Chapter 46

4K 81 0


Hebe

"Mama!" salubong sa akin ni Chloe saka ako hinalikan sa pisngi "Uhm? Umiyak ka ba mama?" tanong niya sa akin, pinisil ko ang pinsgi niya saka pilit na ngumiti

"Hindi anak bakit mo naman naisip yan?" tanong ko sa kanya "Saan pala ang Tito Tatay mo?"

"Nasa terrace po..." magalang niyang sagot sa akin saka bumalik sa nilalaro niyang manika, ngumiti ako kay Chloe saka naglakad patungong terrace, napahinto ako ng marinig kong may kausap si Kiro. Sumilip ako sa pinto para makita kung sino iyon pero kumunot ang noo ko ng malaman kong may kausap siya sa telepono, mukhang seryoso.

"Kinakausap ko na siya..." rinig kong sabi ni Kiro "Kaya nga ginagawa ko na ang lahat eh... Oo...pwede ba ikaw naman ang bumalik para manggulo!" kumunot lalo ang noo ko, manggulo? Sino ba kausap niya "Oo, isasama ko sila sa Australia... Kasama ang anak namin...Hindi...Wag kang makialam, akala mo ba nakalimutan ko na yung ginawa mo ng nakaraan?"

"Kiro!" tawag ko sa kanya at nakita ko ang pagkabigla niya. Agad niyang binaba ang cellphone niya at namamawis na natingin sa akin "Sino kausap mo?" tanong ko sa kanya saka sa cellphone niyang hawak. Agad niyang binulsa iyon at sinagot ako.

"A-Ah wala...." sagot niya sa akin "A-Ano kasi sabi nung k-katrabaho ko m-mapilit na si boss at g-ginugulo na kami... K-Kailangan na kasing umpisahan ang trabaho..." sagot niya sa akin na nauutal

"Ano yung sabi mong isasama mo kami ng Australia?" tanong ko sa kanya, hindi ko mahuli ang tingin na at parang may tinatago, ano ba ang nangyari?

"A-Ah di ba sabi ko noon nakahanap na ako ng magandang trabaho... Doon yun sa Australia...B-Balak ko kayong isama ni Chloe..." sagot niya sa akin

"Kami? Pwede ba yun?" tanong ko sa kanya, bakit parang iba si Kiro ngayon?

"Oo, m-maganda nga kasi yung napasukan ko...malaki pa ang sweldo, isa sa mga benefits ang isa ang pamilya sa abroad... K-Kaya Hebe sana... s-sana pumayag ka..." pakiusap niya sa akin, bigla akong natahimik at naupo sa sofa

"S-Sige..." sagot ko, nakita ko ang pagkabigla niya sa sagot ko, kahit ako nabigla din.

"Talaga?" tanong niya na nagliwanag ang mukha "Sasama ka sa akin Hebe?" ngumiti siya sa akin, tumango ako.

"After nung inassign sa aking trabaho, I'll apply for resignation at sasama na kami ni Chloe sa iyo..." sagot ko "I guess yun ang makakabuti sa lahat..." naupo siya sa sofa na nasa harap ko

"Kumain ka na ba?" tanong niya sa akin, umiling ako

"Wala akong ganang kumain, isa pa pagod na pagod ako..." sagot ko sa kanya at bigla kong naalala yung nangyari kanina... paulit-ulit yun sa utak ko na parang isang bad memory na ayaw matanggal... "Kiro..." tawag ko sa kanya "May balita ka na ba kay Daddy?" tanong ko sa kanya, isa pang dahilan kung bakit ang bigat ng pakiramdam ko ngayon."Kung aalis tayo...G-Gusto ko sanang makita kung saan siya nilipat bago mangyari iyon..." sabi ko sa kanya

"H-Hebe, inilipat na siya ng stepmother mo sa isang private mausoleum, nabalitaan ko na ang mga kakilala lang nila ang pwedeng makapasok doon at napapaligiran din ng CCTV ang lugar..." sagot sa akin ni Kiro, lalong bumigat ang pakiramdam ko matapos marinig iyon "H-Hebe sa tingin ko... S-sa tingin ko talagang kailangan na nating umalis...H-Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko sa babaeng iyon..."

Huminga ako ng malalim "Sobra na siya, matapos niyang angkinin lahat ng kayamanan namin ito pa ang gagawin niya?" naghihimutok na sabi ko. Malinaw pa sa akin ang mga sinabi ni Daddy ng gabing iyon... ng gabi bago kami mahulog ng bangin... ng gabi bago mawala si Daddy sa akin at mabago ang buhay ko...

You're My Sky (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!