Chapter 44

3.5K 88 0


Hebe

Isang linggo na ang lumipas at pilit akong umaarte ng normal. Sa loob ng isang linggong iyon ilang beses ko siyang nakikita, ilang beses ko siyang nakakasalubong, ilang beses ko siyang tinatanong kung ano pa ang ipag-uutos niya at sa ilang beses na iyon ni minsan...ni minsan hindi niya ako tinignan na tulad ng pagtingin niya sa akin noon.

Lalong nadudurog ang puso ko sa tuwing dadaan siya sa harap ko na parang walang nakikita. Gusto ko siyang kausapin, gusto kong linawin ang namamagitan sa amin ngayon. Gusto kong itanong, ano na nga ba ang meron sa amin ngayon? Ano na nga ba ang balak namin sa relasyon na dapat sana ay masaya at walang problema?

"Hebe, how's the preparation for the party?" tanong sa akin ni Tita Sof, huminga ako ng malalim bago ko siya sinagot

"Mam tapos ko na pong natawagan lahat ng guest at naipadala na rin po lahat ng invitations, as for the venue at ilan mga bagay na kailangan, Mam naayos ko na po lahat iyon..." saka ako tumingin sa listahan na hawak ko "Yung pagsusukat na lang po ng mga gown ni Mam Haley ang kulang..."

"Okay schedule it by tomorrow morning..." utos niya sa akin at tumango ko "I want you to go with Haley para mai-note mo rin ang mga ayaw at gusto niya pang idagdagsa details ng gown niya... Yung iba kasi siya ang gumawa, about the shoe fitting isabay mo na rin..."

"Okay po Mam..." sagot ko

"Sky..." biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang pangalan niya "Saan ka galing?" tanong ng Mommy niya, bumeso siya sa Mommy niya saka ngumiti.Tulad ng ginagawa niya sa loob ng isang linggo, hindi niya ako binati o tinignan man lang.

"Kila Trixie..." malamig niyang sagot. Napayuko ako at bigla kong naramdaman ang kirot sa aking dibdib. Galing siya kila Trixie at malakas ang loob niyang sabihin iyon sa harap ko. Ano mo ba talaga ako Sky?

"I see, balita ko magbubukas sila ng another hotel sa Cebu..." Sky nodded at her Mom "Siguro anak it will be a convenient to us kung ikakasal kayo, pwede nating i-expand ang negosyo natin sa pagho-hotel to think na mas matagal at mas solido na ang mga Clemente sa bagay na iyon..." Iniangat ko ang ulo ko para tignan si Sky

Nakita ko ang pagsulyap niya sa akin habang sinasagot ang mommy niya "I also think of that many times now, Mom..." parang sinaksak ang dibdib ko dahil sa sagot niyang iyon. So payag siya? Payag siyang ikasal kay Trixie para sa negosyo?

Ano yung sabi niyang ipaglalaban niya ako? Ano yung sabi niyang iba siya at ang mommy niya? Ano yung sabi niyang handa siyang i-give up lahat ng meron siya para sa akin? Wala lang yun? Kalokohan lang ba ang lahat?

"E-Excuse po..." paalam ko at dali-daling tumakbo papasok ng CR. Doon ko ibinuhos ang sama ng loob na nadarama ko ngayon. Ang sakit! Ang sakit ng ginagawa ni Sky. Bigla kong naalala ang tanong ni Ynna sa akin nung isang linggo. Kaya ko ba siyang kalimutan? Kaya ko bang itapon na ng tuluyan ang kung ano ang meron sa amin ni Sky?

I wiped my tears at kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Hindi... hindi ko kayang kalimutan siya... iniisip ko pa lang iyon, dinudurog na ang puso ko. Kumuha ako ng tissue sa tissue holder saka pinunasan ang mukha ko matapos maghilamos. Namamaga nanaman ang mata ko tulad ng mga nakaraang araw. Hanggang kailan? Hanggang kailan tayong ganito Sky?

"Hebe..." tawag sa akin ni Renz at tinignan akong mabuti, iniiwas ko ang mukha ko pero tingin ko huli na ang lahat "May problema ba?" tanong niya saka naupo sa tabi ko, break time na kasi kaya binisita nanaman niya ako. Tinignan ko ang mesa ko, wala ng bulaklak at tsokolate na galing kay Ciel, mas lalo akong nalungkot.

"W-wala..." sagot ko saka suminghot

"Bakit maga nanaman ang mata mo?" pangungulit niya sa akin "Araw-araw na lang ah..." saka siya humila ng upuan at umupo sa tabi

You're My Sky (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!