Caela.

"I'm so happy that I had a chance to know you." Nakangiting sabi ng reyna sa akin.

Kasalukuyan kaming naglalakad pababa sa magara nilang hagdan. Napapangiti na lang ako sa ka-sweetan ng reyna. Somehow, I felt again the feeling of having a mother.

"Ako rin po, masaya po akong nakilala ko kayo. Napakabait ninyo po talaga at napakaganda pa." Humahangang ani ko. She slightly pinched my nose and then giggled afterwards.

"You are such an honest pretty lady! Of course, I know that sweetie." Natatawang sabi niya at napatawa na lang din ako.

Sobrang gaan sa pakiramdam. 

Napatigil lang ako nang maramdaman ko na naman ang paghapdi ng kanang balikat malapit sa kinaroroonan ng birthmark ko. Hindi ko alam kung bakit sumasakit na naman siya. Nag-umpisa ito noong students leveling pero hindi naman masyadong masakit noon. Ngayon ay parang pahapdi ito ng pahapdi.

"Are you okay, sweetie? Masakit ba ang pagkakakurot ko sa ilong mo? Sorry! Hindi ko naman alam na masasaktan ka." Tita Jazmine said while gently touching my face.

Nandito na kami sa baba ng hagdan. Napansin niya siguro ang pagngiwi ko kaya tumigil muna kami. She seems so worried about me. Hindi ko alam kung bakit, pero parang gusto kong maiyak. May kung ano sa puso ko na sobrang saya sa ipinapakitang pag-aalala sa mukha ng babaeng nasa harapan ko ngayon.

"Ah... n-no! Hindi po iyon. 'Yung mga dragon ko po kasi sa tiyan, nararamdaman kong unti-unti na nilang kinakagat ang mga lamang loob ko. A...ang tagal ko daw po kasi silang pakainin. Hehe."

Ayoko namang mag-alala pa siya kaya hindi ko na lamang sinabi ang totoo. Dahil sino ba naman ako para alalahanin pa ng isang reyna na katulad niya?

"You're so funny, kiddo. Akala ko kung ano nang nangyayari sa'yo. Halika na nga, papakainin na natin 'yang mga alaga mo." Natatawang sabi niya habang akay-akay na naman ako.

She's so clingy like my adoptive mother. Ayoko ng pansinin 'yung pananakit ng balikat ko, mawawala din siguro ito mamaya.

"Alam kong hindi po ako biniyayaan ng katangkaran, pero hindi na po ako bata." Sagot ko na mas lalong ikinalakas ng tawa niya. Nakakahawa 'yung tawa niya.

"Anong pinag-uusapan ninyo, mahal? Mukhang close na agad kayo." Nakangiting bungad ng hari. Hindi ko napansin ang paglapit niya sa amin. Nagbigay-galang ako sa kaniya.

"Oo, mahal. Ang sarap kasi kausap nitong si Caela." Nakangiting tugon nito sa asawa. Lumundag naman ang puso ko sa saya sa tinuran ng reyna.

"She looks really nice. Anyway, let's go to the dinning table, the food is ready." Magiliw na sabi ng hari.

Ngumiti naman ako sa kaniya at bahagyang tumango. Nakakaramdam ako ng hiya dahil kahit saang anggulo tingnan ay wala akong karapatang makisabay sa kanila sa pagkain dahil isa lang akong estudyante sa eskwelahang ito. Bigla tuloy nawala ang gutom na nararamdaman ko.

"Come on, sweetie. Di ba sabi mo nagwawala na ang mga alaga mo? At hindi ako papayag na hindi ka sasabay sa amin. Magtatampo talaga ako." Nakalabing saad ng reyna at bumitaw pa sa pagkakahawak sa braso ko.

Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapatawa sa ekspresyon niya. She is so cute and childish. 

Nakarinig din ako ng malakas na tawa sa tabi ko at nang tumingin ako ay si King Arnold pala. Nagkatinginan kami at muling tumawa ng malakas. Hindi ko aakalaing ganoon ka-childish si Tita Jazmine.

"Oh gosh! Ang cute ninyong dalawa mahal, sweetie! Parehong nawawala ang mga mata ninyo kapag tumatawa ng malakas. At pareho pa kayong may dimples, naiinggit tuloy ako!" Kunwaring nagtatampo na namang sabi ng reyna.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!