Chapter 50 (September 23, 2011)

910K 8.3K 657
                                    

DATE POSTED: September 23, 2011


Chapter 50

"HOYY! Kumain ka gurl!! Pag ikaw namayat pagdating ng asawa mo lagot ako dun! Pinagbilin ka pa naman niya sa akin." Halos subuan na ni Jhone si Phoebe ng lunch.

"Di pa kasi siya tumatawag. Ano nang gagawin ko. Di ako mapakali eh! Yun na lang lagi kong naiisip. Magkasama pa sila ni Elisang bruhilda doon. Paano pag naakit siya nun? Paano kapag nadala siya ng mga scenes nila??"

"Praning much ka teh? Anu ba?! Magtiwala ka nga. Hindi ba? Absence makes the heart grow fonder?" ibigigay sa kanya ang isang sandwich "Oh eto kahit sandwich na lang. Ano ka ba! Wag mong sabihing hindi ka kakain ng dalawang linggo?"

Nagkamot ng nagkamot ng ulo si Phoebe.

"Ano nang gagawin ko para maglibang?"

"Tsk! Mag-aral ka mabuti! Para ituturo mo kay Kent ang mga na-missed niyang lessons. Tska ano... mag-auditon ka kaya doon sa play... para may magawa ka."

"Huh? Play ka dyan di nga ako marunong umarte eh!"

"Anong di marunong??? The best ka nga doon sa paghaharap niyo ni Elisa sa coffee shop! Enjoy na enjoy nga kami ni Philip eh. Galing ng dialogue mo!! Tska ng mga facial expressions mo gurl! Bongga! Parang hindi ka kinakabahan at parang wala kang tinatagong recorder sa bulsa."

"Dala lang nang pangangailangan yun Jhone. Ayaw ko talaga... Pinipilit na nga ako ni Harley eh."

"Kahit na... Wow pinipilit ka ni Harley? Baka nagalingan din sa pag-arte mo haha. Ano na na nga palang nangyari doon? Ibubunyag niyo na ba si bruha sa taong-bayan? Kelan ba ha? Kelan? Para makapagprepare naman ako sa pagsstanding-ovation ko sa pagbagsak ng career niya.

Napatingin si Phoebe sa gawi ni Harley. Nakaupo ito kasama ang ilang kaklase sa kabilang table. Kumaway ito sa kanya at gumati din siya ng pagkaway.

"Gusto ko nga ipalabas na eh. Kaso inaalala ni Harley si Kent." Sabi niy akay Jhone.

"Si Kent? Pano naman napasok at inalala ni Harley si Kent? Napakabait talaga ng gwapong nilalang na yan nuh?"

"Kasi nga yung movie daw diba? Sigurado issue pag lumabas yung ginawa natin kay Elisa. Baka maapektuhan pati movie daw ni Kent."

"Sus! Okay lang yun! May manonood pa din nun! Ayaw niyo ba yun? Pagbalik ni Elisa mula sa Paris sira na ang image niya? Wala na siyang ibubuga kay Kent o sa kahit kanino pang lalaking gusto niyang i-flirt!"

"Eh paano nga yung movie ni Kent?"

"Marami kayang fangirls si Kent! Manunuod pa rin yung mga yun kahit may scandal pa yang si Elisa na yan! Kaya ilabas niyo na..."

Nag-isip si Phoebe.

***

Nababadtrip si Kent. Pagdating pa lang kasi nila sa destinasyon ay umiiral na naman ang ugali nito. Nagre-rehearse na kasi sila agad dahil mamayang gabi ay sisimulan na ang take

"Hwag na muna tayong mag-rehearse Kent... Let's enjoy the view! Ang ganda ng Paris my God!" nasa balcony kasi sila ng hotel na pinag-check-in-an.

"Elisa magrehearse na tayo. Mamaya tatawag pa ako kay Phoebe." Medyo naiba kasi ang mga scripts dahil naiba rin ang location ng shooting. Kailangan pa talaga nilang magrehearse para dito.

"Ano ba yan Kent.. We're at work. Hayaan mo muna yang asawa mo!"

"Shh! Mapractice na tayo ng lines please." Tumingin siya sa mga crew. Busy itong nagkakape sa loob.

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon