Victoria.

We are all here at the Mystique palace. Queen Jazmine and King Arnold invited all of us here, nandito din ang mga council. Habang hinihintay na magising si Caela, Mr. Charlie Leondale the head council, open up the topic about what happened earlier.

"That girl... she's amazing! What is her name again?" Humahangang komento nito.

Base sa pagkakakilala ko sa kaniya, siya 'yung taong hindi marunong maka-appreciate sa kakayahan ng isang tao kahit na gaano ka pa kagaling, pero exemption doon ang Superiors. We received compliments from him, but that was once or twice? Hindi ko na matandaan. Kaya naman nakakagulat lang ngayon.

"It's so new, Mr. Leondale. I thought you would be forever an unappreciative person." Biro sa kaniya ni Sir Devione, our adviser.

"Yeah! But that girl really amazed me. What's her name? " Tugon muli nito.

Kahit naman ako, na ilang beses nang nakita kung paano lumaban si Caela ay na-aamaze pa rin hanggang ngayon. I always felt goosebumps whenever she is showing us her power. Pero, until now hindi ko pa rin matukoy kung ano ba talaga ang tunay na kapangyarihan niya.

I can't feel any strong aura from her pero siguro nakasealed ito. Pwede naman kasi iyon. Pero ang tanong, bakit kailangan niyang itago mula sa amin ang totoong kapangyarihan niya? Pero, I'm not mad at her naman kahit na itinatago pa niya sa amin ito. I know she have reasons, many reasons.

At ang isa pa sa naoobserbahan ko, once na ginalit mo siya bigla na lamang mag-iiba ang paligid. 'Yung tipong kikilabutan ka kasi parang may hindi magandang mangyayari sa oras na kalabanin mo siya. And whenever her eyes changing it's color, you will just want to close your eyes so you'll not see hers. Mas lalo akong humanga sa kaniya noong kahit na hari ng mga dark mages ay nakaramdam ng takot sa kaniya.

Wow! She's great! I reminded myself that I should not make her mad if I still want to live longer. That's a must.

"She's Caela Mariz Asuncion, Mr. Leondale." Sagot ni Head mistress Monica sa tanong niya.

"What kingdom did she comes from?" Biglang tanong naman ni King Arnold na kasalukuyang nakaupo sa pinakagitna at katabi ang reyna na tahimik lamang na nagmamasid.

Madalas na hindi sumasali sa mga ganitong usapan ang hari at reyna pero nakikinig sila sa mga usapan at magbibigay lamang ng komento kung kinakailangan. Mukhang nakuha din ni ganda ang interes ng hari.

Nagkatinginan muna kaming magkakaibigan at hinintay ang senyas ni Dashiell kung sasabihin ba namin ang totoo o hindi. Then, he suddenly nodded. Ibubuka pa lang sana namin ang aming bibig nang may isang tao nang sumagot noon para sa amin.

"She is from the mortal world, your Highness." Sagot ni Headmistress Monica.

Napalingon kaming lahat ng Superiors sa isinagot niya. Paano niya nalaman na galing si Caela doon? Though, sasabihin na rin naman namin sa hari at reyna ang totoo kasi wala naman kaming karapatang magsinungaling sa kanila, kahit na sabihing mga royalties din kami ay mas mataas pa rin ang katungkulan nila kaysa sa amin.

"How did you know that?" Seryosong tanong ni Dashiell.

"I just know." Nangingiting sagot nito.

"You investigated her?" Dashiell asked again.

Ang isa pang napapansin ko ay medyo nagiging madaldal na itong taong bato na 'to. Since Caela came, naging ganiyan na ang bakulaw na 'yan. Makikita mo na lang na biglang ngingisi sa isang tabi, ngisi ng taong inlove! Sana lahat may lovelife, no?

Naaalala ko tuloy 'yung mga time na siya ang palaging nakakasalo kay Caela kapag mawawalan ito ng malay. Akala mo palaging maaagawan dahil ang bilis niya talagang kumilos. Daig pa niya si Kent, e iyon ang may super speed na ability sa aming lahat. Kaya kung magdedeny man si Dashiell at sabihing wala siyang gusto kay ganda, hindi talaga kami maniniwala! Magpaliwanag siya sa mga Pegasus. Bahala siya. HAHAHA!

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!