Chapter 47: It's you

570K 17.5K 5.3K
                                    

Angel's point of view

"I'll stay here for a week for dad's birthday." Sambit niya pero hindi agad ako nakapagsalita. Kanina pa ako hindi mapakali. Gumugulo pa din sa isip ko 'yong mga sinabi ni Skie kanina pati 'yong nabasa kong letter. "Is everything alright?" Hinawakan ni Kiro 'yong kamay ko. "Trix, are you okay?"

Inayos ko ang sarili ko. "I'm just tired, Kiro. Can we talk tomorrow?" I hate lying to him but I need to be alone even just for now.

"Okay, I'll go back here tomorrow. Just go get some rest." Tumayo siya at lumapit sakin sakin. Niyakap niya ako at hinalikan sa noo. "Good night Trix."

"Night, Kiro."

Hinatid ko siya sa labas ng gate namin pagkatapos umakyat ako sa kwarto ko. Humiga ako sa kama ko pagkatapos nag-isip ako.

Si Kiro nga kaya talaga 'yong nag sulat non? Medyo pamilyar nga talaga sakin 'yong hand writing na 'yon, hindi ko lang ma confirm kung kay Kiro nga talaga 'yon. Kung iisipin mo naman kasi, bakit niya isusulat 'yong mga 'yon? Ibig sabihin lang non, may gusto siya sakin-- hindi, mahal niya ako. Sa tagal ng panahon, wala naman akong ibang naramdaman kay Kiro o baka sadyang manhid lang ako? Pati ako nalilito na din. Ayoko lang talagang ipakita 'yon kay Skie kanina dahil baka mamaya pinapaikot na naman niya ako.

Bigla na lang pumasok sa isip ko si Ailee. Tinawagan ko siya pagkatapos nagkita kami sa coffee shop malapit sa village namin. Hindi ko nga akalain na papayag siyang makipagkita sakin dahil gabi na din at maaga pa kaming papasok bukas.

"Anong problema Trix?" Bungad niya sakin. Mukhang alalang-alala pa siya. "May nangyari ba?" Hinila ko muna siya sa katabi kong upuan.

"Ailee, okay lang ako. Hindi 'to tungkol sakin. Tungkol 'to kay Kiro at kay Anya." Natigilan siya sandali sa sinabi ko. "Nakita mo na ba si Kiro dati na kausap si Anya?" Nilagay niya 'yong isang kamay niya sa baba niya na parang nag-iisip siya. Habang tumatagal, kinakabahan ako sa isasagot niya.

"Oo, mga tatlong beses na siguro pero akala ko naman wala lang 'yon lalo na best friend mo naman si Kiro kaya hindi ako nag-isip ng masama sakanya."

Mas lumalakas 'yong kutob ko na totoo nga 'yong sinasabi ni Skie. "May kailangan akong ipaki-usap sayo," hinawakan ko ang kamay ni Ailee. "Pwede bang alamin mo kung anong pinag-uusapan ni Anya at ni Kiro? Ikaw lang 'yong naisip kong makakatulong sakin dahil ikaw lang naman 'yong kilala kong nalapit kay Anya."

"Anong meron sa kanilang dalawa?"

"Hindi ko pa din talaga masabi pero alam kong may mali lalo nang nakita ko si Anya at Kiro na nag-uusap. Sabi ni Kiro, kumukuha lang siya ng mga bagay na magagamit namin laban kay Anya."

"Hindi ka naniniwala sakanya?"

Umiling ako. I hate to admit this but, "No, I don't." I sighed." He's my best friends for almost half of my life and it's hard not believe him but I can feel that there's something wrong about it."

"Don't worry, aalamin ko lahat yan. Titingin ako sa kwarto mamaya ni Anya at titignan ko kung may mahahanap ako don. Mabuti pa matulog ka na dahil maaga pa 'yong pasok mo bukas."

Hindi ako nagkamali, talagang maasahan ko si Ailee. Kahit na kapatid niya si Anya alam ko na sakin pa din siya kakampi. Isa pa, wala naman magandang naidulot sakanya 'yong bitch niyang kapatid. Nakakaawa nga si Ailee, hindi niya deserve si Anya bilang kapatid.

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon