Chapter 47

4.7K 103 1


Hebe

"Nakakapagtaka talaga ang panahon ngayon ano?" rinig kong sabi ng katrabaho ko

"Oo nga December na nag-uulan pa, tsk! Naalala mo ba yung nakaraang pasko yung may bagyo? Grabe na talaga ang nagyayari sa mundo..." napailing na lang ako ng marinig ko ang mga hinaing ng mga katrabaho ko, buti pa sila yan lang ang prinoproblema, ilang linggo na lang pasko na, matapos iyon birthday naman ni Haley at pagkatapos at pagkatapos nun aalis na rin ako dito.

I took a sip from my hot cup of coffee. Malakas ang aircon ng opisina, isinuot ko ang sweater ko at natingin sa labas, makulimlim nga at parang uulan. Sinimulan ko na ang trabaho ko, wala si Tita Sophie ngayon, nasa isang business meeting sa Japan kasama si Tito Miguel. I sighed matapos kong magtype ng 100 pages na document.

"Hebe!" bati sa akin ni Ces, isa sa mga empleyado dito "May darating na Christmas Party sa susunod na linggo ah, ano sasama ka ba?" tanong niya sa akin , umiling ako at saka ngumiti

"Hindi na siguro, gagamitin ko na lang yun para pahinga at oras sa pamilya ko..." sagot ko saka siya rin ngumiti.

"Sabagay ibang pagod maging secretary ni Mam Sophie..." ngumiti lang ako saka bumalik sa trabaho.

---

Gabi na at unti-unti na ring nauubos ang tao sa opisina. Inaayos ko ang mga papeles sa opisina ni Tita Sophie ng biglang pumasok si Sky. Nagulat pa siya ng makita ako at saka siya umiwas ng tingin. Wala kaming kibuan . Patingin-tingin siya sa estante na nasa opisina habang inaantay akong matapos. Malakas na ang ulan sa labas. Kitang-kita ang pagliwanag ng langit dahil sa malakas na pagkidlat.

Nanigas ako ng marinig ko ang sunod na makalas na pagkulog. Napalunok ako at nanginginig na ibinaba ang kamay. Bakit kasi... B-Bakit kasi k-kusang nanginginig ang katawan ko sa tuwing may malakas na pagkulog at pagkidlat? Biglang nanikip ang dibdib ko at di naging normal ang paghinga.

"A-Ahh..." napahawak ako desk at nanginginig na napayuko

"Are you fine?" tanong sa akin ni Sky at naramdaman ko ang paglakad niya palapit sa akin

"O-Okay lang ako..." nanginginig ang boses ko habang sinasabi iyon "A-AAH!" napaupo ako at dilat na dilat ang mata habang tinatapakan ang magkabilang tenga ng biglang kumulog nanaman ng malakas.

"Hebe?" lumapit sa akin si Sky pero agad akong tumayo at nagtatakbo sa loob ng powder room ng opisina. Tuluyan ng tumulo ang luha ko. I looked at my trembling hands... kinagat ko ang daliri ko to stop it pero walang silbi. Siniksik ko ang sarili ko sa loob ng toilet cubicle "D-Dad..." I cried habang tinatakpan ang mukha "D-Dad help me..."

Flashback

"Happy Birthday Elaine!" I was so happy receiving all my gifts habang hinahalikan nila ako sa pisngi, It was my 7th birthday at walang ikokompara ang sayang nararamdaman ko ngayon.

"Happy birthday..." bati sa akin ni Sky na ikinapula ng mukha ko, hinalikan ko siya sa pisngi at bahagya niya akong tinulak saka umalis sa harap ko, okay lang, sanay na ako sa kanya!

Nasa isang yacht kami na binili ni Daddy para sa birthday ko. We are sailing around Philippines ng biglang lumakas ang buhos ng ulan. Narinig kong kinakausap ni Daddy ang Captain ng yacht, I was about to walk near my Dad ng may naramdaman akong humawak sa balikat ko.

"Elaine..." si Mommy Elise pala "Come with me princess..." she said saka hinawakan ang kamay ko "I want to show you something..."

"Huh? What is it Mommy?" tanong ko ng makita kong palabas na kami ng yacht "It's raining!" hila ko sa kamay ko pero mahigpit ang hawak niya.

You're My Sky (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!