Chapter 49

4.9K 103 1


Hebe

Iniangat ko ang mukha ko mula sa paghihilamos ng may narinig akong pumasok sa loob ng powder room. Nakapusod ang buhok ko para hindi iyon mabasa. Kumuha ako ng towel saka pinunasan ang mukha ko ng makilala ko kung sino ang pumasok "Nandito ka pa pala?" bungad niya sa akin saka nilapag sa ibabaw ng sink yung mamahalin niyang bag.

She curled up her very red lips saka sabay niya akong tinaasan ako ng kilay "Nagtratrabaho ako dito!" sagot ko sa kanya matapos mapatuyo ang mukha

"Hmm sabagay ano bang alam mo bukod sa pagiging sekretarya?" tanong niya saka ngumisi. Binuksan niya ang bag niya saka inilabas lahat ng mamahaling niyang make-up. Pinasadahan pa niya ng tingin ang simpleng face powder at lipgloss ko na nasa tabi ng mumurahin ko lang na bag.

Nakangiti siyang naglalagay ng lipstick saka niya ako tinignan sa harap ng salamin "I know people like you!" sabi niya saka ako tinaasan ng kilay "People who will do anything just to escape poverty..." padabog niyang inilapag ang lipstick niya saka ako masamang tinignan sa salamin "I am warning you bitch!" hinarap niya ako "Stay away from Sky! HE.IS.MINE!" umiling ako at ngumisi rin dahil hindi ako makapaniwala sa ginagawa niya

"Are you that desperate?" tanong ko sa kanya na kinagulat niya "For your information, hindi ako ang lumalapit kay Sky, and I think you should tell him that!" matapang kong sagot sa kanya

She laughed at me pero alam kong naaasar na siya. Kinuyom niya ang kamay niya saka nanginginig sa galit na inabot ang wallet niya at binuksan iyon sa harap ko. Kinuha niya ang makapal na tag-iisang libo sa wallet niya saka iyon inilapag sa sink na nasa harap ko "Tell me kung kulang pa yan!" sabi niya saka ibinigay ang calling card niya

Napangisi ako sa kanya at natawa sa tinuring "Desperada ka na nga!" sagot ko saka kinuha ang pera.

"Marami ka pang satsat kukunin mo din na-WAIT!" nanlaki ang mata niya ng makita niya ang gagawin ko. Binuksan ko ang pinto sa isa sa mga cubicle ng CR saka pumasok doon. Hinawakan niya ang braso ko ng makita niya ang gagawin ko pero buong lakas kong binawi ang braso ko saka tuluyang fli-nush yung mga pera niya sa inidoro!

"ARE YOU INSANE?" tanong niya sa akin na nanlalaki ang mata at pulang-pula ang mukha lumapit pa siya sa bowl habang tinitignan ang pag flush ng mga pera niya.

"Marami ka naman niyan di ba?" tanong ko saka hinugasan ulit ang kamay ko "So I don't think na mararamdaman mo ang pagkawala ng mga perang iyon!" hinigit niya ang braso ko at napakunot ang noo ko dahil masakit iyon

"Ano ba?" tanong ko sa kanya saka pilit na binabawi ang braso.

"WHO DO YOU THINK YOU ARE TO REFUSE MY OFFER?" sigaw niya sa akin saka agad na binitawan ang braso ko, nanlaki ang mata ko ng biglang lumapat ang kamay niya sa pisngi ko, nasapo ko iyon at napatingin sa kanya "COMPARED TO ME YOU ARE JUST A STINGY TRASH WANDERING AROUND THE DAMPSITE!"

Agad akong bumawi sa kanya saka ko rin sinampal ang kaliwa niyang pisngi "Sa asal mo ngayon, sino ang mas mukhang basura sa atin?" balik tanong ko sa kanya ng makita ko ang halos pagsubsob niya sa lababo. Lalong namula ang mukha niya and she was about to raise her hand again ng hinawakan ko iyon "Don't you ever lay your hands on me again or else ipapasok ko yang mukha mo dyan sa lababo!"

Marahas ko binitawan ang kamay niya. I intact my loosened hair behind my ears saka inabot ang bag ko "TABI!" sigaw ko sa kanya ng nakaharang siya sa daraanan ko.

"YOU BI-" natigilan siya ng tinignan ko siya ng masama. Siguro nga pagod na akong tapak-tapakan lang ng iba, lalaban ako... dahil ang nasa harap niya ngayon ay ang palaban na Elaine hindi ang parating naiiwan at nasasaktan na si Hebe!

You're My Sky (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!