Chapter 31: Power of the Representatives

Kisha's POV

"Dadating na ba sila?"

"Mamaya pa"

"Bakit?"

"Basta"

Sumandal na lang ako sa couch at itinuon ang atensyon ko sa TV kahit wala naman akong maintindihan sa palabas. Masyado kasi akong naeexcite sa pagdating ng mga representatives ng bawat clan ng mga bampira eh! Sino bang hindi maeexcite? Galing pa sila sa iba't-ibang bahagi ng mundo at isa pa, ang sabi ni Van, willing daw silang ipakita sakin ang mga kapangyarihan nila. Waaaaaaah! Isa 'yung karangalan, ‘ya know?

"Dadating na ba sila?"

"Mamaya pa"

"Bakit?"

"Basta"

Paulit-ulit na lang ang usapan namin ni Van. EH KASI! NAEEXCITE NA TALAGA AKO! Eto namang si Van busy sa paglalaro sa cellphone niya ng kung ano, pindot ng pindot, kapag nagegame over napapatalon sa upuan at napapamura. Adik.

Sumandal na lang ulit ako sa upuan at itinaas ang paa ko sa may center table. Ang tagal naman nila. Hindi ba mabibilis kumilos ang mga bampira eh bakit ang tagal naman nilang dumating? Gustong-gusto ko na talagang makita ang mga kapangyarihan nila...

"Dadating na ba----"

Hindi ko na natapos ang tanong ko dahil lumapat na ang labi ni Van sa labi ko. Nanlaki pa ang mata ko sa gulat at panay ang bilis ng tibok ng puso ko. Kelan na ba ako masasanay? Sa tuwing hinahalikan niya ako eh ganun pa rin ang epekto...

Napakapit na lang ako sa braso niya dahil pakiramdam ko nanghihina ako dahil sa mga halik niya...

Humiwalay siya ng kaunti pero nagkakadikit ang ilong naming dalawa. Nakatingin siya sa labi ko at nakatingin naman ako sa mata niya habang hinahabol naming dalawa ang aming hininga...

"Paulit-ulit na 'yang tanong mo. Hindi ka na ba talaga makapag-intay?" pabulong na sabi niya...

I pouted... "Eh ang tagal kaya nila! Gusto ko ng makita ang mga kapangyarihan nila"

"Don't do that"

"Don't do what?"

Pero sa pag-aantay ko ng sagot niya halik lang ang ibinigay niya. Kinagat niya ang ibabang labi ko at pinalalim pa ang halik...

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!! RATED SPG!!!!" napahiwalay kami sa isa't-isa ng marinig ang isang matinis na sigaw ng batang...babae?

Napatayo kaming pareho at literal na nanlaki ang mata ko at lumaglag ang panga ko ng nakahelera sa harapan namin ang labing tatlong magagandang nilalang na nakita ko sa buong buhay ko. Are they even real? Para silang mga character sa isang Shoujo Manga na nabigyan ng buhay. Well, ano nga ba ang ieexpect ko? Sila na ba ang mga representatives? Bakit may dalawang bata? Isang batang lalake at isang batang babae. May isa namang babae na siguro ay nasa edad lang namin ni Van at the rest ay puro lalake na na talagang may kagwapuhang ipagmamalaki...

"Kaya pala hindi ka nasagot sa telepono may kababalaghan kayong ginagawa eh" nakangising sabi nung lalakeng pula ang buhok. Ang astig naman ng buhok niya.

Binatukan naman siya nung babaeng maikli ang buhok na medyo nagbublue at naggi-green ang buhok. Ang ganda niya... "Umayos ka. Mahiya ka nga, bisita ka lang"

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!