Chapter 48

3.6K 84 2


Kiro

"Sasama siya sa akin..." sagot ko sa kanya matapos inomin ang juice na sinerve sa akin "Aalis na rin kami as soon as possible!"

"Bakit hindi na lang ngayon?" tanong niya sa akin na parang atat na atat.

"Ano bang kinakatakot mo? Ang bawiin niya lahat ng yaman ng ninakaw mo sa kanila?" tanong ko saka umayos ng upo sa mamahaling sofa dito sa mansion niya.

"Ninakaw? In the first place sa akin naman dapat talaga ito eh... kung di lang ako niloko ng nanay niyang maharot!" I shook my head, it's been a long time at hindi niya parin nakakalimutan ang nakaraan.

"And you think enough yun para sirain ang buhay nila? Naisip mo na ba na ang lahat ng ito ay dahil sa iyo?" I asked her saka ko siya tinignan ng masama "Dahil sakim ka!"

"Wow, parang ikaw hindi..." sagot niya sa akin at natigilan ako "Parehas lang tayo Kiro... parehas lang tayo dahil iisa ang dugong nananalatay sa atin..."

"Hindi..." tanggi ko "Hindi tayo parehas... kahit kailan hindi tayo naging pareho lalo na ng mangyari ang gabi iyon..."

Flashback

23 years ago...

"K-Kiro..." napalingon ako ng may tumawag sa akin, galing akong school at papasok na sana ako sa gate ng pinagtratrabahohan kong bahay, napangiti ako ng makita ko siya, niyakap niya ako ng mahigpit "Kumusta kana?" tanong niya sa akin saka tumingin tingin sa palagid.

Makapal ang salamin niya na itim at naka sombrero siya, sanay na ako sa pananamit niya sa tuwing binibisita niya ako, kailangan niyang magtago...baka may makakita sa kanya "Ayos lang ako..." sagot ko sa kanya saka ngumiti, hinawakan niya ang kamay ko saka ako inayang makapag-usap.

Sumama ako sa kanya sa isang bakanteng lote na malapit lang din sa tinutuluyan ko "Ito..." abot niya sa akin ang ilang libo "Pasensya kana kung hindi kita laging nadadalaw..." hingi niya ng tawad sa akin, niyakap ko siya saka naluha.

"Namiss kita..." sabi ko at naramdaman ko rin ang mahigpit niyang yakap "Hanggang kailan ba ako mag-aantay sa iyo?" tanong ko habang umiiyak.

"Kunti na lang... Kunti na lang..." sabi niya saka hinalikan ako sa noo. Limang taong gulang ako ng iwan niya ako dito sa tinutuluyan kong bahay. Limang taon lang ako ng iwan niya ako dito... limang taon lang ako ng ipinangako niyang babalikan niya ako at ibabalik niya ang dati naming buhay.

Isa kami sa major stock holder ng isang malaking liquor company sa buong bansa. Nabuhay kaming dalawa na sunod sa luho hanggang dumating ang araw na kinatatakutan namin, sabay nawala si Mommy at Daddy at palubog na ang kompanya ng mga oras na iyon dahil sa nabaong utang. Kahit isa walang natira sa amin... kahit ang bahay namin kinuha rin...

Limang taon ako nun ng halos mawasak ang buong mundo ko... kasama ko siya... siya lang ang nag-alaga sa akin... siya lang ang nagsilbi kong lakas, ginawa niya ang lahat para buhayin ako pero sadyang mahirap ang sitwasyon namin kaya nagdesisyon siya na iwan ako... sinabi niya sa akin na magpanggap akong ulilang lubos... sinabi niya sa akin na magpanggap akong walang kamag-anak na kahit isa... sinabi niya sa akin na mamasukan ako para mabuhay...

Ginawa ko lahat iyon... sinunod ko lahat iyon dahil sa pangako niyang babalikan ako. Limang taon ako at dalawangpu siya. Oo labing limang taon ang pagitan namin, nagtrabaho siya kung saan-saan... nagtago-tago rin dahil sa naghahabol na utang. Palitan mo ang pagkatao mo... tulad ng pagpalit ko sa apelido natin utos niya sa akin noon bago ako tuluyang iwan, magpakabait ka... babalikan kita... babalikan kita... ibabalik ko lahat ng nawala sa atin... Yung ang pangako niya na pinaghawakan ko ng matagal na panahon.

You're My Sky (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!