIRROOOOOO!" sigaw ko kasabay ng pag-agos ng mga luha ko, iniharang n-niya ang s-sarili niya p-para sa akin! Pahiga siyang bumagsak sa damuhan, kitang-kita ko ang pagkalat ng dugo sa buo niyang katawan.

"KIRO! KIRO!" sigaw ni Tita Elise ng makitang naliligo na sa sariling dugo si Kiro "B-Bakit? Bakit?" tanong niya habang pilit na pinapadilat ang kapatid, nag-iiyak siya habang yakap ang wala ng malay na si Kiro

"PINATAY MO SIYA!" baling niya sa akin kaagad "PINATAY MO SIYA ELAINE!"

Nanginginig akong umiling sa kanya habang hinahayaang umaagos ang mga luha sa aking mga mata "HAYOP KAAA!!!" nanlaki ang mata ko ng makita ko na pinulot ni Tita Elise ulit ang baril saka tinutok sa akin "AAAHHHHH!!!" pero naunahan na siya ng mga pulis na nakapalibot sa akin

Kitang-kita ko kung paano siya pinaulanan ng bala ng baril. Pinikit ko ang mata ko saka ko niyakap si Sky ng mahigpit... "LET'S GO! LET'S GO!" rinig kong sabi ng mga pulis saka ako may naramdamang kamay sa balikat ko, nanginginig kong iniangat ang mukha ko saka ko nakita ang mukha ni Angelo

You're My Sky (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!