**

"Problema mo?" tanong ko sa nakabusangot na si Yanna pagkasakay sa kotse ko.

"I still hate you"

Tinaasan ko siya ng kilay. Kingina. Oa na.

"Tss. Move on"

"How can i move on, kung wala naman akong imomove on?"

"Ang gulo mo. Bahala ka sa buhay mo"

Tumahimik na lang ako at nagdrive. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit at paano nagkagusto si Yanna kay Raven. Ni hindi ko nga alam na magkakilala sila e. Tss.

Nakarating kami sa classroom ng wala sa tatlong asungot ang humarang sa daan ko. Thank you Lord!

"Excited na ko sa acquaintance party"

Narinig kong sabi ng isang classmate ko pagkapasok namin ng classroom.

"Yeah right. I want to see the hot nerd guy in suit"

Siniko ako ni Yanna.

"Oh?" naiinis na tanong ko. Ayoko kasi ng sinisiko ako, sino bang may gusto ng ganon? Psh.

"Aattend ka sa Acquaintance Party?" tanong niya.

"Asa ka pa"

"Sabi ko nga. Psh."

Marami pa siyang sinabi pero hindi ko na siya pinansin.

Natapos ang lahat ng klase nang walang ibang inatupag ang mga tao sa paligid kundi ang pag-usapan ang acquaintance party. Yung totoo, wala naman magandang nangyayari sa party kainan lang at manonood ng kantahan o sayawan at makikinig sa speech ng dean. Nabubusog naman ako sa bahay, bat pa ko aattend? Kalokohan. Tss.

Hindi pa ko nakakalabas ng classroom, biglang tumahimik ang mga tao sa paligid. Hindi na ko nagtataka dahil isa lang ang ibig sabihin nun, 'may gwapong dumating' ang palaging sinasabi nila. At sa kamalasan ko, ang gwapong sinasabi nila ay ang lalaking walang balls. Paano naging gwapo ang lalaking walang balls? Bakit ba type na type ng mga babae yung mga lalaking malamya kumilos at nagpapaasa ng mga babae? Hindi ko maintindihan at wala akong balak intindihin.

"Hi" sabi ni LWB nang nakangisi pagkalabas ko ng classroom.

Siniko ako ni Yanna kaya sinamaan ko siya ng tingin. Sinabi na kasing ayoko ng sinisiko ako e. Peste.

Nilagpasan ko lang si LWB pero sumunod siya samin.

"I thougth we're close already?" tanong niya dahilan para napatingin sakin si Yanna ng nagtataka.

"Akala mo lang yun" sabi ko at tuloy tuloy lang sa paglakad.

"May hindi ka ba kinukwento sakin?" tanong ni Yanna at siniko na naman ako.

"Isa pang siko mo, hindi ka na makakasakay sa kotse ko" banta ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Coffee?" tanong naman ni LWB na sunod pa rin ng sunod.

"Sure!" si Yanna ang sumagot at siniko na naman ako.

Kingina.

Binilisan ko ang paglalakad para iwan sila pero hinawakan ni Yanna ang braso ko at hindi ako pinakawalan.

"Bitaw"

"No Pam. May kasalanan ka sakin, inagaw mo ang lovelife ko kaya sasama ka samin!" mariing bulong niya sa tenga ko.

"Hindi ko na kasalanan yon" sabi ko.

"Wether you like it or not, you will like it, trust me" ngisi niya saka ako hinila papalapit kay LWB.

Good To YouOnde histórias criam vida. Descubra agora