Hit 20~The Council

7.4K 66 5
                                    

Nasa dojo ng mga Matsumoto si Mia. Nakasuot siya ng pang-kyudo at may hawak na bow.

Sa pagkakataong ito ay determinado siyang magawa na ang bull's eye.

One. Two. Three!

Tumira siya, pero bigo pa rin.

Wala pa rin siyang pagbabago, pero hindi siya sumuko. Inulit niya ang pagtira. Nagpasya siya na huwag tumigil hangga't hindi nakaka-bull'e eye.

"Hoy! Ano bang ginagawa mo riyan?" Biglang sumingit si Yano at kinuha ang hawak niyang bow.

"Ano ba! Ibalik mo nga sa akin 'yan!" reklamo ni Mia sabay kuha sa bow.

Itinaas iyon ni Yano.

"Bakit mo ba ko pinipigilan?" inis na tanong ni Mia habang inaabot ang bow.

"Nakakalimutan mo yata, dinadala mo ang anak ko kaya kailangan mong alagaan ang sarili mo!" sabi ni Yano.

Dito lang napatigil si Mia. "Hindi ko naman 'yon nakakalimutan. Gusto ko lang talagang mag-practice."

"Gawin mo 'yon pagkatapos mong manganak!"

"Hindi ko na 'yon mahihintay! Gusto ko nang magpractice ngayon kaya 'wag mo na kong pigilan!" pamimilit ni Mia.

Biglang ipinuwesto ni Yano ang bow at tumira ito. Bull's sye.

Ang galing niya! Naisip agad ni Mia. "Ang daya!" nasabi niya. "Bakit ang galing mo? Ako parating nagpa-practice pero lagi akong bigo. Pero ikaw ang bilis bilis mong nagawa 'yon. Hindi ka man lang nahirapan," daing ni Mia na tila ba nagtatampo. Bakit nga ba may mga taong napaka-talented sa isang bagay?

"Ang ingay mo!" nakakunot ang noong sabi ni Yano. "Ang mabuti pa maghanda ka na dahil aattend tayo ng meeting"

"Meeting?"

Isang linggo na rin si Mia sa bahay ng mga Matsumoto. Sa mga panahong iyon ay marami na rin siyang adjustment na ginawa. Lahat kasi ng nasa paligid niya ay bago. Mula sa mga nakakasama, sa kuwartong tinutulugan. Pati na mga pagkain.

Ano naman kaya itong meeting na tinutukoy ni Yano?

"Every second week ng buwan nagkakaroon ng meeting ang lahat ng council members," paliwanag ni Yano.

"Oh, meeting naman pala iyon ng mga council members, bakit kailangan nating pumunta?" tanong ni Mia.

"Utos iyon ni ate Yuki," mabilis na sagot ni Yano.

"Utos ni ate Yuki? Bakit, part din ba siya ng council?"

"Oo," sagot ni Yano bago ito umalis. Muli itong lumingon at pinasunod na si Mia.

Council Meeting.

Nilibot ng tingin ni Mia ang buong conference room. Napakalawak nito. Halata na mamahalin ang mga muebles kabilang na ang inu-upuan nila. Medyo lumang style nga lang lahat.

Napansin niya rin na masyadong marami ang upuan.

Isa, dalawa, tatlo... kung bibilangin ay tatlumpu lahat.

"Gaano kaya karami ang mga council members?"

Nasagot ang tanong ni Mia nang isa-isa nang magdatingan ang mga miyembro ng council.

Labing-isa lahat ang miyembro ng council, panay lalaki.

Sa natatandaan ni Mia, nakita na niya ang mga ito noong kasal namin niya, pero nasa malayo sila.

Dumating ang mga ito kasama ang kanilang mga secretarya na lalaki rin naman. Dalawa lang ang babae.

First time ni Mia makadalo sa ganitong klase ng meeting kaya medyo iba ang nararamdaman niya. Hindi siya mapakali.

Kizuna: The Bond Between usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon