Chapter 52

6.3K 126 0


Elaine

"I want you trust me Elaine..." bulong ni Sky sa akin matapos niya akong halikan sa harap ng maraming tao at hawakan ang kamay ko ng mahigpit. Nakita ko na nag-uumpisa ng magtipon ang mga press at nakakasilaw na rin ang camera na kumukuha sa amin ng larawan.

"YOU CAN'T DO THIS TO ME SKY!" rinig kong sigaw ni Trixie mula sa harap "YOU ARE GOING TO MARRY ME NOT THAT BITCH!" nahuhurumentado na siya sa harap, nakuha na rin niya ang pansin ng mga tao at patuloy sila sa bulung-bulungan...

"STOP IT TRIXIE!" sigaw ni Sky "I'M NOT GOING TO MARRY YOU!"

"I'M PREGNANT SKY! I'M PREGNANT!" sigaw ni Trixie na ikinanginig ng laman ko

"WELL CONGRATULATIONS!" nanlaki ang mata ko sa sagot ni Sky "KUNG SINO MAN ANG AMA NIYAN SIYA DAPAT ANG MAGPAKASAL SA IYO!" saka pinisil ni Sky ang kamay ko, napantingin ako sa kanya at nakita ko sa mga mata niya na seryoso siya sa sinabi niya kanina

"IKAW ANG GUSTO KO! IKAW ANG MAHAL KO! GAGAWIN KO ANG LAHAT PARA SA IYO!"

"Trix...Please stop... nakakapagod na... nakakasakal na... you can always start anew... forget me... forget everything about me... about us..."

"AKALA MO GANUN KADALI YUN? HINDI AKO NAGPAKABALIW SA IYO NG MAHABANG PANAHON PARA LANG MANGYARI ITO! I'M NOT GOING TO LOSE YOU, DAMN IT!"

"Trix I'm sorry... pero kahit kailan... kahit kailan hindi-"

"NOOOOO!!!!" nagsisigaw si Trixie sa harap at kitang-kita ko ang pamumula ng mukha niya dahil sa pagkakapahiya, kinuha niya ang bote ng wine na nasa tabi niya saka binasag iyon, lahat kami nagulat ng namulot siya ng bubog dahilan para masugatan ang mga kamay niya, umiiyak siya habang ititutok ang basag na bote sa pulso niya "NOO! YOU CAN'T DO THIS TO ME SKY!" iyak niya at nagsimula ng magkagulo sa loob.

Nakita ko na rin na nagsi-datingan na ang ilang security guards para pigilan ang mga press sa pagkuha ng mga pictures "You can't just leave me..." sabi ni Trixie na wala na sa katinuan, nakita ko ang pag-aalala ni Sky

"Trix..." sabi niya pero hawak parin ang kamay ko "Don't ruin your life just because of me... I'm not worth it!"

"I want you! Only you! I've done everything Sky just to have you! Just to please you! Pero ito ibabalik mo sa akin?" nakita ko ang paglungkot sa mukha ni Sky, naramdaman ko ang pagluwang ng hawak niya pero hindi ko hinayaan iyon, hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya at napatingin siya sa akin.

"We're in this together right?" bulong ko saka marahang ngumiti "Hindi kita iiwan...sabay tayong lalaban..."

Narinig namin ang sigawan ng tao matapos ng malakas na kalabog na narinig mula sa stage "TRIXIE!" sigaw ni Tita Sophie saka nagtatakbo sa harap "BRENAN! BRENAN HELP ME!" sigaw niya at nakita ko ang pagmamadali ni Tito Brenan at Tita Sie palapit kay Trixie, bigla akong nanginig ng makita ko ang nakakalat na dugo sa sahig ganun na rin sa kamay ni Tita Sophie habang hawak hawak ang kamay ni Trixie.

"KAILANGAN NA SIYANG MADALA QSA OSPITAL, MALALIM ANG PAGHIWA NIYA SA PULSO NIYA, KUNG HINDI ITO MAAGAPAN MAARI SIYANG MAMATAY!" sigaw ni Tito Brenan at nakita ko na rin agad ang pagtawag ni Tita Sie ng ambulansya "Sophie hold it!" utos niya kay Tita Sof saka niya kinuha ang panyo sa bulsa niya "Put some pressure, it will stop the bleeding..." utos niya ulit saka maingat na tinali ang pulso ni Trixie, nanginginig ako habang tinitignan ang puting-puti na na mukha ni Trixie, para na siyang mawawalan ng dugo!

Nagkakagulo na ang lahat ng tao, hindi na nila alam kung saan pupunta at nakita ko na rin na umiiyak si Haley, pinapatahan na lang siya ni Angelo "COME WITH US!" rinig kong sabi ni Tito Brenan matapos niyang bitbitin si Trixie, tumango si Tita Sie at agad ng sumunod sa kanila, akma na rin kaming susunod ni Sky ng may biglang pumulupot sa leeg ko.

You're My Sky (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!