Chapter 4.1

//

No choice naman ako kundi tumalon.

Pagtalon ko ay siyang talsik ng salamin ko at nagulat ako dahil pareho kaming bumagsak sa damuhan. Nakapatong ako sa kanya habang magkadikit ang labi namin na ikinagulat ko kaya naman agad akong napatayo at tumalikod sa kaniya.

"Alisha." Tawag niya sakin. Hindi ako makalingon sa sobrang hiya.

"Alisha." tawag niya ulit sa akin sabay hawak pa sa balikat ko. Sa pagkakataong ito, dahan-dahan ko siyang nilingon. Hiyang-hiya ako sa nangyari.

He was my first kiss, if that's what you call it.

"Hala! 'Yung salamin mo!" he shouted, sabay takbo para pulutin ito atsaka isinauli sa akin, " Alisha. I'm sorry."

"Hi-hindi, ayos lang." sabi ko naman habang pinapagpagan ang uniform ko. Hindi mawawala ang disappointment dahil nabasag ang isa sa mga lens nito at bali ang frame, pero mapapalitan ko din naman 'yon ng bago kaya hindi ako dapat mainis.

"Papalitan ko na lang." prisinta niya.

"Ha? Wag na, nakakahiya naman sayo. Magpapagawa na lang ako ng bago."

"Nakakahiya? Wag ka mahiya sakin. Ako nga ang dapat mahiya kasi ako ang may kasalanan kung bakit nagkaganyan ang salamin mo."

"Naku, hindi na kailangan." sabay iling ko pa atsaka inilagay sa kanang bulsa ko ang salamin.

"Papalitan ko." Madiin na sabi niya. Halata sa tono ng boses niya ang inis na mukhang ayaw magpatalo.

Nagkibit-balikat na lamang ako atsaka sumagot, "Okay, sige." Ayoko ng makipagtalo pa dahil mas maganda nga naman kung papalitan niya para hindi na ako magastusan.

Nagsimula na kaming maglakad. Napakatahimik naming dalawa at ang nililikhang ingay na lamang ng mga sasakyan ang aming naririnig.

Bigla niyang binasag ang katahimikan na namumuo saming dalawa, "Ako nga pala si Christopher Chua. Chris for short." natawa ako bigla.

"Bakit ka tumatawa?" nagtatakang tanong niya sakin. "May nakakatawa ba?"

"Kanina pa kasi tayo magkasama at ngayon ka pa lang nagpakilala." sagot ko habang natatawa padin.

Christopher Chua.

Dahil singkit siya at maputi, siguradong may halong Chinese ang dugong dumadaloy sa kaniya. Maaari din namang full Chinese siya dahil sa apelyido niya, pero who knows? It's none of my business anyway.

Biglang niya akong inakbayan na dahilan para mapatingin ako sa kaniya. His weird. As in akbayan ako agad? Agad-agad talaga? We're not that close. Agad ko namang inalis ang pagkakaakbay niya sa balikat ko.

"Masama ba?" tanong niya habang nakatingin sa akin, "Friends na naman tayo diba?"

"Hi-hindi naman masama. Siguro?" sagot ko na may pag-aalinlangan.

"Edi pwede?" sabay akbay ulit niyan na agad ko namang inalis muli, "Gusto mo bang pabayaan na lang kita na pagewang gewang na lumakad diyan na parang lasing?" dugtong pa niya.

Ako? Parang lasing? Parang napakaimposible naman ng sinasabi niya pero napaisip ako. Parang tama nga siya, dahan-dahan kong nararamdaman ang pag-aalinlangan ko sa bawat yabag ng paa ko. Wala nga pala ang salamin ko kaya di ko masyado makita ang dinadaanan ko.

Tinignan ko siya at bigla naman niya akong nginitian sabay akbay na naman niya sa akin gamit ang matipuno niyang braso. Gusto ko pa itong tanggalin ulit ngunit dahan-dahan na namang bumibilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. Biglang pumasok sa isipan ko si Daniel, siya lang ang gumagawa sakin nito, wala ng iba.

Nasa isip ko na naman siya.

"Kaano-ano mo si Daniel?" he asked out of the blue, "lagi ko kasi kayo nakikitang magkasama."

Mahal ko siya, pero hindi niya alam. Hindi niya pwedeng malaman. Maraming bagay ang pwedeng mangyari.

"Si Da-Daniel?" utal-utal ko pang sabi, para akong bata sa pagsasalita ko sa sobrang kaba, "Bestfriend ko siya."

"Bestfriend?! talaga?" Parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. "Bakit hindi ka niya pinapakilalang bestfriend samin?"

Kahit ako, hindi ko alam ang rason niya. Lagi kaming magkasama sa school at walang isang araw na hindi kami nagkikita pero bakit nga ba? Bakit hindi niya masabi sa mga tao na bestfriend niya ako?

Baduy lang naman ako, pero tao pa din naman ako.

"Sa maniwala ka o sa hindi, magbestfriend talaga kami ni Daniel." Pagpupumilit ko.

"Akala ko personal maid ka niya." Sabay medyo tumawa pa siya.

"Maid?" gulat kong sinabi kulang na lang lumuwa yung dalawa kong mata sa sinabi niya. Seriously? Mukha ba kong maid?

"Kasi lagi ka niyang inuutusan tapos lagi kang nakasunod sa kanya," pagpapaliwanag niya, "and the fact na hindi niya sinasabi na bestfriend ka niya."

"Ewan, bahala na." sagot ko.

I realized Chris was right. Lagi niya akong inuutusan at lagi akong nakabuntot sa kaniya. Why? Because it the only thing that makes me happy. Gusto kong lagi siyang makita. Lagi siyang makasama.

"Baka naman joke lang 'yan? Baka nagpapantasya ka lang." sambit ni Chris habang tumatawa na naman.

"Hi-hindi," sabi ko, "di ako nagsisinungaling." Atsaka ko ikinwento kung paano kami nagkakilala at naging matalik na magkaibigan.

It was two years ago. Senior high. Freshmen years. Wala pa akong kilala at syempre, lahat kami bago. Bagong mga estudyante ng Philip University.

Orientation day kaya naman lahat kami nasa Auditorium ng school. Hindi ko alam kung bakit pero almost lahat ng tao, nakatingin sa akin. Siguro dahil sa itsura ko. Hindi dahil sa maganda ako kundi dahil ganito ako. Old fashioned kung manamit at nakasalamin pa.

Baduy. That's the best word to describe me.

Biglang may lalaking lumapit sakin, pareho kami. Others na others. Out of place. Di magaling pumorma at nakasalamin. He was also wearing braces. Kami yung sa unang tingin aakalain mong mga nerds pero sa totoo lang kahit talino, hindi ako nabiyayaan.

"Hi." sabi nung lalaki sabay inabot niya yung kamay niya. Makikipagshakehands siguro.

"He-hello." sagot ko sabay nakipagshake hands ako.

Gusto ko tumawa nung makita ko siya, ganyan pala ang itsura ko. Pero napagisip-isip ko na eto na ang chance ko para magkaroon ng kaibigan.

"Ako nga pala si Daniel Adams." pakilala niya.

"Ako naman si Alisha Garcia." pakilala ko naman sabay smile ko pa. Im trying to be nice as much as possible. Kailangan ko talaga ng kaibigan.

Sa unang tingin ko palang sa kaniya, alam ko na magkakasundo kami ni Daniel at tama nga ako, nagkasundo nga kami sa maraming bagay. Simula nang araw na 'yon, naging close na kami. Lagi kaming magkasabay kumain ng lunch, recess at kung anu-ano pa. Doon nagsimula ang pagkakaibigan namin.

Nang patapos na ang freshmen year, may isang pangyayari na hinding-hindi ko makakalimutan. Isang pangyayaring habang-buhay na tatatak sa isipan ko.

Nasa cafeteria ako ng mga panahon 'yon. Pabalik na ako noon sa table naming at dahil clumsy ako at laging lutang ang isipan, may nabangga ako na dahilan para matapon sa kaniya ang ice cream na hawak hawak ko.

"Ano ba?! Wala ka bang utak?! Hindi mo tinitignan dinadaanan mo!" sigaw nung nabangga ko. Pagtinggin ko sa kaniya agad tumibok ng mabilis ang puso ko, kinakabahan sa mga susunod na mangyayari. Si Cheska Chua ang nabangga ko. She's the queen bee. Ang pinakasikat at pinakamaarteng babae sa balat ng lupa, mali mali, sa school lang pala. Hindi ko alam ang gagawin ko pero sobrang takot na takot talaga ako.

Ang Sikat kong Bestfriend [Fin]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!