TAL. 11.1 -- Birthday PRESENT

Napamulat ako ng mga mata. Agh! Sakit ng ulo ko. Halos hindi pa sapat ang tulog ko ngayon dahil nagpakasubsob ako sa trabaho ko kagabi. Tinapos ko na ang lahat ng maari kong tapusin kahit hindi naman mga urgent. Gusto ko lang malibang at maiwasan isipin na mag-isa ako sa bahay na ito. Ilang araw na nga ba akong nag-iisa dito? Eight days na. At sa loob ng eight days na wala ang asawa ko, dalawang beses lang syang tumawag sa akin. Una ay noong kakarating lang nya sa US. Wala ngang emosyon 'yung pagkakasabi nya noon na nakarating sya doon ng matiwasay. Considerate din naman kahit konti 'no?

At pangalawang tawag nya ay noong tatlong araw na ang nakalilipas. May itinanong lang sya sa akin. Wala pa nga yatang isang minuto ang pag-uusap namin.

Pumikit na muli ako ng mariin habang kinakapa ko ang bakanteng espasyo sa tabi ko. Still empty as expected. Kinuha ko ang unan ni Daryl at  niyakap. Inamoy ko ang natitira pa ring amoy nya na hanggang ngayon ay naiiwan pa rin. Ito na lang ang tanging pinagta-tyagaan ko habang wala sya.

Umuwi ka na sana, Daryl. Miss na miss na kita. Hindi naman ako sanay ng ganito ka katagal na wala sa akin. malungkot kong naisip habang nakatitig sa kawalan.

Naputol ang pag-iisip ko ng gambalain ako ng pagtunog ng cellphone ko na nasa sidetable. Mabilis akong napabangon para abutin dahil baka si Daryl na ang tumatawag!

Pero ganun na lang ang dismaya ko ng makitang si Yuan ang caller. Nanlambot ako na napasandal sa head board. Walang gana kong sinagot ang tawag, "Yes?"

"Good morning, Cassy!" sobrang cheerful naman ni Yuan! Nakain nito?

"Problema mo?"

"Wow ha! Ang ganda ng bati ko, tapos isasagot mo kung anong problema ko? Kung sabihin kong ikaw ang problema ko? Labas dyan!"

Tumaas naman ang kilay ko. Napahiga na muli ako sa kama at walang planong patulan ang sinasabi ni Yuan. "Ang aga-aga pa! Alam mo ba na halos 3AM na ako natulog! So please, leave me at peace, Yuan. I am still sleepy!"

"Get up, pretty lady! I am here outside! Don't tell me hindi mo ako papasukin?" sabi na naman ni Yuan mula sa kabilang linya.

"Ugh!! I hate you! Antok na antok pa talaga ako!" inis kong sigaw.

"It won't take long, Cassy. C'mon, get up!"

Wala naman akong choice kung hindi ang bumangon na. Minsan kasi talaga pinaglihi sa kakulitan si Yuan. Hindi ako titigilan nito. "Okay, okay. I'm coming!" tinatamad kong sabi. "What?" para kasing may narinig ako na sinabi ni Yuan.

"Nothing. May napadaan lang at may tinanong." sagot ni Yuan na ipinag walang bahala ko na. If you say so. "Bilisan mo naman, Cassy!" angal na naman nito. Grabe lang. Hindi pa nga ako nakakalabas ng kwarto dahil hinahanap ko pa ang silk robe ko na kapartner ng night dress ko.

"I said I'm coming!" inis kong sabi at ini-end call na. Nakakainis. Sya pa nag mamadali sya na nga itong abala!

Mabibigat ang mga hakbang na lumabas na ako ng silid namin ni Daryl. Hindi na din ako nag abala man lang na sumulyap sa mirror to check if I look fine. I did not even bother gargle my mouth with moutwash 'coz it was just Yuan anyway.

I was yawning when I opened my door. "Happy Birthday!!!" nagulantang ako sa malakas sigawan nila.

There they are, standing in front of our door with cake, balloons, party hats, gifts, and foods. Jeez! Birthday ko nga pala ngayon! Pero bakit ganito sila? Parang children's party lang? Kailangan may party hat pa talaga?

Halos hindi ako makapagsalita ng isa-isa silang lumapit sa akin at halikan ako sa pisngi.

Yuan, Chanel, Gino, Lola Kristin, Gino's parents, and Kazu.

Taming a LionessBasahin ang storyang ito ng LIBRE!