Chapter 50

4.1K 109 4


Elaine

Naupo ako saka nahinga ng malalim, pinunasan ko ang pawis ko sa noo saka inabot ang bottled water na nasa tabi ko but I shrugged ng makita kong wala ng laman iyon. Kanina pa kami non-stop sa pagtratrabaho. Malapit ng matapos ang pagdedecorate ng buong Hotel Hall.

Napatingin ako sa lawak at ganda nun. Bigla akong nakaramdam ng inggit kay Haley. Agaw pansin ang malaking chandelier na nasa gitna. Parang yung nakikita ko sa isang palasyo sa tuwing manunuod ako ng fairytales noon! "I THINK WE SHOULD REST FOR A WHILE!" sigaw ko sa mga kasama kong nag-aayos ng lahat.

Tumango sila at ngumiti. May tiwala naman ako sa mga gumagawa ng trabaho nila sa pagpapaganda ng party ni Haley pero mas gusto ko na hands on ako sa lahat. I don't want to fail this time! Ito na kasi ang huli, at I want Haley's birthday mark in our memories!

Tumunog ang cellphone ko at nabasa ko ang text ni Kiro. Maglalakad-lakad daw muna siya at ihahanap ng pasalubong si Chloe, tapos na niya rin akong tulungan kanina at ako ang nag-utos sa kanya na bumalik sa kwarto namin para magpahinga.

Kiro is being protective lately... oo matagal na siyang protective lalo na when it comes to my concern pero iba... iba ngayon halos ayaw niya akong mawala sa paningin niya! Tumayo ako para kumuha ng inomin ng napahinto ako sa paglalakad ng may humarang sa akin at inabot ang malamig na tubig

Napalunok ako saka napaiwas ng tingin sa kanya "Take it!" rinig kong sabi niya, mahina iyon, hindi ko alam kung nag-uutos o humihingi ng pabor "Please..." naiangat ko ang mukha ko dahil sa huling sinabi niya

"Sir Sky!" napatingin ako sa isang lalaking tumawag sa kanya, isa siya sa mga coordinator ng party "Ang aga mo naman pumunta dito Sir!" rinig kong sabi niya at tuluyang lumapit sa amin

"Ohh!" baling ulit sa akin ng atensyon ni Sky "I know you are thirsty!" napatingin ako sa dalawang bottled water na dala niya "Marlon you want water?" baling naman niya sa kausap ng hindi ko kinuha iyon

"Thank you Sir, I was about to get some water na pero-"

"Pinadala kasi sa akin ni Liz sabi niya kailangan niyo daw..." he reasoned out saka napatingin ulit sa akin, umiwas ako ng tingin, kainis! Sa lahat ng ginawa mo sa akin bakit ngayon ganito ka? "You'll take it or sasabihin ko kay Liz na ayaw mo ang binigay niya?" agad kong inabot iyon at nakita ko ang pag ngisi niya.

"You know how to listen naman pala Miss Co-Collantes..." nagbuga ako ng hangin while trying to calm myself, ano bang eksena niya? Bakit ba niya ako kinakausap? "I'll see you later..." sabi na ikinabigla ko at agad na rin siyang umalis.

"Uhmm sarap ng binigay ni Sir..." rinig kong sabi ni Marlon saka umalis na rin sa tabi ko, kumaway siya at ngumiti bago ginawa iyon. Napatingin ako sa binigay niyang bottled water saka naglakad sa kwarto. I decided to take some shower at ilang minuto lang ang lumipas habang nagpapatuyo ako ng buhok may nag doorbell sa kwarto namin.

Baka si Kiro, teka ang bilis naman ata niyang maggala "KIR-" natigilan ako ng may nakita akong lalaking nakatayo sa labas, may dala siyang malaking box "Ano pong kailangan nila?" tanong ko saka kanya saka niya tinignan ang papel na hawak

"Miss Hebe Collantes?" tanong niya sa akin saka ngumiti, tumango ako.

"Mam pa-receive na lang po!" sabi niya saka inabot sa akin ang malaking box.

"T-Teka baka nagkakamali kayo!" sabi ko saka tinanggihan iyon "Wala naman akong inorder at wala akong iniexpect na darating na padala!" sagot ko saka nahiwagaan sa laman ng box.

"Mam kayo po si Hebe Collantes di ba?" tanong niya ulit at tumango ako "Oh di sa inyo po talaga ito!" sagot niya saka natawa "Papirma na lang po!" saka halos isaksak niya sa mukha ko yung dala niyang papel, wala sa loob kong pinirmahan iyon.

You're My Sky (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!