Soundtrack: So Contagious by Acceptance

Chapter 38: Through the Most Legal Means

I can’t breathe. I can’t move. I can’t even think of ways to escape from this fatal situation. Hindi ko alam kung nasaan ako o kung paano ako nakarating dito. Naramdaman ko ang paninikip sa bandang tiyan ko kung kaya’t napilitan akong tingnan iyon. Maling desisyon. Gusto kong mawalan na lang ng malay sa senaryong nakita ko. Isang malaking aha sang nakapulupot sa akin mula paa hanggang dibdib. Nagpumiglas ako at tinangka kong makawala. But I couldn’t. Nahihirapan na akong huminga. Namamanhid na rin ang katawan ko. Just when I thought I would pass out, I saw his face. Why is he here? What is he doing here? Van Freniere is running towards me. I don’t know why but I felt relieved that he is coming for me. Subalit ilang hakbang na lang ang pagitan naming ay nakita ko ang paglitaw ng isang anino na may hawak na baril. Nanlaki ang mga mata ko nang i-angat ng anino ang hawak nab aril at itutok kay Van. “No. No.” I murmured. I started shouting nonsense subalit walang lumalabas na boses mula sa akin. Gusto ko siyang balaan. Worse, gusto kong tumakbo papalapit sa kaniya at iligtas siya. But this snake is really making me do nothing. “No. Please.” Isang malakas na putok ang narinig ko and then Van stopped. He just looked at me and everything went blank.

“Summer! You don’t wanna be late, do you?” Narinig kong wika ni Jamie kasabay ng pagyugyog sa balikat ko. Parehong nakatunghay sa akin silang dalawa ni Mirden na pawang bihis na at handang pumasok. Agad akong bumangon at tumakbo sa banyo.

“Susunod ako!” Sigaw ko kasabay ng paglagaslas ng tubig mula sa shower. I was having that dream again. Siguro dahil napag-usapan namin ni Trinity ang taong iyon kahapon kung kaya’t kahit sa pagtulog ay nadala ko ang isiping iyon. But it still felt so freaking real, just like those other dreams. Pinilit kong burahin iyon sa isipan ko. Seeing that person in my dream made me want to go to him and check if he was alright. Hell! What the heck am I thinking?!

Nagmamadali kong tinapos ang paliligo at isinuot ang nakahanda nang jeans, gray tank top at black sweater sa aking kama. Simula nang bumalik ako sa Montello High ay kinailangan ko nang manghiram ng mga damit ni Jamie. I got nothing to say against her fashion sense because it was good. I just hated the thought that I could never get out. Not that they would allow me. Mabuti na lang at pinahiram sa akin ni Mirden ang extra sneakers niya. D*mn! I’m so miserable! I didn’t have anything with me but that gown, heels and Autumn’s car. As if I could sell her car here.

I hurried my way out of the dormitory. Mangilan-ngilan na lang ang mga estudyante sa paligid kaya malamang ay nasa kanya-kanyang mga klase na ang mga ito. Tinakbo ko ang maluwag na lawn patungo sa main building ng Montello High kung saan naghihintay ang una kong klase. O maaari ring hindi na nila ako nahintay. Tinakbo ko ang hagdanan upang makarating sa ika-apat na palapag. Tahimik akong napahinto at agad na nag-kick-in ang reflexes ko upang magtago nang makita ko ang dalawang taong tahimik na nag-uusap sa hallway. Wala nang estudyante sa labas kaya’t nagagawa nilang pag-usapan ng malaya kung anumang pinag-uusapan nila.

It was that person from the cafeteria and he was talking to one of the students. The student looked familiar pero hindi ko alam kung ano’ng pangalan niya. Pormal na pormal ang mukha ng tinatawag nilang bisita samantalang halata naman ang desperasyon sa mukha ng estudyante. He looked nerdy and… Ah! I remembered him. One of the members of the student council. Ano namang problema ngayon ng alipores ni Trinity? Why the hell was he talking to that creepy milkshake man?

Montello High: School of Gangsters (Published under Cloak Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!