Kabanata 27

530K 16K 5.3K

Kabanata 27

Martyr

Matagal kaming nanatiling ganoon doon. I was even bothered. Papalubog na kasi ang araw at magdidilim na.

Hinihintay ko siyang magsalita o sumang-ayon sa sinabi ko ngunit hindi niya ginawa. I figured he only wants to stay like this than comment on what I just said.

"Fourth, are you willing to meet your mom?" I asked.

Hindi siya kumibo. Nanatili siyang ganoon.

"I told her to wait tonight. Sa Alegre grill. That's where I first met her..." sabi ko.

Para akong walang kausap. Kahit singhap ay wala siyang sinusukli. Ngumuso ako habang dinadama ang pag angat-baba ng kanyang dibdib sa aking likod.

"Fourth... You should learn to forgive, you know. Mahal tayo ng mga magulang natin. Regardless of what they did... Tao lang din sila kahit paano. They can commit mistakes. In your case, that was her mistake..." sabi ko sa isang malamig na tono.

"If one day we marry... and then years after you see your first love again, Frey... would you leave me for him?"

Nagulat ako sa tanong niya. Nilingon ko siya. Walang pagbabago sa kanyang ekspresyon.

"Well, hindi ako magpapakasal kung 'di ko mahal..."

And besides, my first love is you, Leon. You're my first love. And only love.

"Ikaw?" ako naman ngayon. "Kung magkakahiwalay tayo ngayon at makahanap ka ng bagong mamahalin at papakasalan... pagkatapos ay nagkita tayong muli ilang taon ang lumipas, would you leave her for me?"

"I won't leave you now. So I won't find someone else... I probably never will..." bulong niya.

Napapikit ako ng marahan. Ang tamis pakinggan. Ang sarap isiping ganoon nga. But in truth, people always leave. We always change. Our minds change. Our hearts change. We only need time.

Dahil kung hindi nagbabago ang puso, para saan ang ikalawang pag-ibig? Bakit may nagpapakasal pagkatapos ng ilang palpak na relasyon? What are second chances for if our hearts won't change?

"That's for you, Fourth. Your mom made mistakes. Kung 'di mo siya papatawarin ngayon, kailan?"

Hinarap ko siya. Nagkatinginan kaming dalawa. Halos 'di ko na siya makita dahil sa dilim. Umilaw ang pulang ilaw sa taas ng tore malapit sa Tereles.

Ang gilid ng kanyang mga mata ay may kaonting luha. Pinalis ko gamit ang aking hinlalaki. I adore how much anger and betrayal he feels for his mom. Dahil dahil doon nalaman ko kung gaano niya ito kamahal. He will never feel this betrayed and this angry if he doesn't love her so much.

"Sasama ka ba?" he said simply.

Ngumiti ako at tumango. Gladly, Leon.

Bumaba kami ng burol. Tahimik ako sa pagbaba namin. Ganoon din siya. Hinayaan ko siyang ganoon. I want him to process everything. I want him to realize what he'll finally do now.

Hindi ko alam ilang taon siya noong iniwan siya ng Mommy niya. Ang tanging alam ko ay lubos siyang naapektuhan dito. I even think he's a playboy and a badboy way back because of what happened. Kaya siya short-tempered at mapaglaro dahil sa nangyari.

I wonder if his mom would tell him right now that she has cancer? And would she ask Leon to go with her abroad?

At kapag nalaman kaya ni Leon na may sakit ang kanyang Mommy, sasama ba siya agad?

I need to prepare. I think long distance relationship isn't a bad thing. People from all over the world experience it. Siguro ay mahirap pero hindi naman iyon nangyayari kung hindi kaya, 'di ba?

Ripped: Freya (Alegria Girls Series #2)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!