Chapter 45

3.4K 94 6


Hebe

Maglapit ng mag alas-numwebe ng gabi ng matapos ko ang trabaho ko, as usual over time nanaman. Wala akong magagawa lalong dumadami ang mga trabahong binibigay sa akin lalo pa't itong dalawang linggo na lang birthday na ni Haley.

Kinuha ko ang bag ko at ilang folders na iuuwi ko para doon na ipagpatuloy sa bahay. Ilang papeles lang yun na kailangan sa presentation bukas. Pababa na ako at palabas na ng lobby ng biglang tumunog ang cellphone ko. Biglang nag-init ang mukha ko ng makita ko kung sino ang tumatawag.

Sky Calling...

Lumunok ako at ilang beses huminga ng malalim bago sinagot iyo "S-Sir.." ilang araw ko na siyang di nakikita, matapos ng nangyaring iyon bihira ko na siyang nakakasalubong. Minsan nga hindi ko na nakikita kahit ang anino niya. Mahirap at masakit pero ito ang dapat. Siguro nga hindi kami talaga ni Sky ang para sa isa't-isa, siguro nga tama sila na sapat na ang halos dalawangpung taong paghahabol sa kanya.

Siguro nga oras na para sumuko at sarili ko na lang ang isipin ko.

"Where are you?" malamig nyang tanong sa akin

"S-Sir nasa lobby na po, pauwi na..." sagot ko sa kanya, matapos ang ilang araw na walang pansinan, ito ang unang pagkakataon na nakausap ko siya, sa telepono pa. Malalim ang boses niya, I tried to calm my breathes, paano mo siya kakalimutan Elaine kung sa simpleng tawag niya nanghihina kana?

"Kindly go back to the office. I need the blueprints placed on the top of the shelf..."

"P-Po?"

"Bingi ka ba talaga o gusto mo lang talagang marinig ang boses ko ng mas matagal?" natigilan ako sa tanong niya. I cleared my throat saka sumagot

"Kukunin ko na po..." sagot ko saka kanya saka nag mamake-face na bumalik ng elevator. Dinuro-duro ko ang cellphone ko at gustung-gusto kong durugin iyon dahil sa lalaking nasa kabilang linya. He instructed me not to put the phone down, I did what he said. Nakakainis talaga siya! Wala man lang ba talaga siyang affection sa akin kahit kunti? Bakit hindi man lang manlambot ang puso niya? Bakit hindi man lang siya humingi ng sorry sa akin matapos niya akong husgahan nung nakaraan.

"S-Sir nakuha ko na po..." matapos kong ilabas sa blueprint tube yung sinasabi niyang plano.

"Ipunta mo dito sa condo ko..." utos niya ulit

"P-Po?" tanong ko ulit

"Paglabas mo ng building, kumaliwa ka, sa ikaapat na block may building na pagmamay-ari namin, tell the receptionist na pinatawag kita and go straight directly to the penthouse..." saka ako luminga-linga sa paligid. Condo niya? Kailan pa siya nagsarili? Kailan pa siya pinayagan ng Mommy na niya umalis sa bahay nila?

Huminto ako sa tapat ng isang condominium building saka tumingala, sa tantya ko nasa 30 plus ang floors nun at halatang mayayaman lang ang pwedeng tumira, pansin kasi iyon sa mga suot ng taong lumalabas at pumapasok doon.

"Welcome to Richville Condominium, how can I help you Mam?" tanong sa akin ng receptionist

"Mr. Del Rosario asked me to bring these plans in his unit..."

"Okay Mam..." saka siya may tinawag na lalaki at sinamahan ako papunta sa elevator. Parang isang hotel ang services nila dito, no wonder mayayaman lang talaga ang makaka-afford. Pinindot ng usherette ang button na diretso sa penthouse ng building. Ngumiti siya sa akin at nginitian ko siya pabalik, agad na rin kaming nakarating sa penthouse matapos iyon.

Halos mapanganga ako ng bumukas ang pinto ng elevator sakto sa sala ng penthouse, yumuko ng bahagya ang lalaki saka umalis na rin. Naiwan akong namamangha. Sobrang lawak ng sala na kahit tatlo o limang pamilya kasya doon. Napatingin ako sa mga gamit na nandoon. Hinaplos ko ang sofa, doon ko nalaman na original na leather iyon, halata kasi sa amoy at texure nito. Pacircular ang pagkakaayos sa sofa, parang sadyang denisenyo para maliit na stage sa gitna nun kung saan makikita ang isang grand piano.

You're My Sky (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!